MAIKLING KONSEPTO NG TALAMBUHAY

1.2K 17 0
                                    

TALAMBUHAY

      Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao.     Ang mabuting talambuhay ay naglalarawan ng mabuting katangian ng isang tao.     Ito ay bumubuhay sa nakaraan dahil ito'y tunay na kasaysayan sa taong nabuhay sa iba't ibang panahon ng ating lahi.   Isa sa mga naibibigay ng talambuhay ay ang pagpapayaman ng katauhan.

         Isang anyo ng kasaysayan tungkol sa buhay ng isang tao na sinulat ng ibang tao.   Ang mahalagang layunin nito ay ang maisalaysay ang pinagdaanan ng isang tao at ang kanyang tunay na layunin at mga tagumpay at ang mailarawan ang kanyang katauhan sa paraang mawiwili at maaakit ang mga mambabasa.

  

        Ang talambuhay ay may dalawang uri, ito ay ang pang - iba at pansarili.   Ang pang - iba ay talambuhay na ang paksa ay ang ibang tao at ang pansarili naman ay tumutukoy sa talambuhay sa sarili.

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon