Oh-Pen Up

176 6 3
                                    

Sorry for the super long wait sa update na to. Marami lang talagang nangyari sa akin.

So bale hindi ko sure kung papangalanan ko yung nagrequest para sa tips na to pero mas okay sigurong huwag na.

Ang question ng sender ay ano ang gagawin niya kung gusto niyang magshare sa ibang tao pero hindi niya magawa kasi nahihiya siya or hindi siya sigurado kung mapagkakatiwalaan yung pagsasabihan niya ng problema?

Ang hirap ngang isipan nang solusyon to kasi sa daldal kong to? Kahit kanino nakakapagshare ako pero siyempre iisipan natin nang solusyon yan. Solutions are as follows: Chareng!

Talk to God .

Maiging kay Lord ka muna nagsasabi nang problema mo kasi siya naman talaga ang mag eenlighten sayo kung ano talaga ang dapat gawin at hindi dapat, but having someone to talk to is different. Yung merong magpapayo sayo? Yung may magsasabi sayo na "ayos lang yan" at yung sasabayan ka sa pagiging masaya kapag good news naman yung ibabalita mo sa kanya. Pero tandaan mo, sa lahat ng bagay si God muna ang una.

Your Family Will Listen..

Nandyan rin naman yung pamilya mo, magshare ka sa nanay o tatay mo, pag nasermonan ka ayos lang yan, ginagawa nila yun kasi mahal ka nila. Sa ate o sa kuya mo, kapag inasar ka wag kang mainis, ganun nila iparamdam yung pagdamay nila o kaya sa baby mong kapatid kung meron man kahit na hindi ka niya naiintindihan, minsan sobrang laki na nang problemang sinasabi mo sa kanya, tatawanan ka pa. Haha. Sa pamilya mo rin kasi mararamdaman na may kasama ka, na hindi ka mag-isa.

- - - - - - - - -- - - - - - - - -- - - - - - -

But if you really want to open up to other people, hindi yung kay Lord at sa family mo lang, here are some tips that might help you. Might? Pwedeng makatulong sa'yo kasi it's still up to you. :)

Sa pagkakaintindi ko, tiwala ang kulang sayo. Tiwala sa sarili mo at tiwala sa ibang tao.

Learn How To Trust..

Oo mahirap talagang magtiwala sa ibang tao because they know how to fake feelings, minsan akala mo totoong nakikisimpatya pero hindi naman pala talaga, akala mo talagang masaya para sayo pero hindi naman talaga.

The point here is hindi mo naman talaga masisigurado yung loyalty sayo nang isang tao, kahit gaano pa katagal yung pinagsamahan niyo, kahit pa bff kayo since birth kasi people and feelings change pero kailangan mong magtiwala. Trust is one of the most important thing in life, pundasyon mo yan para magtuloy tuloy sa buhay mo. I'm not saying na magtiwala ka sa lahat nang makakasalamuha mo, meron naman tayong natural instinct para maramdaman kung tama bang pagtiwalaan ang isang tao. Dear, trust is something to build, eh kung gumagawa naman siya ng way para pagkatiwalaan mo siya, why not di ba?

Showing Your Feelings is Never a Weakness..

Ito simple lang, huwag mong isipin na mahina ka dahil sa problema at dahil pinapakita mo yung true feelings mo. Tandaan mo, ang tunay na matapang ay yung nagpapakatotoo.

Don't Be Afraid..

Huwag kang matakot na magsabi sa iba, huwag kang matakot na baka ipagkalat nila at huwag kang matakot na gamitin nila against sayo. Kasi kapag nangyari yun? Tawagin mo ako, resbak mo ko. De biro lang.Kung sakaling gamitin niya laban sayo yung problema mo, huwag kang magpapaapekto kasi kung ano man yang problema na yan, kung ano man yang pagkakamali na yan kaya mo lang naman shineyr kasi gusto mong masolusyunan, gusto mong maitama so hindi ikaw yung masama. Siya yung masama kasi sinira niya yung tiwala. Pero kung natatakot ka talagang ipagkalat niya at gamitin laban sayo, hindi naman niya gagawin yun kung walang nagtrigger para gawin yun. Treat her/him well kasi alam niya na yung tungkol sayo. :) Basta nandito ako, resbak mo.

- - - - - -- - - - - - - - - - - -

Kung hindi ka natulungan nang mga nabasa mo sa taas ito na yung last... This tip is inspired from Anne Frank's diary, yung jewish girl na may naging malaking parte sa panahon ni Adolf Hitler. Kung di ka pamilyar kay Anne, try to search about her. She's amazing.

Oh Pen Up..

Kumuha ka nang ballpen at papel, doon mo isulat yung nararamdaman mo, doon mo isulat yung mga naiisip mo, doon mo isulat lahat nang problema mo. Oo hindi magsasalita yung papel, hindi ka papayuhan ng ballpen na hawak mo pero tandaan mo, hinding hindi rin yan magrereklamo kahit madiin ang pagsulat mo, kahit tumulo ang luha mo at kahit na maubos yung tinta ng ballpen mo. If what's really important to you is to express your feelings, writing is enough because after you wrote everything you will surely feel good.

Ito na yun, sana nakatulong ako at sana naenjoy mo yung pagbabasa.

Tips or advice? Lapit lang sa akin. I'm willing to help.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maldita Radar OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon