#8 EXCHANGE STUDENT

343 12 1
                                    

So ayun, kinagabihan, dahil umalis nga ang mga kasama ko dito at hindi manlang talaga sila nag aya na pupuntang bar namin e naisipan kong umalis din muna at magpunta sa bar.

Sa bar na katabi namin, ayoko sa bar namin kasi baka makita nila akong mag isa e sabihin nilang kawawa ako.

Pero saktong pababa na ako ng kotse ko ng makita ako nila reign na palabas naman ng bar with the boys.

"CHLEO"

Sigaw ni reign.

Nagwave naman ako tapos ngumiti lang na feeling ko di nila nakita, pumasok narin ako sa bar.

I turned off my phone and went straight to where i wanted to, their VIP room. Syempre kailangan ko muna magbayad.

Sa VIP room kasi nila e may ktv narin at tahimik kasi sound proof kaya dun nalang ako.

Pagkahatid sakin nung isang waitress e inassist muna nya ako sa kung anong gagawin ko dito sa ktv, marunong naman ako kaso hayaan nalang natin. Trabaho nila yan e.

After nun e may dumating pa na 2 waitress tapos iniwan na nila sa table yung 1 san mig na apple flavor,yan muna para di malasing. Tapos yung chichacorn at chips.

Kumanta lang ako ng kumanta and after maybe 3 hours e umalis narin ako kasi 10 pm na.

Paglabas ko ng bar e nagulat ako kasi sumalubong sakin si claide. Baka papasok lang sya,kaya hindi ko nalang pinansin at naglakad na. Naka1 beer lang ako kanina kaya wag nyong sabihing tipsy na ako. Hahaha.

"Chleo"

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko ng tawagin nya ako.

"Yes?"

Lakas loob kong tanong tapos humarap ako sa kanya.

"Akala namin dun ka sa bar nyo pupunta"

Sabi nya sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Sakit sakit ng ginagawa nila sakin kanina e.

"Anong gagawin ko dun e nandun naman kayo"

Sabi ko tapos naglakad ulit pero hinila nya lang ang braso ko. Ayun humiwalay ito. Charr. Kaya ayun tumigil ako sa paglakad.

"I'm sorry"

Sabi nya.

"You dont have to apologize,i should be the one to apologize coz i hurt you"

Sabi ko sa kanya.

"No, it's my fault. I was too fast and, hindi sana kita hinalikan"

Sabi nya. Ngumiti naman ako.

"It's ok"

Sabi ko tapos naglakad na ulit ako at pumasok na sa kotse ko, nagulat naman ako dahil sina like,reign at grace e nasa back seat na tapos si rolland e nandito sa may shot gun seat.

"Bakit?"

Tanong ko.

"Sorry that seat is taken. Sa iba ka nalang sumakay"

Sabi ni reign tapos tinulak naman ako ni rolland palabas. What?! Seriously? Pinapaalis nila ako sa sarili kong sasakyan?

"Thank you"

Sabi ni william tapos pumasok sya sa loob ng car ko at umalis na sila. Ang lagay e san ako sasakay ngayon e wala namang masyadong taxi ngayon, tsaka ayokong magcommute kasi baka mamaya kidnappin ako nung driver no.

"Want a ride?"

Tumingin naman ako sa kanya.

"San? Sa motor mo?"

Tanong ko, yes. He's riding his own motorcycle at kasabay nya si carl na nakasakay din sa motor nya.

"Suotin mo to"

Sabi nya tapos binigay sakin ang helmet, well. Mas safe naman ata to kesa sumakay pa ako sa taxi. Bahala na.

Sinuot ko na yung helmet at sumakay sa motor nya. Wala naman, hinatid lang talaga nila ako and that ends our night.

...

Kinabukasan, pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng gate ng school e sinalubong agad ako nung student council president namin at ipinunta sa harap ng bulletin board.

"O? anong gagawin ko?"

Tanong ko.

"Read"

Sabi nya. Binasa ko naman ang nakapaskil.

"Alam kong walang pasok sa mond---"

"No, the other one"

Sabi nya. Tss.

"Ex---exchange student?"

Tanong ko.

"Ya. Congrats"

Sabi nya tapos may binigay syang uniform tapos hinila ako papunta sa cr ng girls tapos sabi nya magpalit ako.

After kong magpalit, hinila nya ulit ako. What the?!!! Bat ba hilig nito ang manghila?

"Enjoy"

Sabi nya pagkatapos nya akong itulak sa loob ng isang van tapos nakita ko doon si claide at carl tapos si reign?

"I have no idea what they are doing"

Sabi ni reign tapos nagkamot pa ng ulo, wala syang kuto.. ganyan lang talaga yan pag problemado.

"nakakainis"

Sabi ko tapos sinipa sipa ko pa yung pinto ng van kaya sinita ako nung driver na si mr. Principal.

"Sorry sir"

Sabi ko tapos tumahimik na ako.

Ano ng mangyayari samin? Anong gagawin namin? Wala naman kaming idea sa kung anong school kami pupunta at hello, wala kaming schedule ng mga classes namin.


Ano kayang mangyayari sa kanila?

ME VS. UNIVERSEWhere stories live. Discover now