As promised, ito na ang update ko para sa maldita tips kung paano magtataray sa mas maganda sa'yo. Marami kasi sa atin yung natatakot na dahil lang lamang yung kalaban niya. Hindi uubra sa akin yun! Dahil kahit sino ka pa, gaano ka pa kaganda, kung ako ang kinalaban mo, gagawin kong impyerno ang buhay mo.
Before I start, I want to remind all the readers and malditas out there na..
Never ever start a fight especially catfights.
Tandaan mo.
Maldita ka!
Hindi PALENGKERA!
So as I was saying, tips to kung paano mo mapapataob yung mas maganda sayong epal na nag-maldita.
Siyempre, hindi naman natin maiiwasan na may makakalaban tayong mas maganda sa atin pero always remember..
Wala sa ganda yan!
Nasa galing magmaldita.
Wala namang batas na nagsasabing yung mga magaganda lang ang pwedeng maging maldita dahil kung meron. Magwewelga ako.
MAGWEWELGA TAYO!
Sigurado akong kasama natin si Meriam Santiago! Joke!
So ito na yung mga sitwasyon na pwedeng mangyari at andito na rin yung mga pwedeng isagot niyo.
Kung ang eksena eh bigla siyang lumapit sa'yo saying na..
" Hoy Ikaw! Anong blah blah blah blah blah eh mas maganda naman ako sa'yo! "
Itaas mo ang isang kilay mo, yung kasing perfect ng mayon volcano, tingnan mo siya mulo ulo hanggang paa. Dalawang beses mong gawin yun bago ka mag-stop sa pretty face niya. Ngumisi ka and then say this.
" Kung yang ganda ng mukha mo eh ikinaganda rin ng ugali mo.. Eh sana mas matino kang tao. "
Wala na siyang maisasagot sa'yo. Sure yan! Kapag ginawa mo to at may naisagot siya sa'yo, sabihin mo sa akin at iisip tayo ng pang counter.
Another scenario ehh kapag umiral ang kaartehan niya, kadalasan kasi ginagamit ng mga magaganda sa pakikipag-away ay english, thinking na mas may edge sila kasi nga english yung gamit nya but let me tell you this..
Wala yan sa pagalingan mag-english,wala ka rin dapat paki kung gumamit siya ng chinese, spanish o japanese. Nasa composure yan ng pagsasalita mo. English nga ang gamit, utal utal naman o kaya tanga ang pagpronounce. Epic fail yun di ba.
Ito ang sabihin mo kapag nauutal siya..
" Bilib na sana ako sa ganda mo kaso lang simpleng english lang, bulol pa pagkakasabi mo. "
Kung hindi naman utal utal o tanga magpronounce yung natapat sa'yo wag kang kabahan may panama tayo para dyan. Wag kang mag-english sa isasagot mo sa kanya dahil ibig sabihin nun nathreaten ka sa english niya, ito ang sabihin mo. .
" So tingin mo matatalo mo ako kapag english ang gamit mo? Mas magaling ako sa'yo kasi kahit tagalog ang gamit ko, kaya kitang ibaon sa kinatatayuan mo. "
Hard ba? Oo ah. Bawal ang mga banat na simple kapag sa akin hihingi ng advice. Dahil nga hard ang mga sinasabi mo at sure akong wala na siyang maisasagot sayo, ang choice na lang niya ay sampalin or sabunutan ka.
Pero huwag na huwag mong hayaan na mailapat niya ang kamay niya sa kagandahan mo. Dirty yung hands niya!
Ang gawin mo, harangin mo yung kamay niya then smirked saka mo sabihing..
" Kanina, gandang ganda ako sa'yo. Ngayon nasusuka na ako sa mukha mo. "
Hard ulit?! Ofcourse! Pwede mo rin namang sabihin na..
" Ilalapit mo sa akin tong kamay mo? Malinis ba to? "
Tapos kunwari mandidiri ka pa sa kamay niya, tapos bibitawan mo. Kuha ka ng alcohol sa bag mo tapos lagyan mo yung kamay mo. Kung wala kang alcohol, tingin ka sa paligid mo then say this.
" May hand sanitizer ba kayo? Or alcohol? Hinawakan ko kasi siya.. baka narumihan yung kamay ko. "
Habang sinasabi mo yan, make sure na tumitingin tingin ka sa kaaway mo para mas lalo siyang mainis hanggang sa magwalk out na lang siya.
Basta huwag na huwag mong papatulan ang sampalan at sabunutan
So Guys, kapag hindi umubra itong mga pinaglalagay ko dito o may naisagot pa sa inyo ang kaaway niyo, message me..
Hindi pwedeng may pang counter sila sa akin.
If you have questions, message me or comment.
Yun lang. Sana nag-enjoy kayo.
_chase
BINABASA MO ANG
Maldita Radar On
Non-FictionWala po itong Fictional characters, ito ay nagsisilbing hingahan ko sa tuwing nasa rurok ako ng kabwisitan . Kaya this is more on me and my personality na pakiramdam ko naman maraming makakarelate.