Chapter 1: Careful

27 2 19
                                    

Frank



Napuno nang tawanan ang buong classroom dahil sa kagagawan ni Jaime, ang isa sa mga kaklase kong tinaguriang joker ng classroom. Bagaman sobrang nkakatawa ang mga punch lines niya ay tahimik lamang ako sa gilid na nakikinig. Hindi ko man lang magawang ngumiti o tumawa, ewan ko ba kung abnormal ba ako o sadyang wala lang akong sense of humor.

Hindi ka abnormal at mas lalong wala kang sense of humor. Sadyang may na-mi-miss ka lang talaga.

Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko matapos marinig ang isang tinig na nanggaling sa aking isipan. Argh! Pwede ba manahimik ka?! Ilang araw na rin akong naiinis dahil sa tinig na iyon. Kung baliw siguro ako ay baka hindi ko pa nalamang konsensya ko lang yun. Pero bakit parang lagi na lang sumasalungat sa akin?

Bago pa man ako mambato ng kung anong bagay na makita ko ay narinig ko na ang boses ng aming adviser, si Mr. Toro, na isa sa maituturing kong best teacher sa buong mundo.

"So, that's all for today, class! Class dismissed!"

Isa na siguro iyon sa pinakamagandang mga salitang narinig ko ngayong araw. Kahit na umaga pa lang at unang recess pa lang namin ay talagang ginaganahan na akong lumabas ng classroom.

Ginaganahan na makita siya?

Napahinto ako sa pag-aayos ng aking mga gamit dahil sa tinig na nanggaling na naman sa isip ko. Ano bang problema nito at lagi na lang nagsasalita nang walang dahilan? Argh. Konting-konti na lang talaga at baka mapagkamalan ko nang baliw ang sarili ko.

Sa halip na makipagtalo pa ako sa sarili kong konsensya ay naisipan ko nang lumabas ng classroom. Bukod sa ako na lang ang natitira sa loob ay nag-aalboroto na rin kasi ang tiyan ko. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay iniyuko ko ang ulo ko. Sinusubukan ko ring iwasan ang mga titig na nanggagaling sa mga kapwa ko estudyante na nakatambay sa gilid. Hanggang sa marating ko ang aming canteen ay nakayuko pa rin ako.

Pagkatapos ng mahabang pila para sa mga pagkain ay nakahanap din ako ng pwestong pwede kong makainan. Ang lamesang malayo sa kabihasnan at tila napag-iwanan na ng mga estudyante dahil sa sobrang layo. Ilang minuto pagkatapos kong maka-upo sa aking upuan ay nakarinig ako ng isang tawa. Hindi lang isang ordinaryong tawa dahil kilalang-kilala ko kung kanino nanggaling ang tawang iyon. At hinding-hindi ako pwedeng magkamali.

"Loko! Hindi gano'n 'yon, 'no!"

Ilang beses kong sinabihan ang aking sarili na huwag lilingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Pero mukhang may sariling pag-iisip ang aking ulo at doon ko namataan ang lalaking ubod ng lakas kung tumawa at nakikipag-usap sa mga kasama niya sa sariling lamesa.

"Eh, hindi nga kasi gano'n 'yon! Kulit naman ng lahi nito!"

Muli kong ibinalik ang aking paningin sa kinakain ko. Bakit ba napakakulit ng ulo na 'to? Hindi ko napansin na isang lamesa lang pala ang humihiwalay sa aming dalawa. Dumaan ang ilang linggo simula noong mag-usap kami, at para sa akin ay nakakatawa iyon dahil sa dinami-rami ng pwedeng lugar na pwede naming pag-usapan ay sa banyo pa.

Pero atleast nakapag-usap kayo, 'di ba?

Napabuntong-hininga ako sa hindi malamang dahilan. Masyado na akong naguguluhan at hindi ko rin alam kung bakit. At medyo gumaan ang loob ko nang mapagtanto kong ngayon lang may sinabing tama ang konsensya ko. Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya napagpasyahan kong iwan na lang ang pagkain ko sa lamesa. Alam kong mali 'tong ginagawa ko dahil nagsasayang ako ng pagkain, pero ang importante lang sa akin ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito. Sa lugar na nandito rin siya. Dahil sa tuwing maririnig o makikita ko siya ay ramdam na ramdam ko ang kirot sa sarili kong puso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing (Frerard)Where stories live. Discover now