#4 DEAL?

416 14 0
                                    

Hwaaaahhhh!!

Ang sakit ng ulo ko. Huhuhu!!!!!!

"Ano kaya pa?"

Tanong ni grace sakin na may hawak na baso ng tubig tapos gamot.

"Sina like at reign?"

Tanong ko.

"Pumasok na. Tsaka baka mamaya pagalitan ka nung prof mo, ang baho mo kaya"

Sabi nya, naconcious naman ako bigla kaya kahit nahihilo pa ako e kinuha ko na yung towel ko at dumiretso sa banyo. Since hindi ako pumasok ng 7:30 class ko e 10 am pa yung susunod. At 8 am palang. Hindi pa kasi ako ginising e.

Pagkatapos kong maligo e nagbihis na ako at nagpahatid nalang kay grace kasi bangag na bangag ako e.

Pagdating sa school nakita ko agad si glenn, as usual, ibang babae na naman ang kasama.

Tapos umupo muna ako sa may bench.

"Kumain ka muna"

Tinignan ko kung sino ang nagsalita, si claide.

"Thanks"

Sabi ko tapos kinuha ko yung blue water at sandwich na hawak nya.

"Pasensya na kayo kagabi a"

Sabi ko, actually wala na akong maalala, maliban sa kausap ko lang si kuya hahaha.

"Hindi ka naman mabigat e"

Sabi nya. Whut?! Binuhat niya ako?

"Nakakahiya"

Sabi ko.

"Ok lang, i understand naman. And besides, we're friends"

Sabi nya kaya ngumiti ako.

"I want to ask you something"

Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, ang ganda naman pala ng mata ng isang to, haha. Tapos yung kilay nya ang kapal.

"Hey"

Sabi nya.

"Ano nga yun?"

Tanong ko.

"pwede mo ako gawing rebound"

Sabi nya sakin, muntik na akong mahulog sa bench dahil sa sinabi nyang yun.

"Hindi ko magagawa yun claide"

Sabi ko sa kanya.

"I volunteered kaya you dont have anything to worry. At i promise na hindi ako mafofall sayo"

Sabi nya.

"Are you sure? E baka mamaya may gf ka"

Sabi ko sa kanya, umiling naman sya.

"I dont like serious commitments kaya im free"

Sabi nya.

E ang problema, hindi sya mafo-fall. Pero pano pag ako yung nafall?

Well, gusto naman nya e. Para makamove on na ako ng bongga.

"Sige, ikaw bahala"

Sabi ko tapos kumagat na ako sa sandwich na bigay nya.

"Gusto mo?"

Tanong ko tapos kinagatan nalang nya ito bigla.

"Start na tayo ngayon"

Sabi nya tapos bigla syang umakbay sakin. Nakita ko naman yung graciella at bigla nalang nya kaming kinuhanan ng picture.

"Claide, may kumukuha ng pictures e"

Sabi ko tapos inalis ko yung kamay nya sa balikat ko.

"Its ok. Part of our deal, just tell me kung nakamove on ka na"

Sabi nya. Tumango naman ako, hanggang sa nag aya syang pumunta muna sa canteen. Mainit narin kasi dito e.

"Wag mo ng uulitin yung paglalasing mo kagabi a. You look like stupid"

Sabi nya, nahiya naman ako ng slight.

"Its ok"

Sabi nya sakin tapos nginitian pa ako.

Hinawakan ko naman bigla yung kamay nya ng makita kong makakasalubong namin si claide.

"Bro/bro"

Bati nila sa isa't isa.

"Wow. Holding hands, are you guys dating?"

Tanong nya samin.

"Actually, she's already my girlfriend"

Sabi ni claide, nagulat ata sya sa sinabi ni claide e, wait!! It means. Affected sya? Nagseselos sya?

Gusto ko ng sabihin na hindi totoo yun.

"Good for you, i have to go na. May date pa kami ni..."

Nag iisip ng name.

"Camille ata yun, bye"

Sabi nya, bumagsak naman ang balikat ko dahil sa sinabi nya. Hwe hwe, assuming ka chleo!!

"Ok lang yan"

Sabi sakin ni claide at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Haist!! Akala ko ang ganda ganda ko na. Akala ko lang pala. Pagdating namin sa canteen e bumili lang sya ng inumin nya. May inumin pa naman ako e.

"Hi claide"

Bati ng mga babaeng dadaan sa table namin, ngingiti nguti naman ako, hahaha. Hindi na ako magtataka kasi famous nga naman itong kasama ko.

Pagkatapos ng more than 1 hour na pagtambay e pumasok na ako sa klase ko, hinatid pa ako ni claide sa room e. Yung mga classmate ko naman kinikilig kasi hinalikan ako ni claide sa pisngi.

Syempre kailangan career kung career para maniwala silang lahat, hindi lang si glenn. Hahaha.

At dahil sobra na sila mag-interview sakin... prof save my day. Haha, kasi gumawa gawa na ako ng kwento para lang maniwala sila. Hahaha.

Pagkatapos naman ng klase e umuwi na ako, half day lang talaga ako pag TTH. Tinext ko nalang sina like at reign tapos pati nadin si grace kasi magpapasundo ako, ayoko naman kasing magcommute dahil hindi ako sanay e.

Dati naman sinusundo ako ni glenn e, kasi ang alma talaga nya hindi ako marunong magdrive, syempre hindi ko na sinabing marunong ako kasi feel na feel ko yung paghatid sundo nya sakin e.

Pero memories nalang pala ang mga yun, akala ko naman pwede pang mangyari ngayon, pero wala e, iba na... iba na ang inihahatid nya.

ME VS. UNIVERSEWhere stories live. Discover now