GREGORIO DEL PILAR - Bayani ng Tirad Pass

817 5 0
                                    

             GREGORIO DEL PILAR
(Nobyembre 14, 1875 - Disyembre 2, 1899)

Si Heneral Gregorio del PILAR ay isinilang sa Bulacan, Bulacan noong Nobyembre 14, 1875. Siya ay anak nina Don Fernando H. del Pilar at Felipa Sempio.

            Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro Monico at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalog na si Pedro Serrano Laktaw. Nagtapos sa Ateneo de Manila ng Bachiller en Artes.

            Naging pinuno ng maghihimagsik si Gregorio at sa murang gulang siya ay naging koronel ng hukbo at Heneral ng isang Brigada sa gulang na 22. Noong Hunyo 24, nagsimulang lusubin ng hukbo Ni del Pilar Ang bayan ng Bulacan na ngayo'y Plaridel, nakuha nilang mapaurong ang hukbong Amerikano. Nagpamalas din si del Pilar ng tapang at lakas ng loob nang ipagtanggol nito ang Pasong Tirad. Hindi siya kinabakasan ng takot sa kabila ng makapal na kaaway na kanilang nakatunggali, si Heneral at karamihan ng kanyang kawal ay sama-samang nangabuwal sa lagim ng naglalatang na digmaan.


       Si Heneral Gregorio del Pilar ay namatay noong ika-2 ng Disyembre taong 1899.

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon