Part 4: Patience

29 2 0
                                    

Jungkook's POV

Anong oras na pero wala parin sila V hyung? Kinakabahan na ako.

Asan na ba sila? Tinanong ko na si Eunice, hindi nya din daw alam. Patay pa ang phone nila.

Ano bang ginawa nila? Nasan ba sila? Lalo ko tuloy gusto sabihin kay V hyung na ex girlfriend ko si Nyx.

"Kookie anong ginagawa mo dyan? Bakit nasa labas ka pa? Anong oras na ah?" Tanong ni Jin hyung.

"Wala pa kasi si V hyung eh." Simpleng sagot ko.

"Wag mo na intayin si Taehyung. Ayaw daw sya paalisin ni Nyx eh. Kaya na sa motel silang dalawa." Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung na sa iisang room lang ba silang dalawa at anong na ang ginagawa nila.

Hindi kaya... Hindi... Hindi kayang gawin ni V hyung yun kay Nyx kahit na sabihin ko pa na magkaibigan sila... Hindi... Hindi... Hinde!

"Kookie, nasa iisang room lang daw sila ni Nyx. Wala na daw kasi silang mahanap na ibang vacant room for two eh." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jimin hyung. Alam naman nya kung ano kami ni Nyx dati eh. Sasabihin pa sakin. Bwiset, pero nasa iisang room lang sila.

"Ano na kaya ginagawa nila noh? Ano sa palagay mo Kookie?" Tanong ni Yoongi hyung.

"Jin hyung san yang motel na yan?" Seryoso kong tanong. Hindi naman sya agad nakapag salita.

" Hindi ko alam. Ayaw sabihin ni Taehyung eh!" Sagot ni Jin hyung.

" Uy! Ang init na daw sa kwarto." Singit ni Yoongi hyung.

Ano ba talaga ang nangyayari? Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari, sana pala sumama na lang ako. Tinatawagan ko si Nyx. Pero hindi nya ito sinasagot, pati narin si V hyung.

Wala na akong choice. Hahanapin ko na sila. Pero tatawagan ko muna si Eunice, tatanungin ko muna siya kung nakauwi na ba si Nyx.

"May pupuntahan lang ako." Sabi ko sakanila. Hindi ko na kaya toh, gusto ko nang manapak.

Pagkalagpas ko ay naririnig ko ang tawanan nila. Pumasok na ako ng kwarto ko para mag palit ng damit ago pumunta kila nyx. Kaya hindi ko na narinig ang sinasabi nila.

Third Person POV

"Jin hyung! Napaniwala natin si Kookie ah!"

"Sabihin mo ito kay Taehyung at Nyx. Baka mamaya kung ano pang gawin ni Kookie kay Taehyung eh!'

"Oo na. Alam na nila. Hindi naman ako gagawa ng bagay na wala silang alam."

Pababa na sana ako ng tumunog ang phone ko at nakita ko na si Eunice ang nag text.

From: Eunice

"Kookie naka uwi na si Nyx. Sorry ngayon ko lang nasabi ah. Na lowbat kasi ako. Pero naka uwi na sya. Hinatid sya ni Taehyung oppa. Hindi ko nga alam, pero ang laki ng ngiti niya pagpasok ng bahay. Wag kana mag alala. Nasa bahay na ang ex girlfriend mo. Sige, goodnight."

Okay na ako ng malaman ko na nakauwi na sya. Pero bakit kaya ang saya niya pagkapasok ng bahay?
Ano ba talaga ang nangyari? Bakit wala pa si V hyung?

Papasok na sana ako ng marinig ko ang pinaguusapan nila.

"Jin, nasabi na daw ni Jhemo yung mga kalokohan natin." Sabi ni Yoongi hyung.

"A-ano pa iniintay nyo, matulog na kayo b-baka mamaya sapakin tayo ni Kookie eh." Takot na sabi ni Jin hyung.

"Bakit naman sya magagalit? Sila ba ni Donica?" Tanong ni Yoongi hyung.

Kung alam mo lang.

"Hindi." Sagot ni jimin

"Hindi naman pala eh. Wala syang karapatan magselos puwera nalang kung may gusto sya kay Nyx." Sagot ni Yoongi hyung.

Hindi ko alam pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Oo nga pala. Wala na kami. Wala na, tinapon ko na.

"Kookie, tumawag si manager. Simula daw bukas ang bakasyon natin." Sigaw ni Namjoon hyung.

Nagulat kami ng may marinig kami na pamilyar na boses.

"Pwede ba tayo magsama ng dalawang tao?" Tanong ni V hyung.

"Taehyung, pwede daw wag lang maglandian." Sagot ni Namjoon hyung.

"Kayo na ba ni Nyx?" Tanong ni Jin hyung.

" Hindi pa. Pero malay mo naman pag sinama ko sya diba!" Sagot ni V hyung.

"Guys, sino pala si Eunice? Nakita ko kasi na kasali sya doon sa isang gc natin kung san natin pinagtripan si Kookie eh." Tanong ni Jimin hyung.

Pumasok naman ako at nakita ko ang takot na takot na reaksyon nila.

"K-kookie?" Narinig ko ang sinasabi ni Jimin hyung. Mga baliw kayo.

"Si Eunice ang kaibigan ni Nyx. Hindi sya ganoon ka interesado satin. Kaya okay lang kung isama natin sya Namjoon hyung. Ikaw lang kasi ang kilala nya. Kilala nga tayo sa pangalan, pero hindi sa mukha. Maliban sayo
Namjoon hyung. Kaya pag sinabi mo Jin hyung na ikaw si Yoongi hyung, maniniwala agad yon!So kilala mo na si Jhemo ah. Tulog na tayo para maaga natin masundo sila Nyx at Jhemo. Goodnight mga hyung."

Nyx, please hintayin mo ako. Hintayin mo ako.

💜💜💜

@ChimShy

 BTS Friendship TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon