“Cass! Ikaw talaga lagi ka na lang late! Alam mo namang di kumpleto ang barkada pag wala ang magandang kagaya mo e.” Salubong sakin ni Edward.
“Hey sis para ka talagang lalaki. Ikaw lang ang babaeng kilala ko na mas pipiliin pang magmotor kesa magtaxi na dress ang suot. Hayy ano ba kasing pumasok sa isip mo at ganyan pinaggagawa mo chakadoll ka.” Bulyaw sakin ni Ram. Makikita mo sakanyang mga mukha ang pagkainis habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
“CN kamusta ba ang buhay naten? Long time no see ah. Miss you na girl.” Nakangiting sabi sakin ni Tina ang bff ko nung high school. Niyakap niya ako at bineso sa pisngi.
Sabay sabay ko silang nilingunan, ang mga taong tinititigan ko habang paparating sa table nila. Tong mga kaibigan ko, sobrang namiss ko sila infairness. So good to be back celebrating with them.
“Guys alam kong miss niyo kong lahat okay? Miss na miss ko na rin kayo sobra. Sulitin natin tong gab - -“
“Mukang nakamove on ka na nga.” Naputol ang sinasabi ko at nagulat ako sa mga salitang yon na narinig ko at napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yon.
“Charles Mikael Mendoza also known as CM syempre naman noh matagal nang nakamove on ang bessy ko sa walang kuwentang lalaki na yon. Tutulungan ko syang makahanap ng bagong papa ngayong gabi diba bessy?” Pangungumbinse ni tina. Hay eto na naman sya, ang ugali niyang unspected kung magyaya. Buti di sumasakit ulo ni Edward sa babaing to. Jeez -.-
“Bessy? Wala akong time sa mga ganyan noh. Im busy duhh.” I just rolled my eyes to her . “ tsaka tama na nga yang asaran niyo. Nandito tayo para icelebrate ang birthday ni Yago. Ang pogi pa naman niya ngayon oh.” Pag iiba ko ng paksa, ayoko na naman kasing mahalungkat ang nakaraan. Ang mapait na nakaraan.
“Yeah corrected by. Tama na muna yang echusan niyo mga tanders na tayo ditey, birthday ni papa Yago at sagot niya lahat ng kakainin natin. getchingin na natin tong gin at wine, may inorder pang lechong kawali at tokwa’t baboy.” Pang aalok ni ram sa aming pito.
“Tong baklang to basta pagkain di pahuhuli. Napakatakaw halata sa katawan niya.” Sabat ni Jen.
“Takaw your face chararat che.” Yamot na sagot sakanya ni Ram.
“Ngayon lang uli tayong nagkitang pito, kung di pa dahil sa bday ko ay hindi tayo magrereunion. Sobra kayong nagpapamiss. Wag niyo muna isipin yung mga pinagkakabisihan niyo kahit ngayong gabi lang okay?” Pagsasaad ni Yago.
Kung sabagay, ngayon ko lang din uli nakita tong mga barkada ko since high school. Nagkaiba kasi kami ng school na pinasukan nung college at lahat kami’y mga professional na at nagtatrabaho kaya minsan lang din talaga kami magkita. At ngayon nga ay nandito kami sa paborito naming bar restaurant sa Manila. Dito kami laging nagcecelebrate ng bday namin. Bukod kasi sa masasarap ang inooffer nilang food at drinks, ang pamilya ni Yago pa ang may ari nito, kaya malaki ang discount pag umoorder kami dito.
Pito kaming nasa lamesa. Si Yago na naka red polo with color black sando na panloob at black pants tas naka vans shoes, si Edward na na naka checkerd green and black polo and black jeans with high cut converse, Tina and her sexy black dress with high heel stiletto, Charles and his long sleeve polo with blue sando and black vans, Ram and the black and white stripe polo with black pants and converse, si Jen na naka gray dress at black heels at ako na nakared dress with white high heels. Sa totoo lang ang gaganda at ang guguwapo ng mga kasama ko ngayon, first time naming mag semi formal na magkakasama para lang sa reunion. Syempre ako ang pinakamaganda sa mga babae. Love yourself ika nga XD. May isa pa kaming inaantay at yun ay si Misha.
“So ano naman ang konek ng pagsuot namin ng semi formal attire ngayong gabi? Sa pagkakaalam ko kasi tapos na ang debut mo Mr. Yago, 26 ka na ngayon pare kaya there’s no reason to dress up like this.” Tonong naiinis na usisa ni Edward.

BINABASA MO ANG
Unstoppable Love
RomanceDalawang taong sobrang minamahal ang isa't isa na pinaghiwalay for 2 years dahil sa pangarap...Sa pangarap ni Lance na maiangat ang buhay niya para maging maunlad. Dito magsisimula ang dagok sa kanilang relasyon. Maipaglalaban pa kaya ni Lance ang r...