Left Alone with Him

258 4 0
                                        

CHAPTER 7: LEFT ALONE WITH HIM

Sabay sabay na kami kumakain ng tanghalian.

“ma sabihin mo na kay Tania” –Eri.. anu kaya yun?

“ahm,, Tania, me family gathering kasi kami this Saturday, sa CamSur yun so mga 1 week kami dun.”

“ah yun lang po baTita, wala pong problema sakin.. makakasama ko naman po dito sa bahay sila yaya doray kaya ok lang” sabi ko habang nakangiti

“hmn, kasi si Nathan ayaw sumama. Ok lang ba sa iyo, if ikaw muna mag-alaga sa kanya?”

*cough cough cough* nabulunan ako dun ah

“best water oh” sabi ni Eri

So kaming dalawa ni Nathan ang maiiwan dito?! kaya ko kaya?

“Pls. Tania. Mahalagang gathering kasi iyon ii. Isasama ka naman sana namin,, kaya lang si Nathan naman ayaw sumama.” – tita

“sige po” yun na lang nasbi ko.. waaah?!

Days passed, hanggang sa araw ng sabado. Umalis na sila Tito at Tita,, sandamakmak ang bilin sa kin ni Eri. Kesyo wag ko daw halayin ang kuya niya. Konting tiis pa daw.. a\blah blah bla.. hayst nababaliw na talaga ako dun sa kaibigan kong iyon

So this is it?!

This is really really really is it.

Masosolo ko na siya. BWAHAHAHA!!

Ooops! Wag berde ang utak. Haha.wala akong masamang balak sa kanya ah.

Hahalayin ko lang. di naman gaano kasama iyon noh?! Hhahaha. I’m just kidding J

Pero in all fairness ah, sobrang kinakabahan ako ah. kasi ngayon,, wala nang mag-aassist sakin sa pag-aalaga nitong gwapo pero daig pa ang babaeng merong “you know every month” kung magsungit. Hayst.

So nag-umpisa na ulit ang pagiging baby sitter ko, I mean pag-aalaga ko sa kanya.

Ganun pa din naman ang routine.  Pinapakain ko siya. Then dun lang ako sa kwarto niya.

Minsan naglalaro sa cellphone ko, tapos minsan naglalaro sa cellphone ko, meron pa pala, minsan din naglalaro ako sa cellphone ko. Odeba! That’s life! Hahaha

Pero kapag di ko na kinaya. Kinakausap ko siya. Ayos naman siya kausap.

Madalas hindi sumasagot, sumagot naman puro “K” lang o di kaya. “oo” , “hindi”, “ayos lang”. ayos pa naman iyon diba?!

Pero kapag talaga, hindi na keribels ng sarili kong walang magawa. Nakikipagkwentuhan ako kila yaya doray, at nagb-bake din pala ng cake. ^____^. Hindi ko pala nabanggit na hobby ko magbake ng cake. Hobby ko siya since noong 10 years old ako. Nung nalaman kong favorite ni Nathan ang cake.Tapos pinapakain ko yun sa kanya.

Grabe nga yung unang beses na pinakain ko siya ng cake na gawa ko.  Masaya kasi first time in my 19 years of existence in this world (*whew*) na kumain siya ng gawa kong cake.  Kinakabahan kasi baka hindi pumasa sa panlasa niya yung cake. Excited kung ano ang magiging reaction niya. And buti naman nung nakain niya iyon. At tinanong ko kung masarap ang sagot niya……………………”AYOS LANG”  great isn’t it?!  - . <

Pero hindi ako titigil hanggat hindi niya nagugustuhan talaga ang ginawa kong cake. Ediba nga kasi siya ang reason kung bakit ako natuto nun.

“hindi ka ba nagsasawa na bantayan ako?”

(*cough cough cough cough*) ayan tuloy nasamid ako. Kasi naman po. Bigla siyang nagsalita ii kasalukuyang umiinun ako ng tubig. Nakakauglat kaya, try niyo. Yung lalaking ilang linggo niyo na din binabantayan pero hindi hahaba sa 2 words ang sinasabi, tapos bigla biglang magsasalita. And take note,more than two words ang sinabi.. wootwoot! Nag-iimprove si Nathan ko.. ^__^

Blind HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon