Chapter 25: Feeling Safe

401 15 8
                                    


3rd Person's POV

Pagpasok palang ni Blake sa kanyang opisina ay agad na siyang sinalubong ng kanyang Secretarya'ng si Bora.

Nang maka-upo sa kanyang swivel chair ay inabot naman ni Bora ang mga papeles na kailangang pirmahan ni Blake.

Maigi muna itong binasa ng binata bago isa-isang pinirmahan.

"Sir, let me remind you the board meeting at 1pm, about the renovation naman po you will meet Mr. Chao at 3pm and dinner with Mr. Lim at 6 pm.."

"And oh i almost forgot, house warming party at Benson residence" 

"Okay" iyun na lamang ang nasambit ni Blake, sanay na din naman kasi ito sa kanyang mga schedule, lalo na't sa kanya na ipinagkatiwala ang kanilang mga negosyo.

"Thank you sir" sambit nito ng matapos si Blake sa pag pirma ng mga papeless.

"Oo nga pala sir, may naghihintay pala sa inyo. It's Mr. Henry Cruz, papasukin ko po ba?" Natigil si Blake sa pagtata-type sa kanyang laptop.
Habang nasa screen ang tingin ay tumango siya.
Yumuko si Bora bilang sagot at lamabas na ng tuluyan.

Matapos ng mga ilang minuto ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Henry.
Tinignan lang siya na Blake at pina-upo sa upuang nasa harap ng kanyang malapad na mesa.

Habang nagtata-type sa kanyang laptop ay binasag ni Blake ang katahimikan.

"What brings you here Henry Cruz? Or i should say Henry Livoia?" Ngumisi lang si Henry at tsaka umiling. Hindi na siya nagulat pa ng sabihin nito ang totoong apelyido niya.

"Well Little Master" Blake smirked of what Henry said. Ito kasi ang tawag sa kanyang noong siya ay bata pa.

"I respect your family, i respect my late boss, Blaze Cromwell, i too respect you but ayaw kong madamay pa siya" napahinto sa kanyang ginagawa si Blake at tinignan si Henry.

"I am protecting her" umiling si Henry.

"Mas lalo mo siyang pinapalapit sa panganib. May dalawa ka lamang option, lalayo ka sa kanya o di kaya aalis ka"

"Like what you did?"

"Yes, mas pinili kong ilayo siya sa pahamak kaya umalis ako"

"No need to choose because i can do both, protect her and comply my duty as a mafia boss" Henry just smirked.

"Hindi ko mababago ang desisyon mo. Pero isa lamang ang gusto kong mangyari, ang kanyang kaligtasan sana ang iparioridad mo" yumuko muna si Henry bilang pag galang bago tuluyang lumabas ng opisina ni Blake.

Napa-isip muna ng malalim si Blake bago isinara ang kanyang laptop. Mabilis niyang isinuot ang kanyang jacket na nakapatong sa kanyang swivel chair, hinalbot niya din ang susi ng kanyang kotse.
Papalabas na siya ng opisina ng kanyang masalubong ang kanyang secretarya'ng si Bora bitbit ang mga ilang papeles.

"Sir..."

"Cancel all my schedule.." biglang nataranta si Bora at sinundan si Blake.

"Sir hindi pwede, importante po ang mga...."
natigil si Bora ng bigla na lamang siyang bigyan ng nakakatakot na titig ng binata

"Mas importante ang pupuntahan ko"

Napakagat na lamang si Bora sa kanyang labi at tumango sa sinambit ni Blake.












"Ate Gigi, kami na muna ang bahala kay Micah. Umuwi ka na po, kailangan niyo nang magpahinga" Umiling si Gigi bilang sagot. Dalawang araw na siyang walang tulog dahil sa pagbabantay kay Micah. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising ang kanyang alaga.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon