Hindi ko alam kung bakit may mga taong ang hilig makielam sa buhay ng iba, may buhay naman sila bakit hindi yun yung pestehin nila diba?
Nakakashit lang kasi, sige kunwari napadaan ka sa mga taong nagchichismisan tungkol sa isa mong kakilala. Nakabuntis daw, o kaya nabuntis, o kaya malandi.
Tapos biglang makakasalubong nila yung chinichismis nila.
Ngingiti pa kamo sila!
Hindi ka ba maiirita??
Kung katulad ka nila, jojoin ka sa kanila.
Pero kung hindi ka chismosa, aalis ka tapos maiisip mo malamang minsan pinag uusapan ka rin nila.
Ayoko rin sa balimbing, yung kapag nakaharap sayo, ikaw ang pinapaboran, kapag naman ung kaaway mo ang kaharap niya, yun naman ang kakampihan.
Yung totoo ?? Miss Friendship ka?? The Nakakabwisit Way!!!
Ayoko ng paulit-ulit, lalo kapag nagtatanong, parang ang tanga kasi kapag ganoon.
Oo, masungit na ako kung masungit, ehh ano ngayon atleast hindi ako plastic.
Wala akong tinatago, hindi katulad ng iba!!! Bait baitan para lang makahanap ng kaibigan nila.
Nakakadiri yun.
Bata pa lang ako, sinasabi na nilang masama ugali ko.
Yep, kahit sa pamilya namin
Kaya nung tumanda ako, tinatawanan ko n lng kpag sinasabi nila yun, at nahyhysterical ako kapag may nagsasabing mabait ako.
I learn to keep my mouth shut para makaiwas sa sagutan, pero pag sagad na talaga ako.
Hindi mo gugustohin yung mga sasabihin ko, kasi sisiguraduhin ko na babaon ka sa lupa salita ko pa lang.
Ohh Wattpad! Buti na lang tlaga nandyan ka.
BINABASA MO ANG
Maldita Radar On
Non-FictionWala po itong Fictional characters, ito ay nagsisilbing hingahan ko sa tuwing nasa rurok ako ng kabwisitan . Kaya this is more on me and my personality na pakiramdam ko naman maraming makakarelate.