Chapter 18: Misunderstanding

292 10 3
                                    

"Nakapatay na yung phone"  Nakasimangot na humarap si Claire sa buong Alpha 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nakapatay na yung phone" Nakasimangot na humarap si Claire sa buong Alpha 7.
Sinusubukan niya kasing tawagan si Micah dahil mamayang gabi na magaganap ang pagpapasa ng trono kay Blake ngunit kahit na sa mga oras na ito ay hindi nila makontak ang dalaga.

"What do we do now?" Tanong ni Yusef. Nagkatinginan ang anim habang hinihintay ang sagot ng kanilang leader na si Blake.

Nag usap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata. Nagtuturuan kasi sila kung sino ang kakausap sa kanilang leader.
Sa huli ay napag desisyon na lamang ni Grey na siya na ang kakausap.

Nakatayo si Blake sa harap ng salaming bintana habang nakatingin sa malawak na hardin ng A Camp.

Nang makalapit si Grey ay tinapik niya ito sa balikat.

"Black, the decision is yours. Anong plano mo?" Ilang segundo munang nanahimik si Blake bago hinarap ang mga kaibigan.

"Check everything. The venue, food, security. We waited for this day kaya kailangan maayos ang lahat. Grey will be taking over. I want everything to be perfect. Babalik ako"
Sunod-sunod na sambit ni Blake at parang hangin na lamang na nawala sa silid na iyun.

Sinumulan naman ng lahat na hati-hatiin ang mga gagawin base sa kagustuhan ng kanilang leader.

"You heard him, this should be perfect!" Sumaludo ang lahat sa sinambit ni Grey at naghiwa-hiwalay na upang gawin ang nakatuka sa bawat isa.











"Oh Mic, akala ko ba may lakad ka?" Habang prenteng nakasandal sa sofa ay nilinga ni Micah ang dumaan na si ate Gigi. Bitbit nito ang basket na puno ng mga maduduming damit nina Micah at Thunder.

"I already cancelled it!" Diretsong saad ni Micah. Sa pagtataka ay bigla na lamang naibagsak ni Gigi ang basket at dali-daling nilapitan ang alaga.

"Wow! For the first time hindi baliko ang English mo" may pagka-amaze na sambit nito habang sapo ang noo ni Micah. Sinisigurado kasi nitong walang lagnat ang alaga.

Napakunot-noo si Micah at itinaas ang tingin upang lingain si Gigi.

"Ate Gigi, nagbabasa po ako ng libro" ipinakita ni Micah ang hawak niyang libro.
Ang kaninang manghang mukha ni Gigi ay napalitan ng simangot

"Nabasa ko lang po. Sige ate, labas muna ako huh"
Matapos mailapag ang hawak na libro ay tuluyan ng lumabas si Micah.

Dumiretso kaagad siya sa garahe at kinuha ang luma niyang skater na ilang taon niya ding hindi nagagamit.
Nang maisuot niya na ito ng maayos ay lumabas na siya agad habang sinusubukang balansehin ang sarili.
Sinubukan din siyang tulungan ng mga iilang bodyguards na nagkalat sa paligid ngunit tumanggi si Micah.

Ilang minuto pa ng siya ay pahawak-hawak sa pader ng mga bahay upang hindi matumba hanggat nakuha niya na itong balansehin. Abot-tenga ang ngiti ni Micah nang walang kahirap-kahirap siyang nagpadulas sa malawak na daan.

Dating A Mafia Boss (GOT7) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon