Chapter 4

29 1 0
                                        

3 days ago na din ang nakakalipas ng last date namin ni Charles. Oo you read it right, it was a date kasi mukha naman talagang date yon. Haha

After naming magstargazing sa labas, hinatid niya na ko dito sa bahay namin. Naalala ko pa yung mga sinabi niya...

"Ngayong official na kitang nililigawan, I'll make my first step of courting you bukod pa sa natalo kita sa tekken 5 kanina."

How dare he is para ipaalala pa niya sakin yung pandaraya niya. What an injustice act haay.

"Ano naman yung first step na yun?" I rolled my eyes to him as if I'll never forget what he had done. -.-

"Magpapakilala ako sa parents mo bilang manliligaw mo."

Kung iisipin, he is a man every girl wants to have dahil sa pagiging magalang at marespeto niya sakin kahit madalas niya kong sinusungitan.

Sino ba naman akong babae? I am only a simple girl living in a simple house, maganda daw, morena, may height din, mejo matalino, bobo din kung minsan, competitive, engot, weird at very emotional.

Gusto niyang makilala sya agad ng mga parents ko para obviously makaiskor sa'kin. Akala ko yun ang intention niya but I was damn wrong.

Right after na ipakilala ko ang mga parents ko at si Charles sa isa't isa, I was shocked to what my parents did to him.

"Kaw yung guy na naghatid kagabi kay Cassey at yung bestfriend niya nung hs right?"

"Iho alam mo bang matagal ka nang gusto ng anak ko? Ikaw naman talaga ang gusto niya e. Hindi si Lance. Nabulag lang yun dun."

"Iho dito ka muna sa bahay. Kain ka muna bago umuwi okay? Kung gusto mo dito ka na rin matulog."

"Charles galingan mo sa panliligaw kay Cassey ah? Di naman yan maarte sa mga date e. Kahit fishball lang ipakain mo dyan matutuwa na yan. Mababaw lang naman kaligayahan niyan."

"Kaw na bahala sa anak ko Charles ah. Patabain mo yan."

Hayy halos manggigil lang ako sa mga pinag usapan nila kagabi. Para lang akong anino sakanila, di man lang nila napapansin yung mga gestures kong naiinis at masama kong titig kay mama. Para bang di niya ko nakikita.  Eto naman si papa sumasakay na din kay mama. Ewan ko ba sakanila. Gosh

Eto namang si mokong oo lang ng oo at sang ayon pa ng sang ayon sa mga sinasabi ng magulang ko. Halatang nagpapalakas talaga. Feeling ko nga si Charles yung anak ng mga magulang ko kagabi at hindi ako e. Naiinis pa ko dun sa sagot niya na "Oo naman po tito and tita alam kong matagal na kong gusto ng anak niyo. Nagtapat pa nga sya nun nung hs na crush niya ko e." Bad for him at hindi ako pumayag na dito sya matulog sa bahay noh. Takot lang niya. So ayun, the following days lagi na syang nagtetext, tinatanong kung kumain na ba ako o gising na ko. Tapos maya maya tatawag pag break niya sa office.

Sa kabilang banda, natutuwa pa rin naman ako dahil alam kong wala nang magiging problema sa magulang ko kung si Charles magiging bf ko. I must admit that I'm a lucky girl to have a suitor like him.

Yung past relationship ko kasi, di ganun kaagree ang mga parents ko. Pero lagi ko naman pinagtatanggol si Lance sakanila kaso ayaw talaga nila sakanya.

Yung mga barkada ko din, di agree sa relationship namin. Kung dati tuwang tuwa pa sila na naging kami ni Lance, nang tumagal di na sila natutuwa sa mga nangyayari samin.

Well anong nagustuhan ko sakanya? Pinapangarap sya ng bawat babaeng madaanan niya sa campus namin nung hs. Guwapo siya, matangkad, matalino, mapagmahal, maalaga, mabait, marespeto, at may pangarap sa buhay. Yun yung mga minahal ko sakanya.

Unstoppable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon