Malayu-layo nadin ang nilakad namin mula sa parking. That whole time, magkahawak kamay lang kami. Buong buo na talaga ang araw ko! :)
"Andito na tayo."
"Oh my..." napakagat ako sa labi ko. MAGZIZIPLINE KAMI!!!
"Norman, are you serious? Sa pagkakaalala ko mas malala ang fear of heights mo kesa sakin."
"Eh para sayo naman to eh." Sabi nya.
"Huh? Para sakin?"
"Oo naman... sabay tayong magzizipline. Sabay tayong lilipad. Hindi man ako yung taong gusto mong makasama, gusto kong maramdaman mong kahit sandali kasama mo si Superman." Di ko inexpect yun. I wanted to cry sa sobrang touch at saya ko.
"Norman, thank you ha? Thank you talaga."
"No problem. Imaginin mo nalang na ako si Superman mo. Kung sana sinabi mo kung sino yun, edi sana kayong dalawa ang magkasama ngayon. Libre ko naman e!" he smiled again.
* * *
Kinabitan na kami ng harness. Ready to fly na!
Halatang kabado si Norman.
"Are you okay?" tanong ko.
"Don't worry about me. I-enjoy mo lang." pero namumutla na talaga siya. Hinawakan ko ang kamay nya and said "Trust me...di kita bibitawan." Ngumiti sya at hinigpitan ang hawak nya sakin.
1, 2, 3, Go! Ang sarap lumipad! Ang sarap sa feeling na magkahawak kamay kaming lumilipad ng Superman ko. Tinitingnan ko si Norman, nakangiti siya. Mukhang nag-eenjoy din siya.
Times up! Di ko namalayang tapos na. Agad-agad? Haha. Nabitin ako dun ah!
* * *
Lumakad na ulit kami para maghanap naman ng makakainan.
"Nag-enjoy ka?" tanong nya sakin.
"Oo naman. Supeeer! Ikaw, natakot ka ba?"
"Actually, I'm not afraid of heights...I'm afraid of falling." Sobrang seryoso ng itsura. Is there something wrong?
* * *
-- Norman's POV --
"Trust me...di kita bibitawan." Paulit-ulit yang tumatakbo sa isip ko. Nung sinabi ni Laika yan, bumilis ang tibok ng puso ko. Gumaan ang loob ko. The whole time na magkahawak kamay kaming lumilipad, I feel very happy and comfortable.
Kumain na kami sa isang Korean restaurant.
"Uy! Kanina ka pa tahimik." Sabi ni Laika.
Nginitian ko lang siya. Iniiwasan kong tuluyang mag-grow yung feelings ko for her. Ayokong i-risk yung friendship namin. Ugh. Ano ba 'tong nararamdaman ko?
* * *
Umuwi nadin agad kami. Pagod narin kasi siya for sure. Matutulog na sana ako nung nagtext sya...
Khai : I had a nice day! Thanks Norman. Love you bestfriend!
Sana "Love You" nalang. Lalo tuloy nagsink-in sa akin na hanggang bestfriends lang talaga, di pwedeng maging kami. Di ako pwedeng mainlove sa kanya. Makatulog na nga...
* * *
BINABASA MO ANG
Bestfriends Turned Lovers || Tagalog
Teen FictionAre you willing to risk your friendship in exchange for the love that you always dream of?