GREGORIA DE JESUS
(Mayo 9, 1875 - Marso 15, 1943)Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak sa Lungsod ng Kalookan noong ika-9 ng Mayo, taong 1875. Siya ay anak ng ulirang mag-asawang Sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez. Siya ay kabiyak ng dibdib ng subremo ng katipunan na si Andres Bonifacio.
Si Gregoria de Jesus na karaniwang tinatawag ng mga maghihimagsik na "Inang Oriang" ay nagkaroon ng mahalagang tungkulin sa katipunan. Siya Ang taga-ingat ng mga mahalagang kasulatan dito. Pinamahalaan ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na minalas na masugatan. Nang minsang may nagtraydor sa Katipunan ay itinuro si Inang Oriang na siyang naghahawak ng mahahalagang kasulatan ng Katipunan, subalit ang mga ito ay madaling niyang naitago sa malayong lugar.
Nang madakip si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio, ay hindi na it hiniwalayan ni Inang Oriang. Nang patayin sina Bonifacio ay hindi na ito ipinaalam sa kanya. At nang malaman ito ni Inang Oriang ay hinanap niya ang bangkay ng kanyang asawa ngunit ito'y hindi niya rin nakita. Napangasawa niya si Don Julio Nakpil at sila ay nakaroon ng anim na anak.
Si Gregoria de Jesus, Ang babaeng tinaguriang "Ina na Katipunan" at "Ina ng himagsikan" ay namatay noong Marso 15, 1943.
BINABASA MO ANG
TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINO
Historical FictionFor educational purposes only