Paunang Salita

1.8K 22 0
                                    

       Sa kasaysayan ng ating Pilipinas, marami sa ating mga ninuno ang tunay na nagbuwis ng kanilang buhay makamit lamang ang tanging hangad -     
Kalayaan.Matapos ang walang patid na pagpupunyagi ng ating mga katipuneros, mandirigma, parin at iba  pang mamamayan, nakamit natin ang tinatamasa nating kalayaan.

         Sa pagkakaroon ng kalayaan, isandaan rain na ang nakalipas, nagpatuloy ang buhay.    Sumilay ang mga dakilang Pilipino sa iba't ibang larangan.    Mula sa edukasyon, agrikultura, sining, isports hanggang sa larangan ng siyansiya - ang Pilipino ay sadyang maituturing na mapunyagi, masikhay at may angking katalinuhan na siyang naging daan upang ang ating bansa ay makilala sa buong daigdig.

         Sinikap ng pamugutan ito na maibahagi sa mga mambabasa; mag - aaral man o hindi, propesyunal o karaniwanng manggawa, matanda man o bata, ang ilan sa mga taong naging bahagi ng ating kasaysayan upang ang angking karunungan para sa lalo pang ikabubuti ng ating buhay at ikauunlad ng ating bansa.

           Ang aklat na ito na pinamagatang TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINO, ay nilathala upang ilarawan  ang ilan sa mga bahagi ng ating kasaysayan.   Hangad ng patnugutang ito na makapagbigay ng dagdag - aral at inspirasyon sa mambabasa.

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon