So dahil wala akong magawa sa haba ng free time ko. Here's an update about moving on dahil alam ko naman marami ang broken hearted sa paligid o kaya naman eh feel na feel magbasa ng ganito kahit wala pang experience. Gusto ko lang ilabas yung mga naiisip ko tungkol sa topic na ito.
Paano ba mag move on?
Karaniwang sagot kasi diyan ay 'mahirap' pero nasagot ba yung tanong? Hindi naman eh. Parang lalo lang nagkaroon ng bagong tanong.
What I'm trying to say is that it's really hard to end something. Kahit ano pa yan, story mo sa wattpad, pagligo mo lalo na kapag mainit talaga, graduation at kung ano ano pa. Lalo naman yung mga relationship na inabot abot na ng sandamakmak na taon pero ang ending, hiwalay pa rin.
Kasi nga mas okay nang tapusin kesa lalong magkasakitan at maging komplikado ang sitwasyon. Ano ba ang tamang gawin kapag sobrang nasasaktan ka sa nangyari sa inyo ng mahal mong jowa.
Hmm. Sir RB sorry talaga dahil medyo kotra to sa steps mo pero crush talaga kita wag kang magtatampo hah. Labyu! Haha
Hindi ko naman ipipilit na ganito yung gawin niyo mga sawi sa pag-ibig pero may ipagbabawal ako.
UTANG NA LOOB... Wag ka namang mag-suicide! Sayang ang buhay mo kung dahil lang nasawi ka sa love eh tataposin mo na. Marami pang iba sa paligid noh! Ganito na lang gawin mo..
Kapag nagbreak kayo, umiyak iyak ka. Wag yung kunwari okay ka kasi nakakabuang yan. Sa ganyan nabibuild sa isip mo na happy ka kahit na masakit talaga. Wag kang Denial! Alam kong nasa steps of moving on ang Denial pero hindi you are just prolonging the agony kapag ganun? Tanggapin mo na lang break na talaga kayo.
Anong sasabihin mo? Mahirap na naman! Pre hindi ko naman sinabing kapag umiyak ka ng 2 minutes eh okay ka na. Mga one week.. Ganun katagal. Hahaha
Isa pa, huwang kang naniniwala sa deleting text messages and numbers, burning pictures, and returning of stuffs or throwing any remembrance. (Sir RB sorry talaga.. Labyu)
Una sa lahat, sayang kase! Haha pero kidding aside sayang naman talaga. Isipin niyo naman kasi lahat ng effort na nandoon sa mga special na bagay na yun. Just because the two of you didn't work out kailangan mong magsunog ng photopaper? Kailangan mong magtapon ng teddy bear? Kaiangan mong ihagis sa ilog ang singsing o kwintas na bigay niya? Or worse sa kanal no pa tinapon.
Hindi ganun un. Itago mo na lang lahat ng mga yun. Sa baul o kaya sa kahit anong taguan na pwede, gawin mong collector's item kasi when the time comes at okay ka na tapos nakita mo yung mga yun. Mapapangiti ka na lang then masasabi mo sa sarili mo.
"Ganito pala kami dati"
"Memories"
"Nakakatuwa naman"
O baka naman kaya kating kati ka na i-eliminate ang mga bagay na yan e dahil ayaw mo siyang maalala? Kung yan ang problema, tapon mo na rin utak mo kasi naman hindi naman talaga dahil sa bagay na yun kaya mo siya naaalala. Dahil yun nakatatak na siya sa isip mo! At kahit magtumbling tumbling ka! Maaalala mo siya hanggat wala kang amnesia! Don't even try!
Huwag ka ring bitter sa kanya lalo naman sa mga taong wala namang kinalaman sa inyo. Porke masaya ang ibang magkarelasyon eh magpapaka ampalaya ka na. Anong kasalanan nila sa failed relationship mo? Wala!
Wag din yung kapag nakasalubong mo yung dahilan ng pagkasawi mo tapos tinukso ka ng barkada mo e, hihirit ka ng
"Yuck! Ang panget niya"
"Lasing ba ako the whole time na kami?"
"Mukha siya adik"
At kung ano ano pang insulto. Wanna know why? Gusto mo bang isampal ko sayo ang katotohanan na ex jowa mo siya, pinatulan mo siya. Nag-kiss at nag-hug pa kayo o baka nga nevermind. Iniyak iyakan mo pa nga! Hinabol habol mo pa. Naku hah! Ang arte.
Kapag nakasalubong mo siya at hindi naman siya tumingin sayo de wag ka din tumingin. Kapag tumingin sayo, smile. Naku! Baka makipagbalikan pa sayo yun. Haha echos! Ngumiti ka para alam niyang okay ka, eh paano kung likas na gago ung ex mo tapos narinig ka niyang bitter. Iisipin nun, hirap na hirap ka mag move on! Piling niya da best sya. Haha
Lalong huwang kang gagamit ng rebound! Hindi mo kailangan mandamay ng tao sa sakit na nararamdaman mo. Wag kang mag take advantage sa taong mahal ka at willing na maging panakip butas. Nasasaktan ka, nasasaktan rin siya. Ano to? Sakitan na lang para masaya? Hindi rin naman magwowork yun eh, kasi kung iisipin mo.
Isa kang malaking PA-FALL at PAASA!
Kasi ang ending niyan, yung nangyayari sayo mangyayari sa kanya tapos hahanap siya ng rebound tapos masasaktan yun tapos hahanap rin ng rebound hanggang sa maging epidemya na yang REBOUND na yan!
Ang gawin mo, have fun! Yung mga kaibigan mo kausapin mo, pwede mong ilabas sa kanila yung pain. Hindi mo ba nakikita ang opportunity? Friend! SINGLE ka na magfocus ka ulit sa sarili mo, hindi sa ex mo umiikot ang mundo mo.
Lastly never seek revenge, kahit na hindi naman ako sure if this kind of situation really happens. Pero just in case he or she tries to win you back, wag mo siyang paasahin just because you want him/her to feel the pain and you want to get even. Be true to your feelings, kapag mahal mo pa siya give him a chance malay mo this time mag-work na, kapag hindi na, tapon mo na sa basurahan! Charot! Basta wag mong paglalaruan ang feelings niya. Love is a gamble pero hindi sa ganung paraan! Tandaan mo yan!! Save mo sa memo mo! Sulat mo sa sticky note at ipaskil mo sa noo mo! Para di mo makalimutan!
Sasabihin niyo madaling sabihin mahirap gawin? Totoo naman! Alam ko yan! Pero kasi malinaw naman ang ibig sabihin ng mga salitang MOVE ON. Sabi niyan magmove forward ka! Huwag mo siyang ibaon sa limot kasi hindi ba parang stuck ka pa rin kapag ganun.
Lagi mong isipin na... Kapag ba pinilit mo sa utak mo na kalimutan siya, makakalimutan mo talaga? Hindi e! Sasakit lang ulo mo!
Forgive but never Forget in a sense na patawarin mo siya at ang sarili mo dahil sa masakit na ending ng relationship niyi pero huwag mong kalimutan lahat ng memories niyo.
Tresure it. Kasi kahit anong gawin mo parte na siya ng buhay mo, bakit ba natin pinag-aaralan ang history? Kasi past has a great contribution in our present. Yung mga natutunan mo sa past magagamit mo sa present at future.
Be a better person. Make over? Pagwapo paganda! Yep I highly suggest na gawin niyo talaga yun kasi it will help you overcome the pain kasi matatanggap mo na unti unti yung change!
So eto na po iyon. May sense ba? Wala? Okay lang yan kasi everytime broken ako itong mga to ang iniisip ko kaya heto hindi pa naman ako umaabot sa suicidal stage. Still alive and kicking pa! GGSS pa! Gandang ganda sa sarili! Haha
Yun lang for now. Para sa mga gusto niyong gawan ko ng ganito. Private message me or post it on my MB.
BINABASA MO ANG
Maldita Radar On
Non-FictionWala po itong Fictional characters, ito ay nagsisilbing hingahan ko sa tuwing nasa rurok ako ng kabwisitan . Kaya this is more on me and my personality na pakiramdam ko naman maraming makakarelate.