Chapter 19

1.2K 40 0
                                    

A/N: So guys,Happy 3.28k reads yiiiieeee... Sorry din for long update,na-busy si Miss Author eh😊 so hope you like this chappy. Enjoy reading..

================================

Kass's POV

Lumipas ang mga araw,mula nung pina-cancel ni sungit yung klase,at talaga namang inannouce nya na GIRLFRIEND nya ako!My gahd! But until now,hindi parin alam nila mommy at ng daddy nya ang nangyayare saamin. Well sana hindi na talaga nila malaman,ayoko mag goodbye Philippines,huhuhu. Bruhong sungit kase,nakakainis,so eto nga,exact 3 weeks na kami today kuno. Kaya ayun sabay nanaman kami papasok sa school,2 weeks nalang vacation na namin.

"Any problem Kassandra?" Tanong ni sungit sakin,dahil kanina pa ako tahimik,mula ng umalis kami sa bahay.
"Nah,wala naman. Bakit?" Sabi ko.
"Kanina kapa kase tahimik." He said.
"Iniisip ko lang,kung saan tayo pwede mag vacation kasama ang barkada?" Tanong ko. Dahil last time na pinag usapan namin yun eh walang nangyari dahil nagtatalo sila kung saan maganda mag vacation,my gahd!
"Hmmm,you? Where do you wanna go on vacation?" He ask. Hmmm saan nga ba?
"Kahit saan nalang,basta kasama kayong barkada ok na ako." I said while smiling. Kaya napa ngiti din sya. Oh My! *0* ngumiti sya?!?!?! Waaahh,well bihira kasi sya ngumiti,so hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na yun at kinuhanan ko sya ng picture na naka ngiti,yiiieee ang gwapo nya hahaha,ssshhh quiet lang guys pag narinig nya yan,lalaki ulo nya hahaha.
"Tsk!" Sabi nya after i took a picture of him,hahaha.

After couple of minutes nakarating na kami sa school. Tsk,chismosa everywhere... Dirediretso lang kami ng lakad,papunta sa room...

"Beshiiiiieee!!!" Sigaw ng dalawa kong loka-loka na bestfriend,hahaha.
"Yo! Wazzup?" I ask.
"Besh,until now kayo parin ni Nathan ang topic ah." Sherly said.. Tsk,oo nga pala.
"Wag ako sisihin nyo,si sungit!"
"Hahaha so totohanan na talaga to Besh?" Ara ask.
"Alam kong laro lang ito para sakanya,alam ko naman na ayaw sakin ni Nate sa bahay nila,kaya gumaganti lang yan tss.." I answered. Totoo naman eh! Ayaw talaga sakin nung sungit na yun.

Nag kwentuhan pa kami,until may narinig kaming sumigaw sa may pinto ng room namin.

"OMG! Guys may practice daw yung basketball team ngayon,kaya cancel ang class,waaahhh My bebe Nathan mapapanuod nanaman kita!" Sabi nung isang kaklase namin,with matching twinkle pa ng eyes tss..

"Ano tara?" Sherly.
"Saan?" Ako
"Sa Gym ano pa!" Sabi nilang dalawa,at talagang nag sabay pa sila.
"Ano gagawin natin dun?" I ask.
"Tatambling! Malamang manunuod ng game! Tara na." Ara said,sabay hila sakin. Pilosopo talaga ang gaga.

After a 5131516171818 years,de joke haha. After couple of minutes nakarating na kami sa gym,at talagang sa unahan pa umupo yung dalawa,kaya no choice alangan naman na humiwalay ako sakanila diba? Ayoko nga yun.

Ang ingay nila grabe,sigawan talaga sila. At talagang marami ngang fans kuno yung tatlo..

"Go Ian babyyyyyyy i love yooouuuu!!"
"Merry me Darwin my lovesssssss!!" Sigaw ng fans nung dalawa,hahaha. Pero napatingin ako sa dalawang kasama ko at naka-simangot na sila,at handa ng kumain ng tao,hahaha.

"I LOVE YOU ALEXANDEEEEERRRR!" Nagulat ako sa sumigaw na yun,at talagang ang lakas ng pagkakasigaw nya. Kaya napatingin ako dun sa babae na sumigaw. And,yeah maganda sya,sexy and i think matalino rin sya like sungit,at walang-wala ako sa kalingkingan nya. Napatingin naman ako kay sungit,at ngumiti sya sa babae. Ouch. Bakit parang nasaktan ako? Magkakilala ba sila? Sya kaya yung totoong girlfriend ni sungit? So,talaga ngang ginagamit nya lang ako,para umalis ako sa bahay nila? Ok fine,kung yun ang gusto nya,ibibigay ko. Aalis ako sa bahay nila,pero wag nalang si mommy,dahil alam kong happy na sya.

Tumakbo ako paalis sa lugar na yun,dahil hindi ko na kaya ang mga nagaganap dun,at hindi ko na rin kayang pigilan ang mga luha ko. Tinatawag ako nung dalawa pero hindi ko na sila pinansin,dahil ang sakit-sakit na. Bakit ba ang tanga ko? Alam ko naman na patibong nya lang naman ito,pero bakit nahulog parin ako sakanya? Hindi ako umuwi sa bahay nila,para ano pa? Umuwi ako dito sa bahay namin,sa bahay kung saan ako lumaki.. Sa bahay kung saan ako nararapat. Umakyat ako sa kwarto ko at doon ako nag-iiyak hanggang sa makatulog ako.

Nagising nalang ako sa katok ni manang Mercy,yung katiwala namin dito sa bahay at nag alaga saakin mula baby pa ako.

"Marie iha,halika na at kumain ka muna,tena sa baba." Tawag nya sakin mula sa labas ng pinto,Marie din ang itinatawag nya sakin mula baby pa ako.
"Opo manang,sandali lang." Sagot ko. Napatungin ako sa orasan sa side table ko,7:00 pm na pala,ang haba na pala ng tulog ko ngayong araw. Hayyy,hinahanap nya kaya ako? Ay ano ba yan,Kass wag kana umasa na hahanapin ka nya! Wake up ok?! Bumaba nalang ako,dahil nagugutom na rin naman ako,maghapon akong walang kinain.

Pag baba ko,nadatnan ko si manang na naghahain.
"O anjan kana pala anak,tena at kumain." Tawag nya sakin nung mapansin nya ako sa may pintuan. Ngumiti nalang ako at umupo para kumain.
"Bakit pala napa uwi ka dito ha iha? Asan ang mommy mo?" Tanong ni manang habang nagsasandok ng pagkain nya.
"Ahm,manang nasa U.S pa po si mommy,dito po muna ako titira,wala rin naman ho akong kasama dun." Pag sisinungaling ko.
"O sya sige,kumain na tayo at ng makapag pahinga ka na." Sabi nya,buti naniwala sya saakin. Hayyy..

After we eat,umakyat na ako sa kwarto,at nakita ko ang phone ko sa kama ko na umiilaw,may tumatawag pala,si Beshie Ara. Kaya sinagot ko nalang.

"Hello?" Ako
"Hello Besh,ok ka lang ba?" She ask,kaya napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng Bestfriend ko.
"Yeah,i'm fine." Sabi ko sakanya.
"Nag alala talaga kami sayo kanina,bigla ka nalang kase umalis at tumakbo. May problema ba?" Sya. Kaya napa sigh nalang ako..
"Nah wala,may emergency lang dito sa bahay,don't worry." Pag-sisinungaling ko. Sorry Besh,wala pa ako sa mood mag kwento ngayon..
"Ganun ba? Ok,sige magpahinga kana." Sabi nya,and i know,na alam nya na may problema ako,pero hindi nya nalang ipinilit na tanungin kung ano,dahil alam nyang hindi pa ako handa mag kwento.
"Ok Besh,labyu good night." I said.
"Good night din labyoutoo Besh." Then i ended the call.

Ano kaya mangyayari bukas pagpasok ko? Hayst! Sana makaya kong humarap sakanya bukas ng hindi naapektuhan. Makatulog na nga!

===========================

A/N: So ayan,after ang looooonngg wait! Nakapag update na ulit ako,sorry talaga ha? Busy kasi si ako eh. Abangan ang next chappy,enjoy reading,keep supporting my story.

My Possessive Step Brother [ COMPLETED - Unedited ]Where stories live. Discover now