Chapter 10
Pagpikit
In the rain and snow, I miss you.
Kasalukuyan nang tumatakbo ang aming mga kabayo papalayo sa emperyong paulit-ulit akong tinatanggap at sinasalubong sa kabila ng ilang beses kong pagtakwil at pagtakbo mula sa kanila.
It was not just the kingdom of Sartorias, but the whole empire of Parsua, ruled and nourished by good leaders. Isa nang malaking patunay ang mga prinsipeng kasama ko. Hindi man sila ang pinakanamumuno sa kanilang bawat kaharian, alam kong malaki ang parte nila para mapanatiling matatag ang buong Parsua.
Ilang beses ko nang isinumpa ang Parsua, simula sa mga patakaran nito, tradisyon at walang katapusang hindi pagkakaunawaaan nito mula sa iba't ibang emperyo, pero ito pa rin sila at handa akong hintayin sa aking muling pagbabalik.
Pangako, magbabalik akong kasama na ang Prinsipe ng mga Nyebe.
Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata. Dahil sa lakas ng hangin ay nawala ang talukbong sa aking ulo kaya isinayaw ng hangin ang aking mahabang buhok.
"Don't worry, Claret. Everything will be fine..." Ngumiti ako sa sinabi ni Seth.
"Salamat..."
Nauuna ang kabayo nina Blair at Rosh habang magkasabay lamang ang sa amin ni Seth. Hindi rin nagtagal ay pinabagal ni Rosh ang takbo ng kanyang kabayo para masabayan ako.
"I have a question, Claret..." Agad akong ginapangan ng kaba. Hindi pa ako handang sabihin kay Rosh ang nalaman ko.
"Maaari ba natin iyong pag-usapan kapag tumigil na ang ating mga kabayo? Hindi magandang mag-usap tayo habang nangangabayo..." Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa ginawa kong rason.
Ang mga prinsipe ng bawat emperyo ay kilala sa galing sa pangangabayo, wala pa akong nababalitaan na nahulog sa kanila.
Narinig ko ang pagpipigil ni Seth ng pagtawa at ang bahagyang paglingon ni Blair sa akin. Nakakunot ang noo sa akin ni Rosh habang patuloy sa pagtakbo ang aming mga kabayo.
"I am just confused, Claret. Hindi ka marunong mangabayo nang umalis ka sa mundong ito. Nag-aral ka sa mundo ng mga tao? Ang balita ko, ordinaryo ka lamang nilalang sa sarili mong mundo, walang kayamanan at mahirap. Paano ka nagkaroon ng kabayo?" Umaawang ang mga labi ko sa sinabi ni Rosh.
Ito na naman ang pangalawang prinsipe ng Deltora, ang mapagmataas na prinsipe. Hinamak na agad niya ang pamumuhay ko sa mundo ng mga tao. Bumalik na ulit siya sa dati, minsan napapaisip ako kung dalawang magkaibang bampira si Rosh. Madalas siyang baliw pero sa sandaling maging seryoso at biglang lumamlam ang kanyang mga mata, tanging mga salitang walang kapantay ang lumalabas sa kanyang mga labi.
His words with warmth and sincerity are incomparable, na bihira lamang masaksihan ng napakaraming bampira sa mundong ito.
He's not a psychotic vampire who adored his face more than anything else in this world, but someone who cared so much for his empire. Naikwento na sa akin ni Lily ang bagay na ginawa ni Rosh sa digmaan dahilan kung bakit lalo ko siyang hinangaan.
"What the hell, Rosh? Akala ko importante na ang sasabihin mo." Kumento ni Seth.
"Kailangan ba ay laging importante ang itanong ko sa kanya? I am just a curious handsome prince, and I need an answer." Sabay kaming napailing ni Blair nang magsimulang magtalo sina Seth at Rosh.
"Minsan ba Rosh, napagod ka sa pagsasalita ng I am handsome? You keep saying that for hundreds of years, brother. Nabibingi na talaga siguro sa'yo ang Deltora."
BINABASA MO ANG
Bitten (Book 2 of Bite Trilogy) Venom Series #1
FantasyUnwilling to put down her lover's tragic end, Claret sets out to find the vampire who can manipulate time. Despite the odds, will Claret succeed to do the impossible and bring Zen back to life? *** Ever since Zen left, Claret is obsessed on finding...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte