"bakit ka nga pala napadaan dito?"
Tanong ko sa kanya. Hindi na beer ang iniinom nya, tequilla na. Ang tibay nga e kasi nakailang shot na sya pero hindi parin natatamaan.
"Wala naman akong date kaya naisipan kong magbar muna tapos nakita kita"
Sabi nya sakin, ngumiti naman ako tapos dumuretso ang tingin ko sa kwintas nya.
Hindi normal para sa lalaki ang magsuot ng kwintas na may pendant na puso. Anyways, hindi ko ba dapat pinapakealaman ang mga ganung bagay.
Nag inom lang sya habang ako salita ng salita.. hanggang sa....
"Tama na yan, ako na mag uuwi sayo kasi baka may mangyari pang masama sayo dyan sa daan"
Sabi ko sa kanya. Yung mata nya kasi naniningkit narin tapos nagrorosy cheeks na sya.
"Ihahatid ako ni crush"
Sabi nya. Since mabigat sya, nagpatulong ako sa bouncer. Hanggang sa makarating kami sa parking lot kung nasan yung kotse ko. Balikan nalang nya bukas tong kotse nya.
"Lets go"
Sabi ko.
"Hep... sino ka ba?"
With lasing accent na sabi nya.
"Mamaya makita tayo ni chleo, baka sabihin may iba akong gusto"
Dugtong nya pero nakapikit na sya nyan.
"Dun tayo sa apartment ko, ayoko sa bahay kasi wala din naman akong kasama doon. Sina mommy at daddy may kanya kanya ng pamilya, ako nalang ang mag isa sa buhay"
Kwento nya, iba din talaga nagagawa ng alak e, kaya ayaw kong maglasing e.
"Tapos nung bata pa ako, palagi silang nag aaway, naglayas nga ako e kaso bumalik din ako kasi wala akong makain... hanggang sa ngayon, nakilala ko yung babaeng mahal ko"
Sabi nya.
"Huy ikaw,wag kang gagawa ng masama sakin a. Kasi kahit hindi ako mahal nun, mahal ko sya"
Sabi nya,naguilty naman ako bigla.
"Si chleo.. kilala mo ba yun? Ha? Si chleo?... tss. Di mo kilala? Wala kang kwentang tao. Si chleo, famous yun. Magaling kumanta, sumayaw tapos ang cute pa. Naiinggit ka ba?"
Tanong nya. Aba e, sobra sobrang complement na yan. Haha.
"Wag mo akong irerape a"
sabi nya tapos tuluyan na syang naghilik, alam ko ang bahay nya pero di ko alam ang apartment nya, kung ayaw nya dun? San ko sya dadalhin?
Itinabi ko muna ang kotse ko para tawagan sina reign, pero hindi sila sumasagot. Inisa isa ko pa silang tawagan a.
Kaya no choice ako kundi iuwi nalang sya sa bahay, may sofabed naman ako sa kwarto kaya dun muna ako matutulog.
"Claide... huy claide... gising ka muna"
Sabi ko sa kanya, nagmulat naman sya ng mata tapos inalalayan ko nalang sya paakyat sa kwarto ko.
"Dyan ka muna"
Sabi ko tapos inihiga ko na sya sa kama, kumuha ako ng bimpo tapos maligamgam na tubig tsaka ako bumalik sa kwarto.
Tinanggal ko naman yung damit nya kasi pupunasan ko sya. palagi naman akong nakakakita ng topless na lalaki kahit sa school tuwing basketball training kaya sanay na ako, kahit na may abs pa ito hindi ako paglalawayan. Charrot.
...
Pagkagising ko e nakita ko nalang si claide na nakaupo sa kama tapos minamasahe na yung ulo nya habang nakatingin sakin.
"Are you ok?"
Tanong ko.
"Ya. What happened?"
Tanong nya.
"Nalasing ka lang naman kagabi"
Sabi ko, tapos tumayo na ako.
"Tara sa baba"
Sabi ko tapos binigay ko muna yung t-shirt nya tsaka kami bumaba.
At sa kasamaang palad, kumpleto ang lahat. Dito ata natulog ang boys at ang girls naman busy sa pag aasikaso sa kanila.
So pagkapasok namin sa kusina e nakatuon na sa amin ang pansin nila.
"What are you doing here?"
Tanong ni william sa kanya.
"nalasing sya kagabi, hindi ko alam kung san ang apartment na sinasabi nya,so dinala ko na sya dito"
Sabi ko. Napakamot naman sila ng ulo.
"Apartment? Wala syang apartment"
sabi ni roland.
"Sabi nya---"
"Look, i was drank that time and i dont know what i'm doing. Im sorry"
Sabi nya tapos halos mamula pa sya dahil sa nahihiya sya.
"its ok"
Sabi ko naman. Inaya ko na syang umupo, kasi madaming niluto sina grace at like kasi si reign natutuog pa raw.
"So, hows the date?"
Tanong ko sa mga boys.
"Kumain na kayo"
Singit ni like, siguro hindi naging maganda ang nangyari,naku naku.
"May nangyari?"
Tanong ko kay like at grace.
"W-wala. W-wala pang nagyayari sa amin"
Sabi ni grace, napakunot naman ang noo ko. Yun ba ang tanong ko? Well. Hindi na ngalang ako magtatanong kasi iba iba din naman ang nasasabi nila.
After naming magsikain e uuwi na raw ang mga boys.
"Mauna na kami"
Sabi ni roland, at ni william.
"Ikaw carl? Di ka pa uuwi?"
Tanong ko.
"I'll wait for reign na bumaba"
Sabi nya.
"Is there something wrong?"
Tanong ko.
"W-wala naman"
Sabi nya.
"Sige pasok ka muna dun"
Sabi ko.
"Claide, gamitin mo muna yung car ko"
Sabi ko tapos iniabot ko sa kanya yung susi.
"Iwan mo nalang sa may parking lot sa bar, pupunta din naman ako dun mamayang gabi"
Sabi ko.
"Thank you pala"
Sabi nya. Ngumiti lang ako tapos naglakad na sya papunta sa kotse ko.
"Take care"
Sabi ko, ngumiti naman sya tapos pinaandar na nya yung kotse at tsaka sya umalis.
Pero nacucurious parin ako sa kung anong meron sa tatlo kong kaibigan at sa tatlong kaibigan ni claide, hindi normal ang kilos nila tapos pag magtatanong ako kung anong nangyari, parang magpapanic si grace at like. So its better na si reign ang tanungin ko.
