Chapter 6: She's the Girl

393 15 1
                                    

"Pula? Bakit ko kailangang mag formal dress?" Tanong ni Micah kay Red

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pula? Bakit ko kailangang mag formal dress?" Tanong ni Micah kay Red.
Binilhan kasi siya nito ng isang dress at pinasuot sa kanya.
Inaayusan na ngayon ang kanyang buhok para mas maging maganda siyang tignan.

"Mag a-audition tayo" sambit ni Red.
Na-excite si Micah sa narinig. Nag liwanag ang mukha nito.

"Audition? Hala! Artista na pala ako?"

"Yeah. Kind of" simpleng sagot ni Red at nilapitan si Micah.

Natapos na ang pag aayos sa kanya. Tinitigang mabuti ni Red si Micah at masasabi nitong maganda ang dalaga.

"Your ready" sambit nito at inaya si Micah. Lumabas sila ng silid at nag lakad sa hallway. Nilingon ni Red ang kanyang wristwatch. Late na kami.
Ibinaling nito ang atensyon kay Micah na kasabay niya lamang sa pag lalakad.

"Uhmm. Mic?"

"Po?" Napakamot si Red sa kanyang ulo. Hindi niya pa kasi nasasabi kay Micah kung anong audition talaga ang pupuntahan nila.

"Wag ka sanang magalit" napahinto si Micah sa paglalakad at hinarap si Red.

"Bakit po? Hala! Sinasabi ko na nga ba eh!!" Napakunot-noo si Red. Ang akala niya kasi ay hindi pa alam ni Micah ang kanyang plano.

"Sasabihin ko naman sana.. kaya lang kasi--"

"Tama nga ako! Hindi isang libo yung lobo na binili mo!! 999 lang no?" Napaasim ang mukha ni Red sa narinig. Nagpigil siya ng tawa at kinaway ang kanyang kamay.

"Hindi nga yun isang libo. Pero sobra pa yun sa isang libo. Anyway, bakit ba tayo umabot sa lobo?"

"Humihingi ka kasi ng sorry. Akala ko naman kasi tungkol sa lobo ang ibig mong sabihin" lumabi si Micah. Napangiti na lamang si Red.

"Hindi yun tungkol sa lobo. Kasi kaya kita sinuotan at inayusin ay dahil.."

"MANGUNGUTANG KA!!? Hala! Sa akin pa nangutang na wala naman akong pera eh. Punta na lang tayo sa bahay may pera ako doon sa baboy kong alkansiya" hindi na napigilan ni Red ang matawa. Kakaiba talaga mag isip ang babaeng ito.

Pinunasan ni Red ang luha sa gilid ng kanyang mata at sinubukang e-compose ang sarili.

"Hahaha. Mic, ang cute mo talaga pero pwede patapusin mo muna ako?" Tumango si Micah at hindi na nag salita pa.

"Mag a-audition ka para maging girlfriend ni Black."

Ilang segundong nagkatitigan ang dalawa. Walang umimik at nakikipagramdaman lang ang mga ito.

Napalunok laway si Red ng bigla na lamang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Micah.


"ANO?!!!" Halos umalingawngaw ang sigaw ni Micah sa buong A Camp.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon