Don Cayetano Are llano
(Marso 2, 1847 - Disyembre 23, 1920)Si Don Cayetano S. Are llano ay ipinanganak sa Udiong , Bataan noong Marso 2, 1847. Ang kanyang ama na si Servando Arellano, isang kastilang naninirahan sa lalawigan ng Bataan at ang kanyang Ina ay si Cristina Lanzon na isa ring taga - Bataan.
Nag - aral siya sa San Juan de Letran bilang isang "agraciado" (nag - aaral at naglilingkod ng walang bayad).Nagpatuloy siya sa Unibersidad ng Santo Tomas, ngunit sa San Juan de Letran pa rin siya naninitahan. Isa siyang "Mayor de Salon" at "Decani de San Juan de Letran"
Bagamat walang madulang pangyayari sa buhay ni Don Cayetano Arellano tulad sa mga katipuneros noong himagsikan, siya ay kilala sa apat na sulok ng daigdig dahil sa kanyang katalinuhan.
Pagkatapos niyang makapasa sa pamahalaan sa pagiging abogado ay nagbukas siya ng sariling tanggapan.Nagturo siya ng "Codigo civil" sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ilan sa kaniyang mga naturuan ay sina Ortigas,Palma,delos Santos , Osmeña, Quezon, Sumulong, Orense at marami pang iba na pawang nakilala at hinangaan.
Noong 1886 ay nakitang siyang "Magistrate Suplente". Naging kagawad naman siya sa "Asemblea Provincial" noong 1893, hanggang sa siya'y maging "Mahistrado Suplente de la Audiencia Territorial de Manila"
Noong himagsikan, si Don Cayetano ay naging Kalihim Panlabas. Naging Konsehal ng Maynila noong 1897. Nahalal siyang Pangulo ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas noong May 29, 1899 at kauna - unahang Pilipino ng humawak ng ganitong tungkulin.
Siya ang nahirang ni Pangulong Theodora Roosevelt upang kumatawan sa Estrados Unidos at sa Pilipinas nang magdaos ng pulong ang mga huriskonsulto buhat sa iba't ibang panig ng daigdig noong 1904. Pinagkalooban siya ng karangalan "Doctor en Leyes" ng Unibersidad ng Yale.
Sa kabila ng mga katangian at karangalan. Ito ay may isang kaugaliang maitatangi kay Don Cayetano. Ito ay pagiging isang mabuting Katiliko. Ang araw ng Linggo ay inilaan niya sa pananalangin at nagbabasa ng mga banal na aklat.
Si Don Cayetano ay namatay noong Disyembre 23, 1920 at may habiling huwag tatanggap ng mga alay na bulaklak at ilibing siyang isang pangkaraniwang tao lamang.
BINABASA MO ANG
TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINO
Historical FictionFor educational purposes only