Seriously, I don't have any idea why the hell a person gets insecure.
Hindi ka kuntento sa physical aspects mo kaya kahit mas maganda sa'yo sasabihan mo ng panget?
O
Sa sobrang sama ng ugali mo, sasabihin mo ring mas masama ang ugali ng ibang tao para kunwari may mas masama pa sa'yo.
Ako?! Masama talaga ang ugali ko kaya nga andito ako para ipamukha sa lahat ng insecures out there...
Insecurities can kill you, hindi man spiritually pero yung personality mo ang mawawala!
Maawa ka sa sarili mo, tantanan mo ang pagiging insekyora mo!
Bakit ko naisipan mag-update ng ganito? Kasi may mga experience na akong ganito..
First day ko pa lang sa dormitory ee naradar ko na agad na hindi ko gusto ang ugali ni Gara. Unang araw ko pa lang din ay alam kong uncomfortable sa kanya ang higher years kasi I overheard them talking about Gara nung wala siya. Ang plastic nila. Right?
Nung gabi na and inaayos ko ang mga gamit ko sa locker ko ee bigla siyang nagsalita, kausap niya yung mga higher years sa room.
" Akala ko naman sobrang ganda nung hihiga dito, pinareserve pa ang bed! Hindi naman pala" sabi niya then she pointed my bed.
Nag-angat agad ako ng ulo, I stared at her habang nakataas ang kilay ko kaya natameme siya. Minemorize ko ang mukha niya, humahanap kasi ako sa mukha niya ng karapatan na sabihing hindi ako maganda. Isa kasi sa mga pinaniniwalaan ko sa buhay ay...
Wala kang karapatang sabihing hindi ako maganda unless you're prettier than me.
That moment, na on na agad ang maldita radar ko pero dahil first day pa lang, nagtimpi ako so I texted my Mom and my sister.
Sabi ko sa kanila may nagsabi sa akin na hindi ako maganda, and because they really know me too well, they both replied.
Wag mo na lang patulan.
So hindi ko pinatulan, malay mo naman di ba? Unang araw lang niya ako iimbyernahin but I was wrong dahil pagkagising namin kinabukasan ako agad ang nakita niya and she said " Dapat pala sa taas kita nilagay para hindi ako naiistorbo. Maingay ka. "
Nakasundo ko kasi agad ang karamihan sa room kaya issue sa kanya na madalas kaming magkwentuhan, nagtimpi ulit ako kasi mas matanda siya sa akin at yun kasi ang sabi ng mommy ko.
Then one time, ako lang ang first year na nasa room namin and complete attendance ang higher year, nasa kusina ako nagbubukas ng tuna nang nagsalita ulit si Gara.
" Mag-isa lang ni **** na first year, pagtulungan na natin. " sabi niya sa iba naming ka room.
Alam ko namang biro lang yun na half meant, siyempre bitch kaya si Gara but I took it seriously dahil pagod talaga ako sa byahe. Inangat ko ang kutsilyo ko then I gave her death glares while saying
" Kahit magsama sama kayong lahat, hindi niyo ako kaya. "
I was dead serious when I said that, baka hindi niya kilala yung kinakalaban niya.
After that scenario ay medyo tinantanan na ako ni Gara, naradar niya sigurong hindi niya ako kaya.
So what I'm saying is Insecure si Gara sa akin sa hindi ko malamang dahilan, sabi ng higher year napaaway na rin siya last year, tapos may nakaaway pa siyang isa sa ibang room kaya malamang nga may issue talaga to sa buhay niya.
Nakita niyo, hindi nga siya namatay na literal perocsa dami ng nakaaway niya siguradong ilang ulit na siyang pinatay sa mga utak ng mga nakaaway niya.
Isa pang eksena ay kaninang umaga, bumili ako ng asukal sa tindahan kasi nakalimutan ko bumili sa palengke. Alam kong mataray talaga yung tindera at hindi niya ako gusto, dalawa kami.nung pinsan ko pero good mood kasi ako kanina kaya palangiti ako.
" Pabili po " sabi ko kasi walang tao tapos biglang nag-angat ng ulo yung girl na nakadukdok sa motor kanina. Yung mataray na tindera pala.
" Aii ate andyan ka pala.. " sabi ko then I smiled at her kaso bigla siyang bumanat ng " Chaka " tapos umirap pa kaya nagpanting ang tenga ko.
Sabi ko nga di ba? Matatanggap ko yun kapag mas maganda sa akin ang nagsabi kaso hindi ee, let me describe her.
Maliit na bilugan ang ulo niya, malaki at mabibilog ang mata, hindi naman siya pango pero malaki ang butas ng ilong niya, makapal ang labi niya marami siyang pimples sa mukha at hindi rin naman siya kaputian.
See, kung ipapasketch ko yan sigurado akong hindi maganda ang kalalabasan kaya alam kong wala siyang karapatang sabihing chaka ako.
Sana lang kung alam niya namang hindi siya kagandahan ee nanahimik na lang siya. Binili ko muna yung pinapabili sa akin, butas pa nga yung unang inabot ee kaya sinabi ko tapos pinalitan niya.
Bago ako tuluyang umalis sa tindahan ay tiningnan ko muna siya from head to toe, saka ko siya tinaasan ng kilay.
" Ate, alam kong panget ka pero as a tindera, hindi ata maganda kung ipinangangalandakan mong chaka ka di ba? " sabi ko, hinintay ko munang mapuno ng inis ang mukha niya bago ako nagwalk out. Sigurado ako na hanggang ngayon ee inis na inis pa rin siya sa akin. Nakakamatay ang sobrang pagkainis lalo na pag resulta ng insecurities.
Hindi ko alam kung bakit kailangang mainsecure ng ibang tao sa kapwa nila, meron at meron talagang wala sa'yo na nasa kanila at meron ring wala sila na nasayo.
Lalong lalong huwag ako ang eepalan niya. Mali kasi yung kinakalaban niya, hindi ba siya nainform na kaya kong makipagtarayan base sa ganda.
Yung mas maganda sa akin.
Yung kalevel ng ganda ko.
at
Yung walang panama sa ganda ko.
Gusto niyo ba ng tips?
Sagutin niyo muna yung tanong ko..
Panget ba ko??
BINABASA MO ANG
Maldita Radar On
SachbücherWala po itong Fictional characters, ito ay nagsisilbing hingahan ko sa tuwing nasa rurok ako ng kabwisitan . Kaya this is more on me and my personality na pakiramdam ko naman maraming makakarelate.