1 month Later
"Good morning maam!"
"Boss good morning mukhang maganda po gising niyo huh."
"Hello maam tara kape tayo."
Binabati ako ng mga kaworkmate ko dito sa building habang naglalakad ako dito sa hallway at sinusuklian ko sila ng ngiti at tango.
"Hi guys good morning!" I waved at each one of them.
"Maam ako na po magdadala ng bag niyo papunta sa office niyo." He said and gently got my things from my hand.
"Thank you Josh." Ngumiti ako sa kanya bilang sign na sobrang naaappreciate ko yung ginagawa niya to think na mabigat naman talaga yung dala kong paper bag, andaming lamang papers e.
Andito ako ngayon sa work ko as accounting manager. Habang naglalakad ako papunta sa office, nadadaanan ko yung mga kaworkmate ko dahil nasa side yung nga table nila. Araw araw ganito ang nangyayari, para akong magandang prinsesa wearing the best dress na naglalakad sa red carpet papunta sa front stage at pinagtitinginan ng mga panauhin. Pakiramdam ko pag naglalakad ako, napapalingon lahat ng empleyado sakin wearing my light make up on my face and an angelic smile. Perfectly fits to catch everyone's attention. Suot ko lagi yung uniform namin at lagi akong nakacardigan dahil malamig sa office. Kulang na lang magkasnow dito sa office e. Yung totoo?
After one month simula nung nag apply at nahire ako dito sa work ko, naging busy, madugo at napakasaya ng mga unang araw at linggo ko dito sa office. Busy dahil as accounting manager, ako ang nagpafinalize ng lahat ng accounts ng company at financial statements, madugo dahil lagi akong overtime sa trabaho at andaming paperworks, andaming kailangan tapusin at masaya naman dahil napakacooperative ng mga handle kong employees at mababait lahat ng tao dito, halos lahat binabati ako. Sobrang nakakagoodvibes ang mga tao dito. Sana noon pa lang kakatapos ko makagraduate nag apply agad ako dito sa Cruise Land Corporation. Edi sana hindi na ko nakaencounter ng pugitang kaempleyado. Phew its not being mean to insult her anyway dahil kung sino man ang pinakamean samin, sya yon!
"Maam eto na po yung gamit niyo. Dito ko na lang po ba sa table ilalagay?" Nakarating na pala kami ng office ko.
" Sure Josh thanks talaga."
"Wala yun maam kung may kailangan po kayo o kung may iuutos tawagin niyo lang ako okay?" He smile at me widly as he walk in a backward manner to the outside of the office. Still smiling. Halatang kinikilig sya sa ginagawa niya. At halata ding may gusto sya sakin. Di ako assuming dahil obvious naman talaga sa mga pinapakita niya. Whew I thought men are all unpredictable pero di pala. This guy broke the record.
"Ahm don't bother Josh. Pwede ka ng bumalik sa desk mo." I said it non chalantly to him.
"Uy nagpapapogi kay Miss Cassey." Sabi nung isang girl. Empleyado din sya at hawak ko sya. Sya si Eva. Pansin kong lagi niyang kasabay maglunch si Josh tuwing break kasama sila Erwin at Cathy. Lahat silang apat under accounting department din.
"Sorry ka na lang may pumoporma na dyan kay maam. Baka gilitan ka nun pag nalaman niyang nagpapacute ka sa soon-to-be girlfriend niya." Tonong nang aasar siya kay Josh. Sya si Cathy ang bestfriend ni Eva at kaibigan din ni Erwin.
"Oo nga tol mas bagay sila ni sir Charles kesa sayo wag ka ng magpantasya dyan." Ngising dagdag ni Erwin kay Josh.
"Di naman ako nangangarap mapansin o maging bf ni maam noh. Dyan na nga kayo." Tonong pikon si Josh sa tatlong kaibigan. Pagtulungan ba naman kasi di ba? Haha at nag usap pa talaga sa pwestong rinig na rinig ko so malamang, hiyang hiya siya.
"Sorry na Josh. Talo pikon." Rinig kong sinabi yun ni Eva habang naglalakad silang apat sa kanya kanya nilang table.
Naalala ko nung unang araw ko sa work, nakaclose ko agad silang apat dahil tuwing break time, niyayaya nila akong kumain sa malapit na restaurant or pag tinamad maglakad, sa 5th floor na lang ng building sa pantry area. Dun kami minsan naglalunch.
![](https://img.wattpad.com/cover/14390204-288-k947842.jpg)
BINABASA MO ANG
Unstoppable Love
RomanceDalawang taong sobrang minamahal ang isa't isa na pinaghiwalay for 2 years dahil sa pangarap...Sa pangarap ni Lance na maiangat ang buhay niya para maging maunlad. Dito magsisimula ang dagok sa kanilang relasyon. Maipaglalaban pa kaya ni Lance ang r...