25 - Little problems

104 29 17
                                    


Aubrey's pov

"Ano?! Paanong di niyo pwedeng gawin yung wedding dress?!" Galit na tanong ni Clara sa designer na kausap niya sa phone

"Pangatlong beses na kami nag book ng wedding at hanggang ngayon hindi niyo parin naaayos?" Mahinahon ngunit may kaunting galit na tanong ni Bryce

"Ilang beses na namin pinapunta dito tung sinasabi niyong wedding planner hanggang ngayon ay wala parin... babawiin nalang namin ang pera at maghahanap ng iba..." maging si Jack ay nagagalit na rin sa kausap nito sa telepono

Agad namang nag ring ang cellphone ko at tungkol din naman ito sa kasal...

"Hello?" Panimula ko

"Ms. Lee, kayo po ang friend ni Ms. Guererro at Mr. Romero hindi po ba? Naayos na po namin ang mga babayaran para sa singsing at idideliver nalang po ito sa bahay nila..." sabi ng staff ng jewelry store

Buti naman at kahit papaano ay may maayos na balita...

Agad ko namang nilapitan si Clara para sabihin sakanya ang tungkol sa mga singsing...

"Oh! Clara! May good news ako sayo, ok na daw yung mga singsing at idideliver nalang daw nila dito..." sabi ko sakanya

"Talaga! Ok that's great pero, di daw magagawa yung wedding gown ko by next week, may alam ka bang pwedeng gumawa noon?" Tanong niya

"I'll ask some of my friends para matulungan tayo..." sabi ko sakanya para mabawasan ang stress niya

"Thanks ah... pero check mo muna si Bryce mukhang may problema din doon..." sambit niya naman saakin

"Sige..." sagot ko

" B ǎ obèi, ok ka lang?" Tanong ko kay Bryce

"Yes B ǎ obèi, medyo may problema lang talaga sa beach resort kung saan nag book ng wedding, three times na tayo nag book pero di nila magawan ng paraan..." paliwanag niya naman saakin

"Mag book nalang kaya tayo sa mas malapit para mas madali..." sabi ko naman

"Sige maghahanap ako..." sagot naman niya

Niyakap ko muna siya at bumalik kay Clara...

"Alam mo Aubrey, gusto ko nang makita ang araw na ikakasal kayo ni Bryce kayo ang isang example nang matatag at masayang magkasintahan..." sabi saakin ni Clara

Kahit ako... sino ba naman ang hindi mangangarap na ikasal sa isang katulad ni Bryce hindi ba?

"Ikaw talaga, Clara! Pero totoo namang nangangarap nga ako, pero kayo ni Jack ang isa sa mga pinakamatatag na relasyong nakita ko..." papuri ko naman sakanilang dalawa

"Love, Aubrey, may problema nanaman. Hindi daw pwede yung pari na gusto nating magkasal..." sabi saamin ni Jack

"Sayang, gusto ko pa naman ang paring iyon... hayyy" sabi ni Clara

"Gagawan ko ng paraan yung tungkol sa pari, tapos kayo na bahala sa iba..." sabi ko

"We have lot of little problems... ano na ba ang uunahin natin?" Sabi ni Clara

"Calm down, Clara, konting ayos lang naman ang kailangan eh..." sagot ko

"Thanks Aubrey ah!" Sabi nila

"Sure..." sagot kong muli

Agad kong tinawagan ang ibang mga tao na kailangan para sa kasal ni Jack at Clara...

...

Mabilis lang din na natapos ang mga problema namin at agad kaming nagpaalam ni Bryce na uuwi na...

" B ǎ obèi, paano pala kung hindi natin kaagad nalaman na ikakasal pala ako kay Clara? Ano kayang mangyayari saating dalawa?" Tanong niya saakin habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay...

"Konting tiis nalang para saating apat, malaya na kayo ni Clara at malaya na kami ni Jack na mahalin kayo..." sagot ko

"Pero may isang tanong ako, paano kung may mga sikreto akong hindi mo alam at nalaman mo nalang bigla bigla?" Seryosong tanong niya

"Edi, Hihintayin ko ang paliwanag mo, at hindi naman lahat ng sikreto ay nakakasama para sa dalawang tao diba?" Nakangiting sagot ko

Isang bagay kay Bryce na marami ang nakakapuna at gusto ito ay ang pagiging matapat niya, kaya sa tingin ko ay wala naman siyang maitatago saakin...

"Wala ka nang maitatago saakin eh... kasi bago pa naging tayo, kaibigan mo na ako, best friends pa..." sambit ko sakanya

"Kaya mahal kita eh..." sabi niya

"Mahal din kita..." sagot ko

"Akala mo lang wala, pero meron, meron, merong forever!" Sabi ko sakanya at tumawa

I enjoy these little things...

All these little conversations...

I enjoyed his love the most...

Since the day he thought me to move on...

_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_

700 words for this chapter!

Ano na kaya ang mga mangyayari kay Mr. Chen at Ms. Lee?

Jusko lord! Kaya ko to!

Next chapter: the beginning of forever

Votes and Comments are highly recommended and appreciated!

See you next Chapter!












he thought me to move on (SanRo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon