Capitolo due

911 24 0
                                    

THIS CHAPTER WAS REVISED BY THE AUTHOR (NOT EDITED) TO MAKE IT PRESENTABLE. ☺

===

 [2]

Ruel's Mansion

Pag-kagising na pag-kagising ko. Agad akong bumangon at iniyos muna ang pinag-higaan! Ito ang mahirap sa mga malalaking higaan eh, Ang hirap ayusin sa sobrang LAKI. (-__-)

 Mas sanay kasi ako sa hindi gaano kalakihan na kama. Tulad ng sabi ko, Hindi ako pinalaki ni papa na maging maluho sa mga bagay-bagay kung kaya't simple lang lahat, yun bang kumportable lang ako sa pag-tulog ayos na.

*** Tokk.Tokk....

" Pasok... " Sigaw ko. Bumukas naman yung pinto at bumungad doon yung gulat na mukha ng mga katulong este sila ate na nag tratrabaho dito sa mansion. EH?

" B-bakit po niyo ginagawa iyan young lady.. " Tugon nung isang ate na nag tratrabaho dito sa mansion ni lolo. Bali lima sila ang nandidito, Mga medjo tatanda lang ng kaunti sakin, base nadin sa kanilang panlabas na anyo. Pero bakit nga ba sila nandidito.

" Bakit po mga ate's? " Tanong ko. Hindi kasi ako sanay kung yaya ang itatawag ko sakanila, Hindi naman ako ang nag-papasweldo, at kung yung mga katulong nga namin doon sa states, ate at nanay ang tawag ko. dito pa kaya!

" Ah. Young lady, Kami po kasi ang mag-aayos ng inyong pinag-tulugan ayon din po kay master. " GANUN ba? (-___-)7

" Hindi na kailangan ate ano ba kayo, Kaya ko to noh! Kasimple-simple lang nito. " Tugon ko habang patuloy padin sa pag-tutupi ng kumot. May lumapit na dalawang mga taga-silbi sa direksyon ko.

" Young lady... Baka po mapagalitan kami nito ni Battler art at masabi po ito kay master. Kami po ang malalagot young lady. "

"Ay! Ganun pala dito, Pero sige, Sabi niyo eh. " Tapos nginitian ko sila. Ngumiti naman na din sila pabalik.

" Oo nga po pala young lady. Pinapasabi po ng lolo niyo na mag-bihis po kayo, at may pupuntahan po niyan kayo. Hinihintay ka na niya po sa ibaba. " Tugon ni ate hindi ko alam ang pangalan.

" Saan daw po? " Tanong ko. Parang ang aga naman yata!

" Sa personal designer ng pamilya niyo po sa makati young lady. " Personal Designer?

" Pero bakit daw po? " Hindi din naman ako makulit eh noh! Dami kung tanong. Hehe

" Hindi ko lang po alam young lady, Mas mabuti pa pong si master ang iyong tanungin. Dahil hindi naman po pinaalam samin ni battler art. " Prangka si ate -_-. Pero okay lang! SANAY ako sa mga Ganyan. Mwahaha!

Ngumiti ako. " Okay sige. Maliligo na muna ako ha. " Tugon ko at pumasok na sa loob ng Bathroom dito sa kwarto ko. Langya si ate! Medjo napahiya ako doon ah. Tssk

Nag-shower lang ako. Feeling ko kasi lumulutang padin ako! Yung feeling na, damang-dama mo pa yung nakasakay ka sa eroplano. JETLAG!! Please leave me ALONE. Halos 18 Hours din kaya ang naging byahe ko. Tapos wala pa akong tulog, Tapos nung nakarating na ako dito gabi na, Tapos ang aga ko pang nagising, Tapos..... Tapos na.

Lumabas na ako sa Bathroom, Naka-damit na ako ng pang-alis. Syempre ganung ayos nanaman! Naka-Pants, Long black t-shirt, Yung luse sakin, Then naka Vans. Parang ayos lalaki lang eno! Pero ganun talaga. Pinalaki akong hindi marunong manamit pang-malandi eh. HAHAHAHA. Saklap! PANG-MALANDI talaga? Bwahahaha.

" Young lady.. Handa na daw po ba kayo? " Tanong ni ateng Prangka.

" Yep. Nga pala po, Anong mga name niyo mga ate? " Ganyan ako makipag-usap kapag alam kung magiging ka-vibes ko! ADIK to mga tsong.  (^__^)

Ms.Nerdy is a GANGSTER  [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon