Chapter 2

6 2 2
                                    


"Summer!" I shouted in a sing-song.

Buwisit! Para akong bakla. Kailan pa ako nagkaganito?

Ah! No'ng nakilala ko na ang babaeng mamahalin ko na ngayon ay andoon sa pinto ng bahay namin habang ngiting-ngiti na naghihintay sa paglapit ko.

Oh, this is heaven!

"Maven"

Gaya ng sa telenovela. Tumatakbo kaming dalawa papunta sa isa't isa nang pa-slow motion. Parang dati pangarap ko lang siya.

Ang sarap sa feeling 'yong pagkatapos ng nakakapagod na trabaho e ganado ka pa rin dahil alam mong may uuwian ka na mahal mo. Isang tao na papawi sa lahat ng pagod mo, na sa isang halik lang niya ay para ka ng si Darna-- teka, Darna? Oo, nakakabakla kasi ang pag-ibig.

Ngayon alam niyo na na mas mahirap ang maging lalaki. 'Pag ang babae kasi kinilig okay lang na maglumpasay sa kilig. Samantalang kami hindi pwedeng maglumpasay sa kilig dahil baka kasunod na non ay iyak dahil binreak na kami ng jowa namin. Akalain pang bakla kami.

Let's go back to my honeylabs.

"Honeylabs~" buong pagmamahal na sigaw ko.

"Honeylabs~" buong pagmamahal na sigaw din niya pabalik.

Patuloy pa rin kami sa slow motion na takbo papunta sa isa't isa. Ang haba ba ng distansya namin sa isa't isa at parang isang oras na kaming tumatakbo? Whatever, I don't care.

"My sweetypie~" sigaw ko ulit.

Shit! Nakakabakla pero nakakakilig. Halata naman sa napakalawak na smile ko, ano?

"My labidabs~"

Kumakanta ang mga tutubi sa tiyan ko ng bayang magiliw dahil sa sobrang tuwa. Yieeee! Putsapang tinapa!

Ayan na! Ayan na malapit na! Konting distansiya lang at mayayakap na kita ng may buong pagmamahal honey milabs so sweet.

Pabigla akong natigil sa pagtakbo. Pano'ng 'di ako matitigil kung biglang nagpalit ng mukha si labidabs, at sa lahat pa ng mukha sa mundo ay 'yong kay manang pa ang napili?! Anak ka nga naman ni Dutingting oh!

"Seniyorito~ Maben~"

"Waaaaaaaaaaaah! Mamaaaaaaa!" Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas, 'yong tipong sasabog na ang vocals ko.

Paanong 'di ako sisigaw kung nakanguso na si manang?! Dinilat ko ang isang mata ko at nanginig ako sa diri nang makita kong ang lapit na ng nguso ni manang.

"Mamaaaaa---- ARAY!"

Ang sakit non ah! Gano'n ba katigas ang nguso ni manang at feeling ko magkakabukol pa ang noo ko?!

"Diosmio! Señorito, ay naku patawad!"

Napadilat ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos ni manang sa noo ko. Napatingin ako sa buong paligid.

"Nasan ako?!"

Gulat akong napabaling kay manang na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kama ko habang may hawak na aluminum na kawali at sandok.

"Nababaliw ka na ba talaga manang at dito mo pa talaga napiling magluto?!" singhal ko.

"Susmariyosep na batang ine! Gigisingin sana kita gamit ito pero mukhang binabangungot ka at 'di ko sinasadyang naihampas sa noo mo ito. Batang ito! Labinglimang taong gulang ka na pero puro ka pa rin kalokohan! Haruy ko po!"

Sobra naman umacting si manang at pinapaypayan pa talaga niya ang mukha niya gamit ang mga daliri niya at may alam pang paghinga ng malalim. OA!

Teka? Panaginip lang 'yun? Tss, 'wag niyo nang isali 'yung ending. Bangungot 'yon!

Memoir of Summer [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon