#3 HE FELL

498 15 1
                                    

Pagkatapos ng klase ko ng hapon, kailangan ko munang hintayin ang mga girls kasi mga 6pm pa labasan nila e 4 pm palang.

Palagi akong tumatambay dito sa gym para manuod ng practice, pero hindi na same ang dahilan ngayon.

Noon dahil kay glenn, ngayon dahil wala lang akong matambayan.

Ewan ko nga ba, basketball player sya. Kaya mahilig maglaro, hindi ngalang bola nilalaro nya. Pati puso ko pinaglaruan nya.

Sa may stage naman, yung band. Nandun sina william, claide, roland at carl, si glenn lang talaga ang naiba ng hilig.

Magaling naman syang kumanta at maggitara, kaya nga nagkapalagayan kami ng loob e. Haha, pero ayun nga, parang gitara lang din ang relasyon namin, hindi lang nasintunado... napigtas pa ang string.

"You are miss sandoval right?"

Nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot na babae dito sa gilid ko.

"Yes, and you're?"

Tanong ko.

"Im graciella, school journalist. Pwede ba kitang kuhanan ng picture?"

Tanong nya.

"Why?"

Tanong ko.

"Sobrang hot topic kasi ng pangalan mo sa buong campus ngayon. Because of your closeness sa campus hunks"

Sabi nya.

"Then? What if i dont want to?"

Tanong ko.

"It's ok miss. I understand"

Sabi nya tapos umalis na sya, tss. Ok sana kung iba ang dahilan. Kaso yun e, iba na naman iniisip ng mga taong makikitid ang utak.

Napatingin naman ako kay glenn at saktong

*boogsshh

Haha. Feel ko lang yung sound effect.

WHO SAYS KARMA IS NOT A BITCH? DUDE, KARMA IS A BITCH.

Haha. Nabato lang naman sya ng bola tapos napahiga sya bigla.

Babaero kasi e, buti nga sa kanya.

Well, aaminin ko naman na gustong gusto ko ng tumayo at lapitan sya, kaso... pinipigilan ko sarili ko kasi wala narin naman akong karapatan.

Pagtingin ko naman dun sa nagpapractice na band. Pababa sila ng stage para sana tignan si glenn pero...

Grabe, ang malas naman ata nila ngayon.

Nadulas sa may hagdanan si claide at since nasa likod nya si william, pati sya nadamay.

Dun na ako natawa ng sobra. Grabe,ang mamalas naman nila ngayon.

"Warning: slippery when dry"

Hahaha. Napasabi nalang ako ng kung anu ano. Hahaha.

Laughtrip.

Yung itsura ni glenn kanina, parang kapapanganak lang. Haha. Tapos sina claide at william naman parang narape na ewan. Hahahaha.

Hindi ko alam na napalakas na pala ang tawa ko kaya lahat ng mata e nakatingin na sakin, hindi ko nga namalayan na papalapit na pala sakin sina claide, william at... ok lang sana kung yung dalawa lang. Kaso--- si glenn.

Hulaaaa mamamiya!!!! Puso ko... oh shocksss.

"What's funny?"

Tanong ni glenn. Yung feeling na parang biglang umurong yung dila mo, yung nakatingin ka lang sa kanya.

"Hey"

Sabi ni william tapos natauhan ako.

"Wala"

Sabi ko tapos yumuko na ako, hindi ko makayanang makita si glenn e, ang sakit parin.

"By the way. Thanks for breaking up on me"

Sabi ni glenn. Masaya pa sya dun? Shemmzz.. yung puso ko na nahati na sa dalawa,feeling ko nahati na sa 100 pieces. Sobrang wasak na.

Hindi ko na napigilang hindi maluha.

"masaya ka?"

Tanong ko pero nakayuko lang ako, kasi nahihiya akong ipakita yung mukha ko.

"Tss. Can i ask you something glenn?"

Tanong ko.

"minahal mo ba ako?"

Tanong ko pa, tapos lumevel sya sakin at ngumiti. Yung mga ngiti nya, yung ngiting dahilan kung bakit ako nainlove sa kanya.

Dahil sa I WONT GIVE UP (remember yung collab ng #margo?) Na yan, yan ang dahilan kung bakit ko sya mahal, yan ang dahilan kung bakot hanggang ngayon hindi parin naggi-give up yung feelings ko sa kanya.

"Syempre. Hindi tayo tatagal ng 3 months kung hindi kita minahal"

Sabi nya sakin na medyo nagpaliwanag sa mukha ko at nagpangiti sakin.

"It's just that, i dont want a boring relationship"

Sabi nya,boring ba yun? So sa kanya ano ang exciting? Yung mags*x everyday? Like duhh. hindi yung love, LUST yun.

"I'm sorry"

Sabi nya tapos bago sya tumayo e hinalikan muna nya ako sa pisngi ko.

Hindi ko na mapigilang hindi mapahagulhol, hanggang sa bigla nalang na may yumakap sakin, pagtingin ko. Si claide.

Nasingahan ko pa yung damit nya ng wala sa oras. Alam ko namang medyo nainis sya dun pero hindi naman sya nagreact.

...

Pagkatapos ng madamdamin session, sinundo ako nila reign at like dito at kasama na nila si grace.

Pero hindi pa yun, kasi pagdating nila, hindi ako ang una nilang pinansin. Yung mga barkada ni claide.

Kaya ngayon magkakasama kaming nandito sa bar.

Si grace kasama si roland. Si reign kasama si carl at si like kasama si william. Ako? Heto kasama si claide pero iniwan ako kasi may nagyaya sa kanyang babae.

Tapos ako pumunta nalang sa bar counter at kinausap si kuya.

Sobrang down ako ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko? Minahal ba talaga nya ako?

"Kuya. Isa pang bloody mary"

Sabi ko.

"Ma'am chleo, lasing na po kayo"

Sabi ni kuya, hindi ko naman sya pinansin at sinenyasan ko lang sya.

"Kuya *hik bakit po ba *hik ako iniiwan ng taong *hik mahal ko? *hik pangit ba ako?"

Tanong ko sa kanya.

"Ma'am hindi po kayo pangit, katunayan ang daming nagtatanong sakin ng number mo e"

Sabi nya sakin.

"Hahaha. Ang ganda ko po kuya *hik hahaha"

Sabi ko tapos biglang may humawak sa balikat ko, lasing na ako pero alam ko pa kung anong nangyayari sa paligid,maliban nalang paggising ko bukas.

ME VS. UNIVERSEWhere stories live. Discover now