Chapter 31: Suspicious

86 2 1
                                    

Congrats GOT7 sa Comeback. Guys, please stream their MV 🤗 ☝🏼

-Micah's POV-

"Hindi ka ba nilalamig?"  Tanong sa akin ni Kyros. Napatingin ako sa suot kong maluwag kong damit.

"Hindi naman. Makapal din naman kasi itong tela ng damit mo. Salamat nga pala huh" Sambit ko sa kanya. Napatango lang siya bilang sagot sa akin.
Bumalot muli ang katahimikan sa aming dalawa.
Nawalan na din siguro ako ng topic kay Kyros kasi kanina pa ako nagsasalita.

"Ang tahimik mong tao no?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.

"Well, hindi naman sa tahimik. Hindi lang talaga ako masalitang tao" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo wala naman kaibahan sa sinabi mo eh. Pinagloloko mo ako eh" Hinampas ko siya at tumawa.

"Atlast tumawa ka na din" Sambit nito habang malalim ang tingin sa akin. Mabilis akong napaiwas sa kanya.
Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya. Nakakatunaw yung mata niya eh.

Biglang napako ang tingin ko ng matanaw si Blake sa nakabukas na bintana ng isang silid.
Nakayakap ito sa kanyang fiancee.

Gusto kong umiwas ng tingin ngunit hindi ko magawa.

Naramdaman ko na lamang ang paghawak ni Kyros sa aking balikat.
Agad akong napayuko at nakangiti siyang hinarap.

"Tara!" Yaya ko sa kanya at tumayo.
Tahimik lang akong sinundan ni Kyros.

Sinalubong kami ng isang MIB ng makapasok sa main building ng A-Camp.
Niyaya niya kami patungo sa dining area upang makapag-hapunan. Tamang-tama din naman dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Pagpasok namin ay naka-upo na  doon sina Travis, Xion at Claire.

Ngumiti si Claire sa akin at pina-upo ako sa kanyang tabi.

"Si Hailey?" Tanong ko sa kanya.
Ngumuso si Claire kaya lumingon ako sa direksyon na tinuro nito.

Pababa ng hagdan si Hailey kasama si Ash.
Kumaway ito ng makita ako.
Agad ako nitong niyakap ng makalapit sa akin.

"Ayos ka lang Mic?" Mapait akong ngumiti sa kanya.
Hinawi niya ang buhok ko bago umupo sa tabi ko.

Napalingon akong muli sa hagdanan ng bumaba si Blake kasama si Ayana. Magkahawak ng kamay ang mga ito.
Agad akong umiwas at uminom ng tubig.

Tahimik kaming kumakain at tanging ang mga tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig sa paligid.

But, ako lang ba or talagang awkward ang ambiance?
Me, my ex and his fiancee is in the same place.

"By the way Micah? How are you?" Naibagsak ko ang hawak na kubyertos ng biglang magsalita si Ayana.
Napalingon ako sa kanya at mapait na ngumiti.

"Im not okay" Diretsong saad ko sa kanya.
I dont know why did i do that, but i just look straight into her eyes. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya.

"Sorry to asked. I am hoping for your recovery" Malumalay na sambit nito. Naibagsak ko ang aking balikat dahil sa kunsensya. I should'nt acted rude towards her dahil wala namang mali sa kanyang ginawa. She's just asking.

"Kukunin ko muna ang desert" Sambit nito at tumungo ng kusina.
Ewan ko ba kung bakit ngunit napatayo na din ako at sinundan si Ayana.

Naabutan ko siyang nagsa-slice ng cake. Nilapitan ko ito at inabot ang isang platito, napansin ko ang gulat sa kanyang mukha.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon