Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 4

155K 5.5K 989
                                    

Chapter 4

Balita

Being alone in the woods with the sound of the wind from trees is like hearing the saddest melody.

I thought the sound of nature would be my painkiller, but it wasn't. Wala iyong magawa sa sakit na nararamdaman ko.

Nakatayo ako sa puno ng hagdanan sa gitna ng lumang arko habang nakatanaw sa kalawakan ng patay na kagubatan. Umiihip man ang hangin na yumayakap sa aking katawan, tinatangay man nito ang ilang piraso ng dahon mula sa iilang puno, hindi pa rin ako makaramdam ng kaunting buhay.

Mas hinigpitan ko ang aking pagkakayakap sa sanggol na hawak ko. Hinayaan kong liparin ng hangin ang aking napakahabang buhok habang banayad kong naririnig ang muling pag-iingay ng nakasabit na tambol.

Hinihintay ko na lamang ang ilang monghang nakaligtas at nakapagtago para protektahan ang kanilang mga sarili. Nang maramdaman kong nasa likuran ko na ang pinakamatandang mongha na siyang pilit itinago ng mga batang mongha para mapanatili siyang buhay ay humarap na ako sa kanila.

"Hindi na rin ako magtatagal sa lugar na ito. Hayaan n'yong dalhin ko ang bata. Hindi ko siya kayang iwan sa kabundukang ito." Marahang hinawakan ng matandang mongha ang braso ko. Umiiling siya sa akin.

"Ano ang kasiguraduhan n'yong hindi kayo babalikan ng mga bampira? Siguradong babalikan nila ang batang ito. Wala kayong kakayahan. Walang kahirap-hirap kayong napasok. Hindi na ako papaya na makalapit pa sila sa batang ito."

Humakbang na ako papalayo sa mongha. Hindi ko ibibigay sa kanya ang bata.

"Alam mong maaaring mawala ang kakayahan ng isa sa inyo sa pagiging isang itinakdang babae. Mag-aagawan kayo ng presensiya kung nasa isang lugar kayo sa napakahabang panahon." Mahigpit akong umiling dito.

"May mga plano na ako para sa batang ito. Sana ay pagkatiwalaan n'yo ako..." Hindi man sila pumayag sa kagustuhan ko, hindi nila ako mapipigilan dahil sapilitan kong ilalayo sa kabundukang ito ang ikatlong itinakdang babae.

"Kung hindi kita mapipigilan sa kagustuhan mo, gusto kong dalhin mo ang sulat na ito kay Olivia." Nag-abot siya sa akin ng lumang nakatuping papel.

Nang makalanghap ako ng usok mula sa apoy muli na namang kumirot ang puso ko. Alam ko ang ibig sabihin niyon, inihahanda na ng ilang mongha ang mga katawan ng mga namatay para sunugin. At nang makumpirma ng aking mga mata ang apoy na kasalukuyan nang nagliliyab sa tagiliran ng templo, kusa na lamang tumulo ang aking mga luha.

Hinarap ko ang pinakamatandang mongha.

"Humihiling akong sana ay itago n'yo ang kanilang mga abo. Alam kong darating ang panahon at magtatanong ang batang ito tungkol sa kanyang ina. Gusto kong may mapupuntahan siya at maiiyakan, ayokong mapagaya siya sa akin na walang alam tungkol sa mga totoong mga magulang." Tumango sa akin ang mongha.

Simula nang nagtungo ako sa mundo ng mga bampira, naging palaisipan na sa akin kung nagsasabi ba ng totoo si Lola tungkol sa mga magulang ko. Bahagya akong nagulat nang hawakan ng mongha ang aking pisngi at siya na mismo ang nagpunas ng aking mga luha.

"Napalaki nang maayos ni Olivia ang unang itinakdang babae. Napakabuti mo hija, maraming salamat at nagawa mong dalawin ang patay na kabundukang ito..."

Hindi ako makahanap ng isasagot sa kanya, ilang beses ko nang naririnig mula sa iba'tibang klase ng nilalang kung gaano ako kabuti pero bakit nakakaranas pa rin ako ng matinding paghihirap kung tingin ng marami sa akin ay mabuti?

"Mag-ingat po kayong lahat. Kailangan ko na pong umalis..."

Muli kong sinulyapan ang apoy maging ang nakahilerang katawan ng mga namatay. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at pikit mata na akong tumalikod habang yakap ang bata.

Bitten (Book 2 of Bite Trilogy) Venom Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon