Woahhh nakakapagod, as in nakakapagod talaga kasama yung dalawang mokong na yun tskk. Kala ko di ako makakabili ng damit ko sa sobrang tagal ng inikot namin kanina. Pag sila Ram at Tina talaga ang kasama ko halos buong araw akong nakatanga kakasunod sa kanila sa mga pinag gagagawa nila kanina. Hindi ata kami pumunta sa mall para bumili, pumunta lang ata sila dun para mangstalk ng lalaki jeez.
"Sis Cassey mauna na kami ni Tina girl ah. Ang saya talaga magshopping pag maraming BY sa paligid ligid nuh?" Kinikilig pa rin si Ram hanggang ngayon. Di makaget over sa nangyare kanina. -.-
"Next time ulit girl ah? Tulungan ka ulit namin ni Tina magshopping ng damit mo. Syempre mas alam namin mga fashion trends ngayon. At gusto ka pa sana namin samahan e kaso may date pa kayo ni papa Charles, ayaw namin makaistorbo moment niyo yun e.Galingan mo sa kiss niyo girl mamaya ah? Sagutin mo na sya agad okay? Sabi ko na nga ba kayo din hanggang huli e bagay na bagay naman kayo ayiee. Kahit badboy yun si Charles nakakakilig pa rin naman yung mga titig niyang pamatay."
"Osige na umuwi na kayo, salamat at sinamahan niyo ko mamili."
"Bye girl goodluck." Paalam ni Tina sakin sabay kindat.
7:30 pm kanina pa kami naghiwa hiwalay ng landas nila Ram at Tina. Late ako ng 30 mins whew. Kakarating ko lang sa meeting place namin ni Charles dito sa time zone kung san kami naglalaro.
Kakapasok ko pa lang nakita ko na ang nakatayong pogi na lalaki sa tapat ng entrance sign ng timezone. Pinagtitinginan sya ng mga kababaihan na tila di niya napapansin. Nakasuot siya ng V neck red t shirt at maong pants and vans shoes with black cap. Pormang porma, parang di galing sa trabaho whew.
Sa kasamaang palad habang papalapit ako sakanya, nakatitig lang siya sa akin ng masama. Siguro kung nakamamatay ang titig niya baka nagcollapse na ko sa kinatatayuan ko. Help!
"You're late again."
"Sorry bff namili pa kasi kami nila Ram e. 30 mins lang nam - -"
"Still you're late. Stop making excuses."
"Sige last time na tong malelate ako promise."
"Good. Let me hand those." Tipid syang ngumiti at dinala ang mga bitbit ko, dalawang paper bag lang naman yun. At nako, ang bossy pa rin lagi ng dating ng boses niya. At bipolar pa rin sya. Bigla bigla nagbabago yung mood. So weird talaga tong lalaking to.
"Tara kain muna tayo." Yaya niya. Sinundan ko lang sya hanggang sa makapunta kami sa food court area ng mall.
Andito kami ngayon sa paborito naming kinakainan nung highschool. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan yung favorite fast food restaurant namin. Natutuwa lang ako at di ko yun pinahalata sakanya.
"Sige upo ka na lang dyan, ako na lang ang oorder sa counter." Sabi niya at pumunta na sya ng counter.
After 10 minutes...
Nakabalik na si Charles dala ang pagkain namin. Kumain lang kami at di nag usap. Feeling awkward ang paligid kaya ako na lang ang nagsimula ng topic na pag uusapan.
"How's your day pala? Marami bang paperworks?" Tanong ko sakanya. Nginunguya niya pa yung kanin at chicken, uminom ng coke bago sumagot.
"Ayun parang gusto ko na ngang bitawan yung posisyon ko e. Di naman kasi yun ang trip ko. Gusto ko talaga maging singer. Napilitan lang ako dahil ako ang tagapagmana ng company namin. Madalas nabobored lang ako dun sa office ko."
Maayos mo namang nagagampanan ang role mo as CEO sa kompanya niyo e. Mahalin mo na lang yung work mo. That's the only way to make it easier for you."
BINABASA MO ANG
Unstoppable Love
RomanceDalawang taong sobrang minamahal ang isa't isa na pinaghiwalay for 2 years dahil sa pangarap...Sa pangarap ni Lance na maiangat ang buhay niya para maging maunlad. Dito magsisimula ang dagok sa kanilang relasyon. Maipaglalaban pa kaya ni Lance ang r...