Alam ko namang " Nobody's perfect " at yung iba pang palusot para matanggap ng lipunan ang kapalpakan ng isang tao.
Personally, may isang nakakainis na act ang pinaka ayaw ko yun ay ung Stating the obvious, sarap mambigwas kapag ganito e. Pero ayaw ko lang naman nyan kapag masyadong galing galingan yung nagsasabi.
Want me to give examples?
Sure! Why Not.
Madalas mangyari sa akin to sa bahay, yung tipong ayun na, hawak ko na ang walis tingting para magsimulang magwalis sa bakuran namin biglang bibira yung kapatid ko " Magwalis ka nga sa harap! "
Nakakaloko di ba?
Meron pa.
Ito yung time na oras na para magsaing kaya kinuha ko na yung kaldero, nagtakal ng bigas tapos biglang lilitaw yung lola ko " Magsaing ka na "
Hindi ba halata? Yun na nga yung gagawin ko.
Siguro sasabihin niyo ang sama ng ugali ko, pero hahamunin ko kayo.
Try niyo tumira dito, para magkaalaman tayo.
Yun kasi ang sinasabi ng kapatid ko sa akin, ang sama daw nung ugali ko. Fortunately, i went to college and lived in a dormitory. Siya naman nakagraduete na at siya na ang nasa bahay madalas. Isang sem pa lang ang natapos ko, pagbalik ko sa bahay namin. Ayun ang sama na rin ng ugali ng kapatid ko.
Yung susunod na babanggitin ko, maraming ganito sa paligid.
Yung..
kunwari mabait?
kunwari matinong tao?
kunwari masipag?
kunwari friendly?
In short, mapagkunwari!!!!!!!!!!!
Dahil ako yung tipo ng tao na lahat ng sama ng ugali ko ee nagsusumigaw na unang kita mo pa lang sa akin.
I can't blame naman yung mga taong mapagkunwari kasi way nila yun para matanggap ng tao.
Pero pumasok ba sa isip nila na , hindi naman yung totoong sila ang tanggap ng tao kundi yung kunwaring sila?
Sa unang basa ang iisipin niyong tinutukoy ko ay ang plastic, pero hindi sila yung tinutukoy ko. I'll give you one example.
Nung nagcollege ako, tumira ako sa dorm then I met this girl. Yung room leader namin.
Siya yung tipo ng taong ang galing mag-utos.
May tasking naman!
Siya yung tipo ng taong ipipilit sayo yung gusto niya kahit ayaw mo.
Mas marunong pa sayo!
At ang kinaiinis ko sa pagkatao niya ay yung hilig niyang mamuna kapag apektado lang siya.
Sa dorm kasi, issue nila yung religion ko. Ehh kasi naman napasama ko sa mga taong bawat umaga at bawat gabi ay nagbubuklat ng bible, ehh ako hindi showy sa ganung bagay.
Kailangan bang ilantad ko sa lahat na sobrang close kami ni THE ONE, as in super tayt!
Tapos one time bigla akong binanatan nung girl yun ang sabi niya " sama ka sa cell group namin, bible study. "
Tumanggi ako kasi una sa lahat, hindi kami pareho ng religion at pangalawa ayoko talaga. Pinilit pilit niya pa rin ako kaya nasagot ko siya " Hindi naman kailangan lahat ng tao sa paligid mo ehh maging kagaya mo, kaya tigilan mo na ang kakapilit sa akin. " at nanahimik siya.
Another scenario is about sa tasking namin sa paglilinis. Kapag gabi nagbubunganga na siya, madalas kasi siya ang huling umuuwi, " Mahirap ba ilagay yang mga sapatos niyo sa shoe rack! " kasi nakakalat yung mga sapatos ng iba naming kasama.
Ang galing pumuna, ehh madalas sapatos niya rin ang nakakalat.
Hindi lang sa shoe rack, pati sa kitchen, cr br, front and back. Hindi naman niya regular nagagawa yung task niya pero kapag nataon na ikaw yung may task bago siya at naisipan niya maglinis, ehh magulo nga dahil nakalimutan mo maglinis bubungangaan ka niyan. Tamad daw, mahira daw ba gawin, kailangan daw may punishment.
One time, ginawa niya yun sa closest room mate ko kaya nagpanting ang tenga ko. Sinagot ko siya " Sisitahin mo lang kapag task mo na noh? Kapag ba nakakalimutan mong linisan yan, nakakarinig ka ng ganyan kay ****** hindi di ba?! Kung maninita ka make sure hindi mo ginagawa! "
Natahimik siya.
Hindi ako galit dahil affected ako sa sinasabi niya because believe it or not, ang mga sapatos ko nasa locker ko, black shoes lang ang nasa shoe rack at lagi un nakaayos, kahit hindi ko task kapag nandidiri na ko sa sobrang dumi ay maglilinis na ako kapag free time ko. Ayoko kasi ng magulo, ultimo bed ko wala kang makikitang anything bukod sa pillow at blanket. May OCD kasi ako ^__^
Galit ako kasi ang panget sa tao yung may ganung ugali, masyadong hindi totoo. Masyadong mapagpanggap.
Pag nakatrip ulit ako uupdate ko toh.
BINABASA MO ANG
Maldita Radar On
NonfiksiWala po itong Fictional characters, ito ay nagsisilbing hingahan ko sa tuwing nasa rurok ako ng kabwisitan . Kaya this is more on me and my personality na pakiramdam ko naman maraming makakarelate.