-- Laika's POV -
Calling...
SUPERnorMAN <3
Ang aga-aga tumatawag nanaman si Norman. Halos siya na ang naging alarm clock ko.
"Hello..." mahinang sagot ko. Kakagising ko nga lang kasi.
"LAIKA EVANGELISTA! GISING NA!" Geez! Parang megaphone ang boses niya.
"Hoy Norman Delos Reyes! May alarm clock ako, okay? Di mo ako kailangang gisingin! 8:00am pa 'tong alarm ko oh!" naiinis kong sagot.
"7:30am na kaya!" palambing pa nyang paliwanag.
"Are you nuts? Bye na! Sayang pa yung 30 minutes kong itutulog.. Stupid!"
"Ah okay... can I switch on your TV? Hahaha!" napatayo ako sa sinabi nya.
"NASAN KA?!"
"Andito sa baba. Sa sala nyo. Haha! Stupid huh?" natawa pa ang loko!
Nagmadali akong bumangon. Naghilamos. Nagtoothbrush. Di na nakapagsuklay at madaling bumaba sa sala. At ayun nga! Ang sarap ng upo ni Norman sa sofa...
Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kinauupuan niya...
"Huli ka!" piningot ko ang tenga niya.
"Ouch!" kinurot naman niya ang ilong ko at binitawan din agad naming ang isa't isa.
Nagtawanan kami at tinabihan ko siya sa sofa.
"Bakit ba ang aga mo? Pinuyat-puyat mo ako kagabi... di mo naman sinabing maaga mo akong susunduin." Nag-smile lang siya. A sweet smile. A smile that completes my day...
Nag-online game kasi kami kagabi, from 6pm til 12 midnight. Di naman talaga ako gamer, pero pilit ko nalang ding ginugusto para happy sya. Well, masaya din naman ako kasi nakakapag bonding kami. Oops! Di pa pala ako nagpapakilala... pardon.
Ako si Laika Evangelista. Khai ang nickname ko. My parents both work abroad kaya mag-isa lang ako dito sa bahay; independently living.
Si Norman? Bestfriend ko sya. Yung mom ko at mom niya ay childhood friends kaya naman sobrang close ako sa family niya. Sakanila din kasi ako binilin ng parents ko nung nag-abroad sila.
Si Norman nadin ang naging father figure ko, kuya ko, tagahatid at sundo, tagasermon, tagacomfort... siya din si superman ko na mahal na mahal ko at syempre nililihim ko lang yun.
Ako naman ang naging little sister niya, nanay, tagapayo, tagasalo, iniiyakan pag broken siya, tagakinig pag inlove siya, tagaresolba ng problema niya at panakip butas pag kailangan niyang magmove on.
Pero wag kang maawa sakin kasi okay lang sa akin yun. Sanay na ako. Choice ko naman to e. no boyfriend since birth ako. Hindi dahil di ako maganda o walang nanliligaw sa akin, sadyang may hinihintay lang ako. Yung taong sa piling niya ay sasaya at magiging komportable ako at yung taong yun ay ang bestfriend ko...
* * *
BINABASA MO ANG
Bestfriends Turned Lovers || Tagalog
Teen FictionAre you willing to risk your friendship in exchange for the love that you always dream of?