Pauwi na ko and at last, di ako nag overtime ngayon. After naming mag usap ni Mr. Cruise about the financial statements, sabi niya sakin na ipahinga ko daw muna ang sarili ko dahil lagi akong OT. Di ko alam kung reward ba yung sinabi niyang magleave muna ko bukas para sa Saturday, magandang maganda daw ako sa party. Walang bahid ng stress. Di ko maipaliwanag pero ang gaan ng loob ko sakanya. At ang bait bait niya sakin. Ang swerte ko talaga sa amo ko. Like really lucky. Haha
Andito na ko sa labas ng building. Its 7:10pm in my watch. Nakita kong nakaparada yung red chevrolet sa tapat. Kotse yun ni Charles.
Dahan dahan akong lumapit sa kotse niya dahil binabalak kong gulatin siya.
One time kasi nung nag OT ako at 10:00pm na nakalabas ng building, naabutan kong natutulog si Charles sa driver's seat. Di niya na siguro kinaya ang antok dahil sa sobrang pagod kaya nung ginising ko siya, gulat na gulat siyang dumilat. Bago ko ginawa yun, tinitigan ko muna sya for 5minutes habang natutulog.
Kung ikaw ba naman makakita ng guwapong natutulog sa kotse na hindi sinara ang windshield, malamang ninakawan mo na ng halik o kaya tsinansingan right? Haha e kaso wala pa naman ako sa point na yun na nababaliw sa kaguwapuhan niya. Pero infairness ang guwapo niya pa rin kahit tulog. Noon ko lang siyang nakitang tulog kaya sinamantala ko muna siyang titigan. At hindi niya alam yun. Ayoko ngang aminin noh!
Nung ginising ko siya eto naging conversation namin.
"Hi Cass. Inaantok ka na noh? Its been a very long day for you. Tara hatid na kita."
"I think I should be the one telling you that."
"Hi-hindi ako inaantok noh. Kaya mo ko naabutang nakapikit dahil nakaearphone ako di ba? Natotouch lang ako dun sa music na pinapakinggan ko. Napaka'emo kasi nung lyrics kaya ayun."
Tss terrible liar. Well he's good in reasoning but unfortunate for him I know the truth.
"Really? May I see that music."
"No. Wag na."
"Bakit ayaw mong ipakita? Patingin nga e."
"E a-ayaw ko nga. Ayaw kong makita mo to dahil baka idl mo. Ayaw kong nakikinig ka ng mga emo songs. I want you to be happy remember?"
"Patingin lang e. Di ko naman idadownload."
"Stop it Cass."
"E bakit kasi ayaw mo pang ipakita at ba't parang kabado ka?"
Nag aagawan kami dun sa CP niya and bad for him, naagaw ko HAHA.
"So ito pala ang emo song na sinasabi mo? Yeah right nakakatouch nga to." I grinned at him at pinipigilan kong tumawa ng malakas. Pero di ko na talaga mapigilan kaya tumawa na ko. His face was embarrased and he glared at me.
"Okay defeated. Happy?"
Tumatawa pa rin ako. Di ko talaga mapigilan e. Roar by Katy Perry HAHA di talaga ako makamove on.
"Roarrr!" I shouted at him at tumatawa.
"Stop it. Kundi hahalikan kita."
"Sus pikon. Ever since." Tumatawa tawa pa rin ako pero mahina na lang habang nakatitig sakanya.
Tinititigan niya din ako pero hindi na deadly glare, parang sinusundan niya lang yung mga mata ko. Ilang segundo din kaming natahimik.
"Okay defeated. Kahit kailan di ako mananalo sa pakikipagtitigan."
BINABASA MO ANG
Unstoppable Love
RomanceDalawang taong sobrang minamahal ang isa't isa na pinaghiwalay for 2 years dahil sa pangarap...Sa pangarap ni Lance na maiangat ang buhay niya para maging maunlad. Dito magsisimula ang dagok sa kanilang relasyon. Maipaglalaban pa kaya ni Lance ang r...