"KATOTOHANAN AT IMAHINASYON"
-mynameisLynlee♥
Sirena, dwende, mahika at nagliliparang mga dragon
mga bagay na laman ng aking mapaglikhang imahinasyon.
Sadyang masarap mabuhay sa aking mapaglarong isipan
at mapalayo sa masakit na katotohanan.
Katotohanang punong-puno ng mga gulo
sa pulitika, maraming nagpapatayan makakuha lang ng isang trono.
sa kalsada, marami ang nanghahablot ng mga gamit
upang sa hapag ng pamilya pagkain ay makamit.
Sa imahinasyon, magagawa ko ang gusto kong mangyari
walang gutom, walang mahirap, walang mayaman, walang mang-aapi.
Sa imahinasyon, masaya ang karamihan
Walang gagawa ng masasama, lahat ay may nararapat na karapatan.
Ngunit imahinasyon man ay walang katulad
mabuhay sa katotohanan, tayo pa rin ay mapalad.
Imahinasyon ay maaari nating gamitin
upang sa katotohanan ito'y magkaroon ng silbi't tagumpay ay kayang lasapin.
Tulad ng mga sikat ng mga imbentor noon
pinalawak nila ang kanilang mga imahinasyon.
Halimbawa, ang Wright Brothers, ang mga nakaisip gumawa ng eroplano
marami man ang nagduda, ngunit tagumpay ay kanilang natamo.
Sa imahinasyon nagmula
ang mga librong ating mga binabasa.
Ngunit sa totoong buhay ginagawa
ang mga naisip ng utak na mapaglikha.
Huwag pigilan ang mapaglaro mong isipan
paminsan-minsan kasi nakakatuwang iwan ang mapaghusgang lipunan.
Imahinasyon ay gawin pang mas malawak
Ngunit sa paglalakbay sa iyong imahinasyon siguraduhing realidad at katotohanan ay hawak.