Chapter 17: Girl Clash

321 15 4
                                    

"That's all for today. Class dismissed"
Kasabay ng paglabas ng guro ay siya ding pagtayo ng mga estudyante.
Kabilang na doon sina Micah at Hailey.
"Gala tayo Hail!" Masayang yaya ni Micah sa kanyang kaibigan habang inaayos ang mga libro niya.

Hindi naman umangal si Hailey at pumayag na din sa plano ng kaibigan.

Matapos mailagay ang gamit sa kani-kanilang locker ay naglakad na palabas ang mag kaibigan sa campus.

Habang nag uusap ay bigla na lamang sumulpot si Claire sa kanilang gitna at sabay silang inakbayan.

"Nami-miss ko kayo mga ate. Gala tayo?"
Napangiti ang dalawa at sabay na kinurot sa pisngi si Claire.
"That's our plan" sagot ni Hailey.

"That's good! Ayos lang ba isama natin si Brianna?"

"Oo naman no! Isama na din natin si Kria para mas masaya" anang Micah.
"Sige! Hindi tayo nakapag-gala ng maayos noong nakaraang araw kaya gawin natin ngayon ang hindi natin nagawa"
Dali-dali ng lumabas ang tatlo ng paaralan.
Napag desisyonan na lang din nilang sa isang sasakyan na lamang silang lahat.
Pagkatapos sunduin si Kria ay dumiretso na ang mga ito sa mall at doon na nila kikitain si Brianna.

"Ano sa tingin niyo?" Umikot pa si Micah upang ipakita sa mga kaibigan ang isinukat na damit.
Dahil wala na silang oras upang mag-bihis ay naisipan na lamang nina Hailey at Micah na bumili ng masusuot sa mall.

Mataman na tinitigan ng tatlo si Micah. Maigi nilang sinuri ang damit na suot-suot nito.

"I love the short, mas maganda siguro kung itong crop ang top mo" inabot ni Hailey sa kaibigan ang top na napili.
Sumang-ayon din naman ang iba kaya sinubukan na itong sukatin ni Micah.

Pagkatapos maisuot ay ipinakita niya ito sa mga kaibigan.

"Hindi naman kaya masyadong reliving ang suot ko?"
Kumunot ang noo ni Claire dahil sa sinambit ni Micah. Samantalang natawa na lamang sina Hailey at Kria.

Tumayo si Kria at nilapitan ang kaibigan.

"Hindi naman siya REVEALING Mic, bagay naman sayo" 
Tinapik niya ito sa balikat.
"Talaga?" Humingi siya ng sagot sa dalawa pang kaibigan.
Tumango ang mga ito kaya sa huli ay iyon na ang binayaran ni Micah.

Bitbit ang ilan pang pinamili ay lumabas na ang magkakaibigan sa boutique.
Sakto naman ang siya ding pagdating ni Brianna.
Nagbatian ang mga ito at nakipag-beso sa kararating lamang na kaibigan.

"So what to do first?" Paninimula
ni Claire.
Dahil wala naman sa plano ay hindi malaman ng magkakaibigan kung ano ang unang gagawin.

"Why don't you guys help me buy some heels for a special event" sambit ni Brianna. Napatingin siya kay Micah, alam kasi nito kung anong event ang kanyang tinutukoy.
Ngumisi ito sa kaibigan.
"Yes! Sureness. Parang ako din eh kailangan ko. So tara?" Segunda kaagad ni Micah.
Hindi naman umangal ang tatlo kaya agad na silang tumungo sa isang boutique ng mga sandal.

Nag hiwa-hiwalay ang mag-kakaibigan ng makapasok sa boutique upang mas makapili ng maayos.
Habang magkasama sina Hailey, Kria at Micah ay sina Claire at Brianna naman ang nagsama.





"What do you think Claire? Cute right?" Itinaas ni Brianna ang hawak na sandal upang ipakita kay Claire.

"Yeah. Nice color, isukat mo" Nakangiting tumango si Brianna bilang tugon kay Claire.
Nang akmang uupo na sana siya sa couch malapit sa kanya ay bigla na lamang siyang inunahan ng iba.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon