[30]
Tinulungan ko si Manang linda sa paghahanda ng hapunan. Inilagay ko nadin sa hapag-kainan ang mga pinggan na aming gagamitin para mamaya. Kami lang ngayon ni manang linda ang nandidito dahil nasa kusina kami at nasa sala naman sila Alex at mang karding, upang humanap ng mga gagamiting pang-ayos sa sasakyan ni Alex.
Napakalubag ng aking kalooban sa dalawang matanda. Masaya at panatag ako marahil alam ko sa sarili ko na safe kami sa pangangalaga nila. Alam naming mabubuti silang tao.
“ Tapos na ito, ijha! “ Pahayag ni Manang linda. Agad naman akong tumungo sa kinaroroonan niya.
“ Waaaaw! Mukhang masarap po ang Tinolang manok niyo, Manang linda. “ Masayang sambit ko dito at inamoy-amoy ko pa yung sa may parteng tuktok ng ulam na niluto ni Manang linda na tinolang manok.
Ngumiti si Manang linda. “ Sus’. mga kabataan talaga oh! Mahilig na mambola.” Natawa nalang ako sa sinabi at naging reaksyon ni manang linda.
Naputol ang pagtatawanan namin ni Manag linda, ng bigla nalang pumasok si Alex sa loob ng kusina.
“ Tulungan ko na po kayo sa pag buhat niyan.” Saad niya kay Manang linda at agad niyang kinuha yung pinag-lalagyan ng ulam na niluto ni Manang linda.
“ Salamat, ijho.” Maikling ngumiti lang si Alex dito.
Lilisan na sana siya palabas ng kusina, nang biglang nagtama ang aming mga mata. Nagkatitigan kami ng bahagya sa mga oras na ito. Hindi ako umimik at ganoon din siya! Nakatingin lang kami sa isa’t isa na para bang nagsusukatan lang kami ng tingin.
“ Oh, nandidito lang pala kayo! “ Doon lamang ata bumalik ang mga pagkatao namin sa realidad ng biglang dumating at nag salita si Manong Karding.
“ P-po?” Utal kung sambit.
“ Ayos kalang ba ‘ijha? Bakit namumutla ka? May masama kabang nararamdaman? “ Alalang tanong nito.
Ngumiti lang ako at umiling. “ Okay lang po ako! “ I provoke it to them.
“ I’ll go fir—I mean, mauna na po ako sa hapag.” Natuon ang atensyon namin kay alex ng bigla itong mag-salita.
Tumango-tango ang dalawang matanda at ngumiti. Agad itong lumisan sa kusina at dumiretsyo na sa may hapag upang siguro, ay mailagay niya na iyong ulam.
Agad nadin akong pinapunta ng mag-asawa sa may hapag, upang hindi daw mapag-isa ang asawa ko kuno duon. Sumang-ayon na lamang din ako dahil masyado din silang mapilit at hindi ko naman maikakaila na hindi ko sila kayang tangihan.
Pagkalabas ko sa kusina. Agad ko namang nakita si Alex na naka-dungaw lang sa may bintana habang nakatingin sa kawalan. Mukhang may iniisip ang isang to!
Lumakad ako upang makalapit sakaniya, at mukhang malalim nga ang iniisip ng isang to, dahil hindi man lang niya napansin ang presensya ko.
“ Ehem…” I cough his attention.
“ Nerdy? “
“ Yeah! Sino pa nga ba? “
“ Why are you here? “ Kunot noong tanong nito sakin.
Sumandal ako sa may pader at nag-crossarm. “ Sinasamahan ka.”
“ Hindi na kailangan.”
“ Pero kailangan.”
“ Why? “
“ Because, I’m your’e wife—este fake wife! “ Mahina kung tugon dahil ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Ms.Nerdy is a GANGSTER [UNDER EDITING]
Teen FictionI used to have'd everything in this world by being the famous Girl Gangster leader in Europe. Fame, Propeller, Popularity, Monies, Beauty and Intellect. My life is just a normal life Like others before. But that wasn't my thought only. Hindi pala ga...