Chapter 13: Girls and Boys

413 18 5
                                    

PADABOG na pumasok si Blake sa interrogation room. Dire-diretso ang lakad niya papalapit sa lalaking kanilang bihag.
Naka-upo ito sa isang plastic na silya habang nakatali ang magkabilang kamay at nakatungo.

Mapapansin ang bugbog na muka nito dahil napag-disketahan siya ng ilang mga myembro ng Alpha ng mabagot ang mga ito kakahintay kay Black.

Inilabas ni Black ang kanyang katana at walang pag dadalawang isip na pinunit ang damit ng bihag sa may parte ng braso nito. Ngunit nadismaya siya ng hindi niya mahagilap ang nais niyang makita.

"He's not a member" sambit nito.
Ibinaling ni Black ang tingin kay Green.
"Information Green. I need to know kung kabilang siya sa isang mafia group"
Napaayos ng upo si Green habang tutok na tutok sa kanyang computer. Nag-type ito bago lumingon kay Black.
"He's a former member of Falcon but transferred to another group" napakunot-noo si Black ng hindi ipinagpatuloy ni Green ang sinasabi.
"What group?" Iritabling tanong nito.
"Walang nakalagay boss. Simbolo lang ang nandito.." Dahil sa kuriosidad ay lumapit si Black upang malaman ang ibig-sabihin ni Green.
Nag tiim-bagang siya ng malaman kung anong symbolo ito.

"Triangle" Na-isatinig ni Blue.

Nilapitang muli ni Black ang bihag.
Kwenilyohan niya ito.

"I just have one question and i want you to answer that!!"
Bulyaw na sambit nito.
"Anong grupo nila?!"
Hindi umimik ang lalaki. Ngumisi pa ito kahit kinikwelyuhan pa rin siya ni Black. Tinitigan niya ang mga nag-babagang mga mata ni Black sa galit.

"Patayin niyo na lang ako dahil wala kayong makukuhang sagot" Naitulak ni Black ang lalaki bago senenyasan si Gray.
Pinatunog ni Gray ang mga boto sa mga daliri at nilapitan ang lalaki.
Walang pag-dadalawang isip na binigyan niya ito ng suntok. Dahil sa sobrang lakas ay natumaba ito kasabay ng silyang inuupuan niya.
Umiling-iling si Red at itinayo ang lalaki.
"I will ask you for one more time! What group are they?" Mariing sambit ni Black.
At imbis na sumagot ay tumawa lang ang lalaki.
"Hahahaha" kumunot ang noo ni Black.

"May sayad ka ba pre?" Tanong ni Red.

"Wala kayong----" *BANG
Hindi na nagulat pa ang Alpha ng umalingawngaw na lamang ang putok ng baril.
The next thing they know, nakalabas na ng silid ang leader nilang si Black.

"As always" Anang White at tinawagan na ang mga tauhang maglilinis ng bangkay.






"KRIA!!!!" Halos madapa si Micah ng patakbo siyang lumapit sa kanyang kaibigan. Agad niya itong niyakap ng mahigpit ng tuluyang makalapit.
"Micah, na mi-miss kita" senserong sambit ni Kria
"Ako din" hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at sabay na naglakad patungo sa sasakyang nag hihintay sa kanila.
Dahil na mi-miss na nila ang isat-isa ay napag-planohan nilang mamasyal.
Masaya silang nagku-kwentuha habang sinusuyod ang daan patungo sa mall.
"Nga pala Kri, niyaya ko si Hailey at tsaka yung dalawa ko pang mga bagong kaibigan. Sana okay lang sayo?"
Bahagyang ngumiti si Kria.
"Oo naman. The more the merrier nga, di ba?" Tumawa si Micah ng pilit.
Napangiti na lang din si Kria dahil alam nitong hindi na naman naintindihan ni Micah ang kanyang sinabi.

"HAIL dito!" Ikinaway ni Micah ang kanyang kamay habang ibinababa ang tawag.
Pagkalapit ay agad na nag beso si Hailey sa dalawa.
"Kanina pa kayo? Hi, Kria" ngumiti si Kria kay Hailey. Kilala na nila ang isat-isa kaya hindi na sila nakakaramdam pa ng pagka-ilang. Pareho nilang kaibigan si Micah kaya may mga pagkakataong namamasyal talaga ang tatlo na magkasama.
"Hello Hail, masaya akong makita kang muli. Anyway, kararating lang din namin"

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon