Chapter 6:1st week of my job
Nasabi ko ba na mahirap pala talagang pakisamahan ang isang Nathan na nadagdagan ang pagkamasungit.?!
Kung hindi . puwes sinasabi ko na sa inyo. SUPER!!!!. Alam niyo yun.. kung hindi ko lang talaga siya love pinalapa ko na to kay nine tailed beast ni Naruto>.<
Pero syempre. Kailangan kong iendure yun para na rin sa kanya.
Tinatanong niyo ba ang first day ko?! Eto lang naman ang nangyari….
<FLASHBACK>
First morning ko ditto
After naming mag-almusal. Pinakiusapan ako nila Tita na ako na lang ang magpakain kay Nathan. Hindi na rin kasi ito bumababa at lagging nasa kwarto na lang.
Syempre ang bestfriend ko naman ang sumagot.mahadera yun ii.
Umalis na si tito, si tita me bibisitahin daw kaibigan. At etong bestfriend ko?! Iiwan din ako =_= NAMAN!
Dala ko na ang pagkain.. nandito na ako sa labas ng kwarto ni Nathan.. kumatok lang ako ng tatlong beses tsaka ko na dahan-dahan binuksan ang pintuan.
Eto na!eto na talaga! Wala nang urungan.
Nakita ko siyang nasa terrace ng kwarto niya. Nakaupo lang don. Hayst ang gwapo mo talaga Nathan ko! Drools ^___^
“ahm Nathan, kuma…”
“WHO ARE YOU?! DO I GIVE YOU PERMISSION TO ENTER MY ROOM? GET OUT, I DON’T WANT TO EAT”
Tania. Hinga. Inhale exhale! Inhale . exhale.
“hay naku,, ako to Nathan si Tania! Remember . bestfriend ni Eri”
“TANIA! OH YES BUT I DON’T CARE.I SAID GET OUT OF MY ROOM NOW!” pasigaw pa ring pagakakasabi nito.
Grabe ah.. hindi ko alam kung bakit pero naluluha na talaga ako. See?! Wapakels siya sa akin.
Pero hindi ako pwede sumuko. Para sa kanya to
Tumikhim muna ako bago magsalita.
“I won’t go not unless kakain ka na. for pete’s sake naman Nathan. Huwag ng makulit. Gusto mo ba patayin ang sarili mo?”
“OU ! I WANT TO DIE. BAKIT BA KASI AKO DINALA PA SA HOSPITAL. HINAYAAN NA LANG SANA AKONG MAMATAY”
Oh my god! Ganito ba ang nagging apekto sa kanya ni Nancy.
Pero kailangan ko paglabanan temper niya.. nilapag ko na lang sa table ang pagkain niya.. nung susubuan ko na siya. Bigla niyang kinabig ang kamay ko pati ang pagkain niyang nasa table.
“BINGI KA BA?! ANG SABI KO AYAW KO KUMAIN KAYA UMALIS KA NA”
Pinulot ko yung nabasag na pinggan.
“Nathan ang sabi ko. Hindi ako aalis hanggat hindi kita napapakain. Pwedeng bang bago mo gustuhing magpakamatay. Isipin mo yung mganagmamahal sa iyo. Ang Daddy mo, ang Mommy mo, si Eri….”at ako. Gusto ko sanang idagdag pero hindi pwede “pwede bang isipin mo din sila. Ang selfish mo naman. Hindi mo ba naalala man lang ang nararamdaman nila. Sobra silang…….OUCH!”
Nu bay an,, nabubog pa ako.. huhu ang sakit.. waaaah me dugo!
“what happen?!” tanong nito.
“ahm. Ano wala ‘to. Konting sugat lang.” grabe ang sakit., lumalim ata ang pagkabaon ng bugbog. naiiyak na ako
“ah s-sige Nathan. Ano, k-kukuha na lang ako ng ibang pagkain.” Wait lang.
“ah a-ano,,, ou nga pala,, huwag ka na lang muna umalis sa kinatatayuan mo. K-kasi baka mabubog ka”
Palabas na ako ng biglang nagbukas ang pinto
“Jusko Tania anak, ano nangyari jan sa kamay mo at maraming dugo” si yaya doray
“nay, a-ano konting galos lang po ito,, wag kayong mag-alala. Hihi”
“konting galos?! E tingnan mo nga iyan, ang laki kaya ng hiwa” naku ang kulit niya talaga. Nandito kaya si Nathan kaya malamang naririnig niya
“m-malaking hiwa?! Nay talaga,, Malabo na siguro mata niyo.. hahaha. O sige po,, ay nay, paligpit na lang po ng mga nabasag, baka kasi me iba pang mabubog. Kukuha lang po ako ng pagkain sa baba”
Nakalabas na ako sa room. Waaah. Ang sakit talaga,, ou nga ,, malaki nga ang nahiwa sa kamay. Huhu.
<END OF FLASHBACK>
After ng incident na iyon, mejo nabawasan ang pagkamasungit ni Nathan
Nabawas ng 1.1 % .napapakain na din siya pero ganun pa rin. Wala pa ring imik. Laging nakabulyaw kapag nababanggit ang pangalan ni Nancy =_=
Hayst,, but atleast, napapakain ko na siya ng maayos. Malaki na daw improvement un sabi ni Tita
************************
A/N:
haha. sorry if nasingit dun sa taas si naruto.. asawa niya ako?! lam niyo yun?! lowls!
kwento ko pala sa inyo,. kahapon pumunta kami sa SM (pero hindi po talaga ako mahilig sa mga ganun swear! ) nakakita ako ng shirt na naruto ..waaaah! pati tatak Naruto .ayun, gusto ko bumili. wala namang pera! kala ng kasama ko para sa kapatid ko, hindi niya alam, para sakin yun. hahahaha
BINABASA MO ANG
Blind Heart
Fiksi RemajaMahal niya. Pero may mahal itong iba. But because of an accident, nagkaroon siyang chance para ipadama dito kung gaano niya ito kamahal. Magpapasalamat ba siya na naaksidente ito o hihilingin na lang niya na. “ SANA BUMALIK NA LANG TAYO SA TIME NA H...