#2 Grace is back!!

649 19 1
                                    

Nagising kami e 8 pm na, paglabas namin andami ng tao at sobrang ingay na ng loob.

May live band pa ngayon kaya sobrang ingay e.

"Kuya, uuwi na po kami"

Sabi ko tapos umalis na kami, may nakakasalubong pa kaming mga lalaki at inaalok kami ng drinks e, pero sorry. Dalagang pilipina kami e. Hahaha.

Bago kami umuwi e dumaan muna kami sa burger king kasi nagugutom na talaga kami.

"Ang gwapo ni kuya o"

Sabi ni reign sabay turo sa nagluluto ng burger.

"Ligawan mo"

Sabi naman namin ni like

"Dalagang pilipina kaya ako"

Sabi naman nya kaya natawa nalang kami, hanggang sa maluto na nga ang inorder namin.

Dahil masyadong madaming tao, inuwi nalang namin ang order namin at habang nasa kotse kumakain kami, sinusubuan naman ni reign si like sa harap kasi nagdadrive sya. E ako, ang sarap ng kain ko dito sa likod.

Pagkarating namin sa bahay, diretso agad kami sa kanya kanya naming kwarto, binuksan ko naman agad yung phone ko tapos akala ko madami syang text, akala ko lang pala. Ni isang text wala manlang akong natanggap.

Well, ano pa bang aasahan ko dun? Baka nga may iba na yung babae e.

Itinulog ko nalang dahil bukas, uumpisahan ko ng magmove on ng bongga.

...

"CHLEO"

"CHLEO"

"CHLEO"

Ang aga aga naman mambulabog ng mga to, wala ba silang magawa sa buhay nila?

"Ano ba, ang aga pa a"

Sabi ko tapos unti unti kong minulat ang mata ko tapos nakita ko si reign at like tapos sa gitna nila si...

"GRACE?! KYAAAHHH. GRACE"

Sabi ko tapos niyakap ko pa sya, grabe,nandito na sya? O em gee. For real.

"Kailan ka pa dumating?"

Tanong ko.

"Kanina lang"

Sabi nya.

"May pasok naman kami, pano tayo makakapagbonding?"

Tanong ko sa kanila.

"Mamayang gabi"

Sabi nya. Nga naman, yun lang. Mapupuyat kami.

"Sige sige"

Sabi ko tapos bumangon na ako, hindi namin hilig mag almusal kaya diretso ligo at bihis na kami, si grace naman magmo-mall nalang daw muna habang nasa school kami.

Si grace, sya yung isa pa naming kaibigan na nagmigrate sa states dahil sa business nila.

Kasosyo din namin sya sa bar, but since hindi nya ito maasikaso e kinuha nya yung shares nya, so kaming tatlo nalang nila like ang may-ari ngayon.

Pagkarating namin sa school, si ex nakita kong may kalandian,kakabreak lang namin e. Tss.

And sya nga pala si Glenn Madrid and campus hunk at well, the playboy!!

Ewan ko nga ba, mas maganda naman ako sa mga babae nya ngayon. Haist!! Hindi kasi ako pumayag sa s*x na sinasabi nya. #dalagangpilipina kaya ako.

Let me just clarify something about dito sa school, if interested kayo. Pero if not, you can just skip it. Haha.

ME VS. UNIVERSEWhere stories live. Discover now