Capitolo otto

689 19 0
                                    

THIS CHAPTER WAS REVISED BY THE AUTHOR (NOT EDITED) TO MAKE IT PRESENTABLE. ☺

===

[8]

Nandidito na kami sa loob ng campus, Papunta kami ngayon sa room nila malditz at ng mga alipores niya na walang ginawa kungdi ang mag-reklamo at mag-maktol na mga parang batang maliliit, Sabi ni malditz kaya kami pupunta ngayon sa room kahit hindi pa naman time, Baka daw kasi maabutan pa namin yung grupo nila alex, pero sabi naman ni ellyssa. Asa padaw kami! Tinanong naman namin siya kung anong ibig niyang sabihin, at paano niya naman nasabing ganun nga! Then sabi niya lang, ganun naman daw talaga lagi yung mga yun eh. Halos hindi pa nga daw tumatagal sa loob ng room, Tumambay pa kaya doon! Sabi naman nila star, at faith may point si ellysa. Nasa isip-isipan ko nga, Baka stalker tung si ellysa. Hahahaha! Grabe lang. Ang daming alam eh, Lalo na kay alex na Grupo ng gang. dito sa academy! At ito pa, Grabe... Mag-plastikan, ang mag-kaibigan kapag nakaharap. Ang tinutukoy ko, Si malditz at si Ellysa, Halata naman kasing nag-plaplastikan lang sila eh.. Duuuuh! pero Grabe! Gento pala ang ugali nitong mga impaktang mga babaeng to. Lalo na si Malditz. Kung maka-pag sungit at piling reyna dito wagas, Boba naman pala sa english. Sorry for my words. Pero mismong mga alipores niya nalang din ang nag-sabi nun. HAHAHA! Hinahayaan nalang nga daw nila yun, kasi ayaw nga DAW nilang mapahiya si Malditz' but deep in side, Hahagalakhakan nadaw sila sa katatawanan dahil ang Epic.

Tama nga ang sabi ni Ellysa the great. Wala na nga ang grupo ni Alex doon. Grabe lang ha! Ground floor to Fourth floor ang inakyat namin, plus yung bitbit namin tapos, Wala naman pala kaming aabutan. Naydana!

" ARGGGGHHHH. " Sigaw ni maldit'z. Luuh! Na-abnormal?

" Napano ka, girl? " Tanong nung Faith.

" Wala kang pakelam. " Aba! Adik ata ang isang to ah?

" K. " Sabay kurap. Tse! Sige, sila na kasi ang mga dakilang mag-kakaibigang Plastik. The best men.

Akmang aalis na si Malditz ng hawakan ko yung braso niya. Tinignan naman niya ako ng sobrang sama.  " ANO? " Singhal niya sa'kin.

Binitawan ko naman siya. " S-saan ka pupunta!? " Tanong ko,

" Sa hell. Sama ka? " At binigyan ako ng nakalolokong ngiti. Napalunok naman ako! Pero hindi naman ibig sabihin nun, na natatakot na ako. Ew lang! Hell kunam? Ano yung papakamatay siya, Ge! Solohin niya. at buti alam niya ang magiging lungga niya balang araw. 

Naramdaman ko nalang na may humawak sa mga braso ko, Napalingon ako dito. Si faith pala. " Bakit? " Mahinang tugon ko.

" Let her go. " Bulong nito, sabay bitaw sa braso ko.

Ms.Nerdy is a GANGSTER  [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon