JULIAN FELIPE

478 7 0
                                    

(Enero 28, 1861 - Oktubre 2, 1944)

Si Julian Felipe ay ipinanganak noong Enero 28, 1861 sa Cavite at siya ang pinakabata sa labindalawang anak ng mahirap na mag-asawang sina Justo Felipe at Victoria Reyes. Ang pagkahilig sa musika ay namana ni Julian sa kanyang ama.

Si Julian at nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natuto sa pagtugtog ng piyano. Siya ay naging organista sa simbahan ng San Pedro. Siya rin ay isang kompositor, sinulat niya ang mga awiting "Mateti el Santesisimo". "Cintas y Flores" at "Amorita Danga". Dahil sa mga komposisyong ito, siya ay nagkamit ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kaniyang kakayahan.

Pansamantalang isinantabi ng Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Cavite. Siya ay naaresto at nakulong noong Hulyo 2, 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas noong Hulyo 12, 1898 sa balkonahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Cavite, ang watawat ng Pilipinas ay iwinagayway kasabay ng pagtugtog ng marisa na isang komposisyon ni Julian Felipe. Ito ay sinabayan ng isang banda musiko. Labis na humanga si Heneral Aguinaldo sa komposisyon kung kaya't si Julian Felipe ay hinirang niyang direktor ng Pambansang Banda ng Republika ng Pilipinas.

Sa larangan ng publika, si Julian ay nanilbihan sa bayan bilang konsehal ng Cavite noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong Oktubre 2, 1944.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon