Chapter 9
Pamamaalam
I am in a world built with sacrifices, a world of unforgotten pain, a world of unspoken words, and a world full of unfinished stories.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid-aklatan habang nakatitig kami ng reyna sa tatlong prinsipe.
Hindi ko akalain na sabay silang magtutungo ritong tatlo para lamang tulungan ako. Kailanman ay hindi naging maganda ang ugnayan nila kay Zen pero ito at kasalukuyang nagtitindigan ang mga balahibo ko habang nakikita ang sinseridad sa kanilang nagniningas na mga mata.
My heart is pounding so fast, Zen... The blue fire didn't fail to choose. I am seeing three of the best vampire princes in this world, your brothers from the prophecy. They are all willing to risk their lives to bring your back.
"Mapapahintulutan mo ba kami, Mahal na Reyna?" Tanong ni Seth. Kapwa kami nakatingin ngayon sa reyna at maging siya ay may mga matang humahanga sa tatlong prinsipe.
"Anong karapatan kong tutulan ang desisyon ng tatlong itinakdang prinsipe?" nakapagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong lapitan ang tatlo at paulanan sila ng yakap.
Magsisimula na ang panibagong yugto ng aking buhay.
"Go on, sons. Walang kahit sinong reyna ang may kakayahang tanggihan ang sinseridad na mayroon kayo. Hindi ko hahadlangan ang inyong desisyon." Nang tumayo ang reyna, mas lalong yumuko ang tatlong prinsipe.
"Lumps, ang espada..."
Tumalon ang kuneho sa kanyang upuan at nagmadali siyang lumapit sa pader kung saan may nakasabit na gintong espada. Ilang beses pang natalisod ang kuneho bago niya nailahad sa reyna ang espada.
"Hayaan n'yo akong basbasan kayo." Hawak na ng reyna ang gintong espada at marahan niya na iyong itinapat sa balikat ni Seth.
"Bilang reyna ng kaharian ng Parsua Sartorias, ang reyna ng unang itinakdang babae mula sa salamin, pinahihintulutan ko kayong patnubayan at samahan ang kanyang paglalakbay."
Tinapik ni Reyna Talisha ang magkabilang balikat nina Seth, Blair at Seth gamit ang espada.
"Binabasbasan ko ang inyong mahabang paglalakbay. Manatili kayong ligtas at malayo sa kapahamakan..." Sabay tumango ang tatlong prinsipe. "Nakikiusap ako sa inyo mga itinakdang prinsipe, hindi bilang reyna kundi bilang isang nangungulilang ina. Hihintayin ko ang inyong pagbabalik kasama ang Prinsipe ng mga Nyebe."
"Pangako, Mahal na Reyna..."
Lumukso ang dibdib ko nang makita ang luha sa mga mata ng nakangiting reyna.
Nang sandaling maibigay na ng reyna ang basbas ay mabilis nawala sa aming harapan ang mga prinsipe.
"Maghanda ka na, Claret. Ngayong araw ang pag-alis mo sa Parsua." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinapon ko na ang aking sarili sa reyna at niyakap siya nang mahigpit.
"Maraming salamat, Mahal na Reyna..."
"Salamat din sa pagbabalik sa kahariang ito, Claret."
Nauna nang lumabas ng silid aklatan ang reyna kasama ang kanyang kuneho. Madali kong hinanap si Kamahalan na siyang gusto kong makausap bago ako umalis ng palasyo.
Pero nang sandaling nasa harapan na ako ng kanyang paboritong silid aklatan ay nakasalubong ko si Lily.
"Maaari ba kitang makausap?"
Sinabi niyang sumunod ako sa kanya, ngunit habang patuloy ako sa paglalakad napapansin ko na patungo na kami sa kagubatan ng Parsua Sartorias.
"Lily, bakit tayo patungo sa kagubatan?"
BINABASA MO ANG
Bitten (Book 2 of Bite Trilogy) Venom Series #1
FantasyUnwilling to put down her lover's tragic end, Claret sets out to find the vampire who can manipulate time. Despite the odds, will Claret succeed to do the impossible and bring Zen back to life? *** Ever since Zen left, Claret is obsessed on finding...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte