Special Chapter

632 11 2
                                    

ZELO's POV

================

"yeobo, sige na bilhan mo na ako ng taho."

"Athena naman, gabing gabi na ngayon ka pa naghanap ng taho. Pwede bang bukas na lang yan? tiisin mo muna."

"Osige." Malungkot na sabi niya.

"Sige na nga. Dito ka lang yeobo ha. Manood ka lang ng movie dyan. May ipapabili ka pa ba?"

"Wala na. Yun lang."

"Osige. Alis na ako." I kiss her forehead and kiss her big tummy. Oo buntis si Athena at 7 months na ang dinadala niya. Ayon sa ultrasound, kambal na lalaki daw ang anak namin.

"I love you yeobo. Ingat ka ha."

"I love you too. Hintayin mo ako ha."

Lumabas na ako ng bahay at pinaandar na yung kotse ko. Its been a year simula ng magpakasal kami ni Athena. Matapos ng kasal namin, niregalo sa akin ni mommy ang bahay na tinitirhan namin ngayon. Habang tumatagal lalo lang yata akong naiinlove sakanya.

*FLASHBACK*

"Pre, wag kang kabahan dyan." sabi ni michael. siya ang bestman ko. syempre siya ang bestfriend ko. pero kung nandito pa si kuya bj malamang siya ang nasa katayuan ni michael ngayon.

"Ang tagal kasi ni athena eh."

Ewan ko pero natatakot ako kasi baka biglang magbago yung isip niya eh. maisipan pala niyang hindi pa siya ready magpakasal sakin. Baka naman bigla siyang nagkasakit at hindi makapunta. Kung anu-ano tumatakbo sa isip ko.

Dumating si Cindy sakay ang isang itim na kotse. Parang nabunutuan naman ako ng tinik ng makita ko si cindy. Ibig sabihin kasama na niya si Athena.

"Zelo ano kasi...ano..." pero hindi pala. Lalo lang akong kinabahan dahil lumapit siya sakin na hindi maipinta ang mukha.

"Bakit parang natatae ka dyan?" iniwasan kong wag mag isip ng negative side. Darating si Athena. MAy tiwala ako kay yeobo.

"H-hindi makakarating si Athena. Sorry Zelo."

Pero nagkamali na naman ako. Hinihintay kong sabihin ni Cindy na joke lang ang lahat. Hinihintay ko yung mismong punchline ng joke niya. Pero lumipas ang isang minuto pero wala siyang binanggit. Kala ko ba lahat ng joke nakakatawa. Bakit yung kay Cindy nakakaiyak.

"B-bakit? Anong nangyari?"

"Ano kasi... Hindi pa daw siya ready..."

"Edi sana hindi siya sumagot ng oo sakin nung niyaya ko siya magpakasal! Nakakagago naman yang kaibigan mo Cindy. Nakakasakit siya eh."

Wala na. Aalis na ako sa lugar na'to. Ano pang gagawin ko kung yung babaeng mahal ko hindi pumunta. Ang sakit. Athena, ang sakit sakit!

Palabas na ako ng simbahan....

"Bakit ka aalis? Diba ikakasal pa tayo? Tatakbuhan mo ba ako Zen Lorence Torres?"

Dumating siya...

"Athena naman, ano na naman pakulo ito."

"Hindi mo naman kasi ako pinatapos eh. Sabi ko hindi pa siya ready kasi hindi pa siya tapos ayusan kaya hindi pa siya makakarating." at nagtawanan silang magbestfriend.

"Walangya. Kinabahan ako dun!"

- - -

Sana lang may mahanap akong taho. Pumunta ako sa mall dahil alam ko may mabibilan ako dun. 'Taho boy' pa nga pangalan nung store nila eh.

"Zelo?"

napatingin naman ako sa isang babae na nagsalita. Kasalukuyan kasing hinihintay ko na lang yung order ko.

"Fia, kamusta kana?" simula kasi ng mawala si dad hindi na namin itinuloy ang balak na pagpapakasal namin ni Fia and before din mangyari ang pagkawala ni Dad ay nakipagtanan daw si Fia at sumama sa boyfriend niya

"Eto, single na ako. Sayang nga eh, dapat pala tinuloy ko na lang yung pagpapakasal natin. Ikaw kamusta?"

"Married with Athena. Actually, she's pregnant. 7 months."

"Ahh. Ganun ba. Good for you." malungkot na sabi niya.

"Sir here's your order."

"Osige Fia. Its nice to see you. Kailangan ko ng umuwi baka hinihintay na'to ni Athena eh."

"Wait lang Zelo. Alam mo pa rin naman yung number ko diba? You can contact me anytime you want."

"Sure. Sige, bye fia!"

Wala akong balak gumawa ng kalokohan lalo pa at magkakaroon na ako ng mga gwapong anak na tulad ko.

Mga babies, eto na yung request niyong taho.

Nakarating na ako sa bahay at talagang hinintay ako ni Athena.

"Yeobo, eto na yung ---"

"Sabi mo bibili ka lang ng taho bakit lumalandi ka?"

"Ha? lumalandi? jusmiyo naman! kung lalandi man ako sayo lang."

"Nakita kayo ni Cindy. Kausap mo daw si Fia."

"Nagkita kasi kami sa mall. Hindi naman sinasadya yun."

lumapit ako sakanya at niyakap siya mula sa likuran niya at hinimas ang malaki niyang tyan.

"yeobo naman, hirap na hirap akong bumili niyang taho na yan kasi yun ang gusto mo at ayawkong magutom ang anak natin tsaka magkakaroon na tayo ng anak ngayon pa ba ako magloloko. Hindi naman sadya yung pagkikita namin. Nagkamustahan lang kaming dalawa yun lang yun."

"Sorry yeobo kung lagi kitang pinahihirapan ah. Kasi naman yun ung hinahanap ng panlasa ko --"

"Ayos lang. Basta maayos ang kalagayan niyong tatlo." i kiss her, and she response to it. We're totally kissing, passionate.

"Yeobo, sabi ng doctor pwede pa naman daw diba. Mas makakatulong nga daw yun para sa panganganak mo." hirit ko na sana payagan.

"Tumigil ka nga Zelo. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ko?"

"Promise I'll be gentle."

"Tumigil ka dyan. Eto taho laklakin mo."

Hindi man lang napagbigyan. T___T

"Kahit saglit lang? Para nga hindi ka na --"

"Zen lorence torres! Dyan ka matutulog sa sofa ngayon!"

Pano ba yan sofa, mukhang tayo na naman ang magkasama ngayong gabi. Ang saklap naman. T____T

====================

A/N: Ayan kasi ang naughty mo Zelo. HAHAHAHA

Dahil may special chapter ito. Regalo niyo na sa akin ito.

Basahin niyo po sana ang iba ko pang stories.

~ Si Maria Clara Ngayon (Version 2.0)
~ My warfreak lover (Spg)
~ Love him even this is wrong

Salamat po! :D nakakamiss din pala ang ZeNa Couple. Hihihi

-Els

#Happy17K #Huma-hashtagAko #PakibasaMgaStoriesKo #SalamatSainyo

I'm In Love With My Boyfriend's Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon