Aubrey's povKagigising ko lang at namamaga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak...
Ang sakit ng mga mata ko hindi ko na ito halos maidilat...
"Ok ka lang Aubrey" tanong saakin, kilala ko ang boses pero nahihirapan akong dumilat...
Matapos ang ilang saglit ay nakadilat na ako ng maayos.
Nakita ko si Ate Avery na nakatingin saakin.
"Ok na ba yung mga mata mo?" Tanong niya
"Magang maga oh!" Sabi niya at sinuri pa ito
"Ok na kahit papaano..." sagot ko
"Uuwi muna ako ngayong araw. Naisip ko naman na nakapagisip isip na ako..." sabi saakin ni Ate.
"Agad? Ang bilis yata?" Tanong ko
"Walang dapat pag isipan kung mahal mo talaga..." sagot niya
Tinamaan naman ako sa sinabi niya. Pero iba kasi kami ni Bryce.
Mas malalim na ang ugnayan ni Ate Avery at Kuya Bryan."Tinamaan?" Tanong niya
"Huh?" Maangmaangan ko
"Wag ka nang magkaila pa. Naalala mo siya diba?" Sabi niya saakin
Dahan dahan naman akong tumango. Sawa na akong umiyak. Wala siyang kasalanan, pero di ko matanggap ang mga ginawa ng mama niya...
Pero napapaisip ako. Ano pa ba ang mga kasalanan niya? Ano pa ang mga krimen niya?
Ano pa ba ang mga ginawa ni tita Dae?
Dae's pov
(Bryce's mom)
"Ano Dae? Nagdurusa ka na ba ngayon? Pagkatapos ng pagtalikod natin kay Amanda? at pagkatapos ng ginawa mo kay Bryce?" Tanong ni Mary saakin
Ang lakas ng loob niya na ibunyag lahat ng sikreto ko pagkatapos niya saktan ang anak niya...
"Walang dapat makaalam ng tungkol kay Bryce! Wala! Hindi mo pwedeng sabihin sakanila ang ginawa ko sakanya! Madadawit ka!" Sigaw ko sakanya
Pagdadahilan ko ito para di lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon sa harap ng korte...
"At bakit naman ako madadamay? Ikaw ang pumatay kay Anya! Ikaw ang may kasalanan kay Bryce! At alam kong ikaw ang pumatay kay Ronaldo!" Sigaw niya pabalik habang umiiyak
Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang ginawa ng insecurity saakin...
"Tama ako diba? Ikaw nga ang pumatay kay Ronaldo (Clara's dad) !" Sabi niya saakin
"Oo! Dahil minahal ko siya bago ka niya nakilala! Ano tong buhay ko?! Isang teleserye?! Wag mo akong sisihin kung sinaktan niya ako!" Sagot ko kahit na alam kong nagsisinungaling nanaman ako
"Sinaktan ka niya kasi umasa ka! Umasa kang mahal ka din niya! Umasa kang kaya ka niyang mahalin! Umasa ka magsasama kayo! Umasa ka kahit ako ang mahal niya!" Sigaw niya saakin at nagsimula nanamang umiyak
Sinaktan nila ako! Sinira nila ako! Kasalanan nilang lahat!
"Oo. Ako ang pumatay kay Anya. Oo. Ako ang pumatay kay Ronaldo. Oo. Ako nga ang..."
Avery's pov
Naaawa ako sa kapatid kong si Aubrey. Masyado siyang nasasaktan. Nangungulila siya kay Bryce, mahal na mahal niya ang best friend niya. Pero di niya kayang patawarin ang ina nito...
Pero hindi ko magawang sabihin sakanya...
Hindi ko magawang sabihin sakanya ngayon ang mga nalalaman ko...
*flashback*
(Earlier that day)
Calling tita Mary...
"Hello? Avery... may kailangan tayong pag usapan, mahalaga ito at di pwedeng sa telepono lang... magkita tayo. Pupunta ako diyan" sabi saakin ni tita
"Sige po, magkita tayo dito." Sagot ko
Makalipas ang ilang minuto ay dumating din si tita Mary...
Naupo muna kami sa sala at may sinabi siya saakin na hindi kapani-paniwala...
"Avery, gusto ko na sabihin ito sayo dahil alam ko na pwede kang maging daan para maging masaya ang kapatid mo at au Bryce..." sabi niya
"Malaki ang kasalanan ni Dae kay Bryce, at alam kong kapag nalaman nila ito ay masasaktan si Bryce pero pwede itong maging daan para magkabalikan sila..." dagdag pa ni tita...
*end of flashback*
Bukas Aubrey, di na kailangang ako ang magsabi...
Ang korte na mismo...
Magkakatuluyan kayo...
Sinisigurado ko...
Bryce's pov
Gusto kong tawagan si Aubrey.
Pero sinasabi saakin ng utak ko na namamahinga pa ang puso niya...
Gusto ko siyang tanungin kung babalik pa ba siya saakin.
Pero sabi ng utak ko na mahal na mahal niya ako at babalik siya...
"Malay mo ay patawarin ka niya bukas dahil lalo niyan maiintindihan na ang mama mo ay walang kinalaman sayo..." sabi saakin ni papa
"Sana nga pa, sana nga..." matamlay na sagot ko
"Wag kang mag alala anak, kami na ang gumagawa ng paraan..." sabi saakin ni papa at niyakap ako
Hindi ko man maintindihan ay niyakap ko nalang din siya pabalik...
Ano ba ang ibig niyang sabihin?
Sila na ang gumagawa ng paraan? Sino sino ba sila?
At ano ba ang kinalaman ko sakanila para tulungan ako?
_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_
750 words for this chapter!
Ano pa nga ba ang mga Hidden sins ni Dae?
At... ano ba ang paraan na ginagawa ni Alfredo (Bryce's dad) para magkabalikan sila?
At ano naman kaya ang alam ni Ate Avery?
Next chapter: 32 - Court
Votes and Comments are highly recommended and appreciated!
See you guys next chapter!
BINABASA MO ANG
he thought me to move on (SanRo)
RomanceAubrey Zen Lee a half filipina half chinese heiress of the rich couple lee. Aubrey left her friends in shock and wonder by leaving the country after her recent break up. she went to china with her parents and her bestfriend Bryce Yaohann Chen. what...