30 - little time

108 22 0
                                    

5 more chapters after this chapter, then book 2 soon!

Bryce's pov

"Paano?" Tanong ko

"I don't know! Kinasuhan siya ni tita Mary... and doon ko nalaman nung hinuli na siya..." sagot niya habang umiiyak

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sakanya

Timanong ko siya kahit na alam ko na ang sagot...

"Honestly? No! Di ko kaya na palampasin ito... nasasaktan ako, pero mas nasasaktan ang mama ko... Please... give me little time. Para makapag isip tayo..." sabi niya saakin

Tumango nalang ako dahil, kahit ako ay nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon...

Agad naman siyang naglakad palayo...

I can't lose her...

But we need time...

"Anak... I'm sorry nadamay kayo ni Aubrey sa gulo na idinulot ng mama mo..." sabi saakin ni papa at tinapik ang likod ko

"No pa... kasalanan to ni mama... bakit niya ba ginawa yon?" Tanong ko sakanya habang umiiyak

"Because she was not contented and she was insecure..." sagot naman saakin ni papa

"Ano pa ba ang iba niyang kasalanan? Gaano pa ba kadami?" Tanong kong muli

"Ang tita Mary mo lang ang nakakaalam..." sagot ni papa

"So, meron pa nga, marami pa..." sabi ko naman sakanya

"Malalaman natin sa korte..." sagot niya sa mga sinabi ko

"What else can she do?" Tanong ko sa sarili ko

Pumasok nalang ako sa loob ng bahay...

I knew it, may itinatago nga si mama saamin ni papa...

"Bryce. Anak, sana patawarin mo ang mama mo balang araw..." sabi saakin ni Manang Cecile, ang pumuno sa mga pagkukulang ni mama saamin...

"Paano ko ba siya patatawarin?" Tanong ko naman sakanya

"Mahal na mahal ka niya, at may dahilan siya, sigurado ako sa dalawang bagay na iyon..." sagot ni manang saakin

Na umiiyak din ngayon, sapagkat di siya makapaniwala sa mga ginawa ni mama...

"Salamat po..."

...

Aubrey's pov

"Mama... akala ko noon, ako talaga at si ate ang dahilan ng pagkamatay ni Anya, pero nagkamali ako..." sabi ko sa aking ina habang umiiyak, si papa naman ay nagmamaneho at si mama naman ay nakayakap saakin

ang sakit lang isipin, mama pa ng fiancée ko

"Anak... don't let this incident ruin your happiness... You want to marry him, I know, I also know you can't forgive, but marry him... hindi siya ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid mo... at may mga bagay na hindi tayo sigurado." Sabi saakin ni mama

"Alam ko ma... pero hindi ko kayang hindi magalit sa mama niya, mahihirapan lang kami... ina niya yon, mas mahalaga siya sa kahit na kanino..." sagot ko kay mama

"Oo anak... pero hindi siya kasing halaga mo para kay Bryce, kasi mas mahalaga ka, sigurado ako... mahal na mahal ka niya. Walang ibang tatapat sayo para sakanya" paliwanag naman ni mama saakin

I love my sister...

But I love him too...

"Sa isang araw na kaagad ang paghaharap sa korte. Masusundan bawat linggo, maliban na lamang kung mapatunayan agad, kung may sapat na ebidensiya..." bigay saakin ni mama ng impormasyon

"Asahan niyo ko sa isang araw ma..."

...

Nakauwi kami ng bahay at nakita si ate Avery na umiiyak...

Agad ko siyang nilapitan at sinuway...

"Ate bakit ka umiiyak, masama yan para sa baby mo..." sabi ko sakanya

"Nalaman ko ang balita tungkol sa mama ni bryan, sinabi ko sakanya na dito muna ako habang hindi pa maayos ang lahat..." sagot niya naman saakin at tuloy lang sa pag iyak

"Ate! May baby kayo... kailangan magkasama kayo ngayon, alagaan niyo siya..." sabi ko naman sakanya

"How about you? Kayo ni Bryce? You're getting married right? Don't tell me you turned him down..." tanong saakin ni ate

"No, just like you, I asked for some time..." matapat na sagot ko

"Matutuloy ba?" Tanong niyang muli at mukhang nagaalala

"Oo... ata..." naguguluhang sagot ko

"Walang mangyayari kung hindi pag uusapan..." sabi naman ni ate

"Pag uusapan, pero di pa ngayon..." malungkot na sagot ko

"Gusto ko siyang makita, makasama, namimiss ko na kaagad siya... pero di pa kaya ng puso ko." Sabi ni Ate

Nagsituluan naman ang mga luha niya...

"Makikita at makakasama no din siya ate... kailangan lang natin maghintay na matapos itong problemang ito..." sagot ko sakanya

Agad ko naman siyang niyakap, dahil alam kong nahihirapan siya lalo na at asawa niya iyon...

Ang hirap na mawala siya sa buhay ko. Di ko kakayanin kung ganon...

_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_●_°_

715 words for this chapter!

Kinakabahan ako sa ud ko pati na sa haplos!

Jusko lord! Help!

Next chapter: 31 - Hidden sins

Votes and Comments are highly recommended and appreciated!

See you guys next chapter!

he thought me to move on (SanRo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon