#7 invisible me

368 14 0
                                        

this is not an ordinary day, ibang iba to sa mga araw na nagdaan. this is it, im free, and hindi na nakakulong ang puso ko sas isang tao at wala ng galit ag natitira pa sa puso ko.

that night, pagkarating ko sa bahay e nagtataka ang mga kaibigan ko kung bakit daw ang saya saya ko e halos mamatay naman daw ako sa lungkot kanina.

syempre sinabi ko na masaya ako kasi malaya na talaga ako at hindi na ako galit sa kanya na alam ko na ang dahilan nya kung bakit sya nakipaghiwalay sakin at kinwento ko pa ito sa kanila.

ngayon nandito kami sa school at ang problema ko naman e si claide kasi ilang beses na kaming nagkasalubong simula pagpasok ko e di parin nya ako pinapansin.

Tumigil lang naman kami sa pagpepretend pero that doesnt mean na pati friendship namin mawawala na.

"Carl"

Tawag ko dito pero hindi nya ako pinansin, tumingin naman ako kay reign na kasama nya.

"We'll take care of it"

Sabi nya sakin tapos umalis na sila, so ang labas e pati mga kaibigan ko naapektuhan narin.

Nakita ko naman si claide kaya tumakbo ako at lumapit sa kanya kaso bago pa ako makalapit e may nauna ng lumapit sa kanya na babae.

"Claide, how are you?"

Tanong ng babae.

"Jane?"

Si claide naman.

"Long time no see. Im fine naman, e ikaw?"

Tanong ni claide.

"Im fine, balita ko may gf ka na a"

Sabi nung babae.

"Gf? Wala no"

Sabi nya. Medyo nakahinga naman ako ng mabuti dun, wala namang bakas ng kalungkutan sa mukha nya e. Siguro pinagtripan nya lang ako nun.

Well, anyways. Past is past, mabuti nandito yang jane na yan para naman kahit papaano e magkagirlfriend na itong si claide na hindi lang dahil sa nagpepretend pero dahil yun ang nararamdaman nila.

"Huy"

Nabitawan ko naman ang hawak kong tumbler dahil sa paggulat sakin ni grace.

"What are you doing here?"

Tanong ko.

"Wala, inaayos ko na yung papers ko para dito na ako mag aral"

Sabi nya, ngumiti naman ako.

"do you need help?"

Tanong ko.

"No, just stay here stalking. Haha, bye"

Sabi nya tapos tumakbo na sya. Umayos naman na ako ng tayo at kunwaring dumaan sa harap nila claide.

Tumingin lang sya sakin, sakin? Mukhang hindi naman.

Ok, may new power ako... IMVISIBILITY POWER.

*ting (sorry poor sound effect)

Biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko agad ito.

From grace:

Im with like and reign right now and claide is with us. Punta ka nalang dito sa canteen nyo. See you.

Pagkatapos kong mabasa ito e pumunta na agad ako sa canteen tapos nakita ko sila na ang saya saya, tumatawa tapos nung papalapit na ako e bigla silang tumahimik.

"Hi"

Bati ko.

"Hello, binilhan na kita ng cheese cake mo"

Sabi ni reign, umupo naman ako sa tabi nya tapos ayun... tahimik parin sila.

"So mamayang gabi sa bar nyo?"

Tanong ni roland.

"kita kita nalang tayo dun"

Sabi ni like.

Ok. Ano ba ako dito? Bakit parang wala lang ako dito.

"Kasama ba ako dyan?"

Tanong ko. E walang nagsalita, nakakasakit na sila ng damdamin a.

"Ok"

Sabi ko nalang, tapos nilaro laro ko lang yung cheese cake na binili ni reign na halos mamurder na. Simula nagtanong ako kung kasama ba ako mamaya e di naman na sila umiimik.

"Mauna na ako. I dont think i'm welcome here"

Sabi ko tapos tumayo na ako at naglakad paalis, tumulo naman bigla ang mga luha sa mata ko.

This is worst than break ups. Nadadamay yung mga kaibigan ko sa hindi pagpansin sakin. Is this all my fault? Do i deserve it? Coz if i do... i'll take it.

Pagkarating ko sa favorite place ko, which is the open field e wala namang tao, sino ba kasing tatambay dito e ang tahitahimik, maingay lang pag may soccer game o ano man.

Naconcious naman ako bigla sa katawan ko ng may dumaang babae.

Feeling ko ang payatot ko. Pero minsan naman feeling ko ang sexy ko. Well anyways, thats not the issue. Ang issue dito e ang mga kaibigan ko lalo na si claide.

Nabrainwash na ata mga kaibigan ko e. Haist!!

Mga 20 minutes din akong nakatambay dito hanggang sa maisipan kong pumasok na sa room at maghintay nalang dun.

Update... sorry for the super late update.. busy lang sa school and medyo walang ganap ang marnigo ngayon kaya walang inspiration.

Hopia like it.

ME VS. UNIVERSEWhere stories live. Discover now