32 - Back

149 20 3
                                    


Aubrey's pov

"Ma, hindi ako makakasama sa korte ngayong araw..." sabi ko kay mama

"Di ko pa kaya... di ko pa siya kayang makita..." dagdag ko

"Alam ko anak... kaya may gusto kaming ipaalam sayo..." sagot niya saakin

"Kayo?" Tanong ko

Pumasok naman si ate Avery, tita Mary, at tito Alfredo...

"A-ano po yun?" Naguguluhang tanong ko

"May kailangan kang malaman tungkol kay Bryce..." sabi saakin ni ate Avery

Malaman?

"Anong kailangan kong malaman tungkol sakanya?" Naguguluhang tanong ko muli

Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko ngayon...

Ano ba ang kailangan kong malaman?

Ano ba ang mga sikretong iyon at bakit nfayon lang ito lumabas?

Bakit ngayon pa kung kailan masaya na kami?

Ano pa bang mga bagay ang sasaktan ako?

"Hindi siya anak ni Daezen..." sagot ni tita Mary sa lahat ng mga katanungan ko

Ang laking pagkakamali ang ginawa ko noong iniwan ko siya...

Bakit ba hindi nalang ako nagpakatatag para saaming dalawa noon?

Agad namang tumulo ang mga luha ko ng malaman ko ang sikreto ng pagkatao ni Bryce...

"Anak ko siya sa babaeng una kong minahal..." paliwanag ni tito Alfredo

Lalo akong napaiyak sa mga nalaman...

"Ang tanga ko para iwan siya dahil lang nasasaktan ako..." sabi ko kahit na naririnig pa nila ako

"Kaya nakasuhan ng kidnapping si Dae... kinuha niya si Bryce sa tunay niyang ina..." paliwanag ni tita Mary

Hindi na ako nag isip pa at tumakbo palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan...

Wala na akong pakialam...

Pupuntahan ko siya...

Sasamahan ko siya...

...

Bryce's pov

Hinihintay ko siya...

Darating ba siya?

Gusto ko siyang makasama...

Pero wala saakin ang desisyon...

Maintindihan niya kaya?

Dahil kung darating siya ay oo...

Pero kung hindi ay mamahalin ko pa rin siya...

Isang patak ng mainit luha ang naramdaman kong umagos mula sa mata ko...

Habang nararamdaman ang simoy ng hangin dito sa terrace...

Nakikita ko ang lahat...

Lahat ng tao, lahat n bahay lahat ng magkasama, lahat ng magkasintahan...

At siya...

Nakita ko din siya...

Bumaba siya sa itim niyang sasakyan at tumakbo papunta sa gate...

Hindi ko na tinignan pa ang susunod niyang mga hakbang dahil thmakbo na ako pababa para makita siya...

Sa huling baitang ko sa hagdan...

Nandoon siya...

Nakatingin lang siya saakin...

At pumatak ang mga luha niya...

Kasabay noon ay ang paglapit ko sakanya...

Hindi na ako nag isip pa at niyakap ko siya...

"Sorry..." bulong niya saakin

"Sorry kung iniwan kita noong kailangan mo ako..." dagdag pa niya

Kumalas naman ako sa yakap at hinaplos ang mukha niya...

Hinalikan ko nalang siya bilang sagot...

Kapag bumitaw ako sa halik namin, parang binitawan ko na din ang buhay ko...

Ngunit humiwalay din ako para maghabol ng hininga...

"Di mo naman kasalanan... kasalanan pa rin ito ni mama..." sabi ko sakanya

"Tinatawag mi pa rin siyang mama kahit na hindi siya ang tunay mong ina?" Tanong niya saakin

Tumango naman ako sa tanong niya.

"Oo... kasi alam ko, kahit isang beses sa buhay ko ay minahal niya ako... sa araw araw... naramdaman ko... ina ko siya... at ina ko pa rin siya..." sagot ko

"Pero paano kung hindi ko talaga kayang patawarin ang tinuturing mong ina?" Tanong niya

"Wala talagang kapatawaran ang nararapat, na sayo na yun..." sagot ko

"Thank you..." nakangiting sambit niya at binigyan ako ng isang matamis na halik...

I know she'll be back...

I knew she's back...

"So... for the second time around ay tatanungin kita..." sabi ko sakanya

"Aubrey Zen Lee, Will you do the honor of being my wife?" Dagdag ko

"Yes! Tinanong mo pa!" Sagot niya

Agad ko naman siyang niyakap.

"W ô ài n î..." sabi ko sakanya

"W ô yě ài n î..." sagot niya naman saakin

"Two months from now... ikaw na si Mrs. Aubrey Zen Lee-Chen... bagay na bagay..." sabi ko sakanya

"Tama..." sagot niya

"Magiging Mr. And Mrs. Chen na tayo..." dagdag niya pa

"Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon" sabi ko sakanya

"Alam ko po Mr. Chen..." sabi niya saakin

"Na-miss kita... sobra..." sabi ko sakanya

"Ako din..." sagot niya

"Masaya na ako... you're back to me..." sabi ko

"I'm even happier Mr. Chen..." sagot niya naman at nagbigay ng isang maliit na halik

_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_

705 words for this chapter!

Yes naman! 3 more chapters until book 2! Yes!

Sa natitirang tatlong huling kabanata ano pa kaya ang mga mangyayari?

Happy ending ba?

Next chapter: 33 - new beginning

Votes and Comments are highly recommended and appreciated!

See you next Chapter!

he thought me to move on (SanRo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon