Unang una sa lahat itong Tulang ginawa ko ay Para saaming Magragraduate na sa mga 4th Year diyan Grade six diyan Happy Graduation Guys S.Y. 2013-2014 Pwede niyo po itong isahre sa iba ;) Likes also accepted. So Salamt sa mga magagandang alaala aking mga UGOK! na kaibigan XDXD .
Ayaw Ko Na! Gusto ko!
(Isang Tula Para sa mga Magtatapos)
Paano Ko ba ito sisimulan?
Marami akong dahilan
Paano ko ito Pipigilan?
Sa dami nating Pinagsamahan
Sa simula palang nang tayo'y nakipagkilala
Di natin natago mukhang mapakla
Nang dahil sa kaba tayo'y nag-alala
Gusto kong lasapin lahat ng ating alaala
Ala-alang di mabura sa aking isipan
Naalala ko pa dati noong ako pa'y Baguhan
Feeling ko dati ako'y Op-opehan
Ngunit aking nakilala mga matalik na kaibigan
Di ko malimutan tuwing pagsususlit
Tayo'y nag Kopyahan sagot ay sul;it
Sa mga Takdang-araling Malulupit
Dahil sa kamamadali ito'y napupunit
Lahat ng iyak, tuwa at saya
Lahat napawi nang dahil sa isang pasya
Di ko alam kong ako'y magiging masaya?
Dahil Graduation natin ay sumapit na
Sa mga kaklase kong mga Baliw!
Masayang pagtatapos sa ating mga Baliw!
Sa panahong ito wala akong oras magliw-aliw
Nais kong balikan ang ala-alang tayo'y nag-aaliw
Di ko inaasahan ang pangyayaring ito
Walang pakundangang akong nalito
Ang bilis pala! Please Hinay hinay lang ako'y nahihilo
Sana'y wag tayong magkalimutan kundi
"Susuntukin ko kayo!"
Mamimiss ko ang mga Pustahan natin
Sa mga Ka-Basketball naming asarin
Sa mga Ka-Chismisan namin
At sa mga Dakilang Guro naming mainitin
"Paalam na!"
Paalam na aking upuan
Na nagmistulang gabay ko sa Tuwid na daan
Sa Ballpen Kong tatak HBW
Salamat sa pagsulat sa aking mga Talumbuhay
Sa Mga Ugok Kong Kaklase 2x
Walang Iwanan
At sana'y wala ring Kalimutan
P.S= Pwede rin po itong maging kanta nawa'y nagustuhan niyo ;)
